Kabanata 10 "Thank you," sambit ko sa kanya. Atleast kahit ang sama-sama niya sa akin, hinatid niya pa rin ako dito. Hindi ko naman inaasahan 'yon. Sinabi ko lang naman kay Ina na hindi na ako makakauwi pa, at dadalawin ko lang sila pag may day off ako. Hindi niya gustong hindi ako ako umuwi, pero wala na siyang ginawa. Sumang ayon nalang ito at binigyan ko din naman siya ng pera. "Tsk," tanging narinig ko sa kanya at agad niyang pinaandar ang kotse. "Is that what they called 'slum area'?" tanong niya. Napatango lang ako. "Ang mga taong gumapang sa hirap. Naghahanap ng diskarte, kung anu-anong diskarte magkapera lang." paliwanag ko sa kanya. Hindi naman lahat mula sa skwater area naging criminal. Ang iba naghahanap pa rin ng matinong trabaho may maipakain lang sa pamilya. Hindi lan

