Chapter 3

1367 Words
MEI'S POV Pinulot kong muli ang pala na nakakalat sa lupa. Nagsimula akong dumakot ng mga kumpol na mga lupa at ibinalik sila sa dating puwesto gamit ang pala na iyon. Humangin ng pagkalakas-lakas at tanging ang kaliskisan lamang ng mga puno ang maririnig sa gubat. Sapagkat malalim na ang gabi at tirik na tirik na ang bilog na buwan ay ganoon na lamang kalamig ang panahon. Pinalo-palo ko ang pala sa lupa upang pantayin ang pagkakaayos ng aking libingan. Saka ko muling binalingan si Sir Danilo na duguan ang leeg dahil kakabaon ko lamang ng pala roon. Halatang wala na siyang buhay na nakalatay sa lupa. Napailing-iling ako. Sino ba kasi nagsabing pakialamanan niya ang hukay ko? Nang nag-iisa? Tuloy hindi na siya makakasigaw magmula ngayon. Binaba ko ang pala nang makuntento. Sinabunutan ko ang buhok ni Sir Danilo saka siya kinaladkad sa lupa. Maraming guwardiya ang nagiikot-ikot tuwing gabi dahil may karpiyo. Sa oras na may mahuling gumagala sa takdang oras na alas siete ay may kaakibat na parusa. Subalit ang mga guwardiya ay hindi umiikot sa kailaliman ng gubat sapagkat maraming mga hayop gaya ng ahas ang bigla-biglang sumasalubong sa iyo. Nang matapos ko ang ginagawa ay kaagad akong bumalik sa sariling dormitoryo. Walang tunog kong binuksan ang pintuan at pinagmasdan ang lugar. Kakatawa na ibinigay nila sa akin ang kaparehong silid. Apat ang kama sa loob na taas-baba. Naramdaman ko ang nangingilabot na paghinga ng isang tao roon. Bagamat nakapatay ang ilaw at nakatalukbong siya ng puting kumot ay batid kong gising na gising siya. Sino nga naman bang makakatulog kung ako ang kasama? Eunecia. Sandali akong nagtaka kung nasaan si Wendy? Subalit mabilis kong napagtanto na mayroon nga pala siyang sariling kwarto sa loob ng eskwelahan. Palibhasa'y anak ni Dean Chicago ay ligtas na nakakapagtago. At malamang ang dati naming isang kasama ay patay na. Kung kaya't si Eunecia lamang ang nag-iisang tao sa loob maliban sa akin. Hmm...kaawa-awa. Nahiga ako sa katapat niyang kama sa ibaba at pinikit ang aking mga mata. KINABUKASAN, iminulat ko ang aking mga mata at kaagad na ginayak ang sarili. Suo-suot ang bagong huniporme na puting pambabaeng malaking polo na may mahabang manggas at itim na sayang pang-ibaba, matagal kong tinitigan ang sarili sa salamin. Nang makuntento ay sinuot ko na ang itim na sapatos at lumabas sa dormitoryo. "AAAAHHHH!!!" Malakas na sigaw ang bumungad sa aking umaga. Tumaas ang sulok ng aking labi sa ganda ng tanawin. Nagkakagulo ang mga estudyante at sari-saring usapan ang siyang nangingibabaw. Mula sa gusali ng silid-aralan ay nakasabit ang ulo ng isang tao sa pinakatuktok ng limang palapag. Lahat ay nakatingala upang usisain kung kaninoong ulo iyon bagamat burado na ang pagmumukha. "Wala pang katapusan, pero may patay na agad!" "Parusa ang katapat nito!" "Tangina! Kaninong ulo naman kaya 'yan?!" "Bantayan niyo ang mga kasama niyo kung may nawawala!" Narinig ko ang usapan ng mga junior student. Tumayo ako sa gilid upang panoorin ang lahat. Subalit hindi rin nagtagal ay naramdaman ko ang presensya ng malaking tao sa aking likuran. Tumigil din ang kaninang ingay at lahat ay napatingin sa gawi ko. "Si Dean Chicago..." "Si Mei 'yon, 'di ba?!" "Anong--!" Tumikhim ng hangin ang malaking tao na iyon sa likuran ko ngunit hindi ko parin siya nililingon at hindi maiwasang mapatawa sa sarili. "Mei. Sumama ka sa akin sa opisina." Tumango-tango akong humarap sa kaniya. Naglalakad na siya papalayo buntot-buntot parin ang mga alagad, saka ako sumunod. Nang makarating ay nadatnan ko sa loob sina Mal, Vee at Terra. Naitabingi ko ang aking ulo. "Sila ang unang nakapagsumbong sa pangyayari, Mei." Napakaseryosong sambit ni Dean Chicago habang nakaupo sa mataas niyiang upuan na nagpapakitra ng awtoridad. "Hindi pa lumilipas ang bente-kwatro oras nang pumasok ka rito, pero may patay na kaagad. Kaninong ulo naman kaya iyon, Mei?" Nanatili akong tuwid na tumayo at at mas lalong naitabingi ang aking ulo. "Hindi ko alam." "HA!" Kaagad na buwelta ni Mal sa gilid. Nakakahanga ang pagpapakita niya ng hindi pagka-apektado sa presensya ko. Subalit hindi nagsisinungaling ang pamumutla ng kaniyang labi. Nagtama ang paningin namin