Nanginginig pa rin ang katawan ko. Naiiyak dahil sa pinagawa sa akin ni Whyth kanina sa loob ng sasakyan. Hindi ko na gustong isipin pa iyon. I just want to think that nothing happened. Nothing happened at all. Pinasok ko ito at kailangan kong panindigan ang aking ginawa. "Hindi ka na magtatrabaho sa bar," panimula niya sa akin habang umupo siya sa sofa dito sa loob ng kanyang condo unit. Ipinako ko ang Bumalik kami dito sa kanyang condo unit. Kung makapagpaalis kasi siya sa akin. "I fired you as a pole dancer," muli niyang sabi sa akin. Nagulat naman ako sa kanyang sinabi sa akin. Bahagya akong lumapit sa kanya. "Huwag naman sa ganon Whyth. Maawa kayo," ani ko. "Kailangan ko ng trabahong iyon para sa pamilya ko. Paano nalang ang pamilya ko kapag natanggal ako sa trabaho? Nga-nga