na kinatigil niya. Subalit kaagad ding nakabawi at nagsalita. "Ikaw lang ang bagong estudyante at may pakay na gumawa ng ganitong bagay! Kagaguhan na hindi mo alam!" "Kung ako man, may nakakita ba?" Napatawa ako ng inosente. "May batas ang Murim, hindi ba?" Inikot ko ang paningin kay Dean Chicago at nilakihan ang aking ngiti. "May batas ang Murim... hindi ba, Dean Chicago? Walang ebidensya, walang parusa." Binigyan ko siya ng makabuluhang ngiti. Hindi nakatakas sa paningin ko ang papel sa kaniyang lamesa na nalukot niya bigla nang mabatid ang ibig kong sabihin. "Tama." Kalmada niyang usal, ang panginginig ay nasa kamay. "Kung gano'n, bakit mo ulit ako pinatawag, Dean Chicago nang hindi pa tapos ang imbestigasyon?" Nilakihan ko ang aking mga mata at tinipi ang aking ngiti. Samantalang sa gilid ng aking mga mata ang labis na paglukot ng mukha ni Mal na napalingon kay Dean. "Bulag ka ba, Dean Chicago? Sino pa bang gagawa no'n kung hindi siya lang?!" "Hindi pa tapos ang imbestigasyon. Maraming guwardiya ang nagkalat kagabi subalit wala pa silang---" "Paano kung sabihin kong nakita ko ang nangyari!?" Biglang nagsalita si Terra sa gilid. Hindi ko alam kung saan siya nakakuha ng lakas na loob. Lahat ay natahimik at napatingin sa kaniya. Napapalunok niyang tinuloy ang sinasabi. "N-Nakita ko nung gabing iyon mula sa bintana ng dormitoryo ang postura n-ng babaeng 'yan na naglalakad at m-may hawak na pugot na ulo." Natahimik ang lahat at nanatiling nakatingin sa kaniya. Binasag ko ang katahimikan. "Terra, alam mo ba na namumula ang tainga ng isang tao kapag nagsisinungaling?" Nanlaki ang mga mata niya sa hindi inaasahang pagkausap ko sa kaniya. Wala sa sarili siyang napahawak sa kaniyang tainga upang takpan. Nang mapagtanto iyon ay nagugulat siyang pinamulahan ng mukha at kaagad napayuko ng ulo sa kahihiyan. Napabulalas ako ng tawa at bumaling kay Dean Chicago ng seryoso. "Ngayon, pwede na ba akong umalis?" Nahilot niya ang kaniyang noo at dismayadong tinaas ang kaniyang kamay upang sumenyas sa aking umalis na. Nang makalabas ay naglakad ako sa may pagka-madilim na pasilyo. Subalit hindi pa man ako nakakalayo nang may kamay ang humatak sa akin patalikod at mabilis na tumama ang kamao niyon sa aking pagmumukha. Tumabingi ang aking ulo at kaagad na kumalat ang buhok ko sa aking mukha subalit nanatili parin akong nakatayo ng tuwid. Dahan-dahan kong inangat ang paningin ko at sinalubong ang umamapoy sa galit na mukha ni Mal. "Sino ka ba at bakit mo 'to ginagawa?!!" Nakakabingi niya pang sigaw. Mabibilis ngunit mabibigat ang pagtaas-baba ng kaniyang dibdib na wari'y hinihingal. "Anong kinalaman mo kay Mei?!! Bakit ka pumasok sa eskwelahang 'to??!!" Napangisi ako ng nakaloloko. "Bakit ako pumasok sa eskwelahang 'to? Sa ating dalawa, ikaw ang may mas higit na nakakaalam niyan." "HUWAG KANG UMASTA NA IKAW SI MEI!! PATAY NA SIYA!!! PATAY NA SIYA!!!" Nababaliw at pwersado niyang iniling-iling ang kaniyang ulo. Namumula ang mga mata niya at mayroon ng gumuguhit roon na mga likido. "Matagal ko ng pinatay si Mei! Hahahaha! Patay na siya kasama ng ina niya! Patay na sila! Patay na sila..." Para akong nabibingi sa mga sinasabi niya. Tumalim at dumilim ang aking paningin. "Hahahaha!" Natatawa niyang sinapo ang kaniyang noo at pinanadilatan ako ng mga mata. "T-Tama ka, alam ko kung bakit pumasok si Mei dito noon! Dahil dito nagtatrabaho ang mama niya bilang tagalinis! Dahil si ama... hahaha! Tinapon ni ama ang mama ni Mei sa eskwelahan na 'to! Kaya siya pumasok... pero pinatay ko ang---" Tuluyang nandilim ang aking paningin at mabilis na sinakal ang kaniyang leeg! Binalibag ko ang kaniyang likod sa kalapit na pader at nanginginig na mga kamay dahil sa higpit ko siyang itinaas gamit ang dalawang kamay. Lumabas ang ugat siya sa leeg at noo. Kaagad na namula ang mukha niya at nagawawala na pilit kumakalas. Subalit kahit anong sipa niya at pangangalmot ay hindi ako nagpatinag. "MAAALLL!!!" Saka lamang ako bumalik sa reyalidad at pwersado siyang hinagis sa sahig. Kaagad siyang sinalo ng mga babae niyang grupo. Hindi ko na sila binalingan pa ng tingin at kaagad naglakad paalis sa lugar na parang walang nangyari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD