10

881 Words
PRESENT DAY   Huminga naman ng malalim si Dante pagkatapos basahin ang isang pahina ng aklat na kanyang binabasa. Saglit itong napa-isip at kinuha ang kanyang cellphone at mabilis na tinawagan si Jane.   Ilang segundong tumunog ang cellphone nito hanggang sa tumugon na rin ang nasa kabilang linya.   “Hello, Officer Tuazon?” Huminga naman ito ng malalim at sumagot.   “Jane, pasensya na sa istorbo pero pwede ko bang makuha ang present address ni Vicky Romualde?” Pormal na tanong nito.   Bigla namang natahimik si Jane sa kabilang linya at tila huminga pa ng malalim.   “Did you read the book right?” Misteryosong tanong  nito.   Napapikit nalang si Dante at sumagot.   “Oo at kung konektado man ang libro sa mga nangyayaring pagpatay ay sigurado akong si Vicky na ang susunod na target.” Seryosong sabi nito.   “Okay. I’ll send you the address.” Mabilis na tugon ni Jane.   .................   Palabas na ng kanilang bahay si Benjie nang bigla nalang nitong narinig ang boses ng kanyang ina.   “Benj. Can you help me with your dad? He said he really needs to pee. Naka leave yung nurse at kailangan ko pang kunin yung maintenance meds niya sa supplier.” Sambit ng kanyang ina.   Bigla naman naalala ni Benjie ang kanyang ama na kasalukuyang may partial paralysis.   Tiningnan naman nito ang oras sa kanyang relo at bahagyang nag-alangan.   “Ma, I really need to go to Vicky.” Sagot nito.   Napangiti naman ang kanyang ina at sumagot.   “This won’t take too much of your time anak. I’ll come back in an hour okay?” Sabi nito na tinapik pa ang kanyang balikat bago ito umalis.   Napailing nalang si Benjie at sinunod nalang ang ina.   ............   Isang malapad na ngiti naman ang bumakas sa mukha ni Vicky habang nakaharap sa salamin. Inayos nito ang kanyang make-up at bahagyang sinuklay ang kanyang mahabang buhok.   Ilang sandali pa ang lumipas ay isang kalampag naman ang narinig nito mula sa sala ng kanyang tinutuluyang apartment.   Huminga naman ito ng malalim at napatayo.   “Helen?” Sigaw nito nang maalala ang kasamahan nito sa apartment.   Wala namang nakuhang tugon si Vicky bagkos ay ipinagpatuloy nalang ang kanyang ginagawa.   Habang naglalagay nang lipstick sa kanyang labi ay nagulat naman ito ng biglang nawala ang lahat ng ilaw sa paligid.   Bigla naman itong naaalarma at muling napatayo.   “What the heck?” Agad niyang dinampot ang kanyang cellphone at tinawagan si Benjie ngunit bago pa man makasagot iyon ay bigla nalang itong naubusan ng batterya.   “s**t, how can I charge this thing now?” Agad naman itong dumungaw sa bintana at nagulat nalang nang makitang may naka-sinding ilaw sa kanilang kapitbahay.   Bigla ay nakaramdam nalang ng kaba si Vicky agad itong naghanap ng flashlight at nang mahanap iyon ay bigla naman nitong naalala ang libro na isinulat ni Trish.   Sa isang sulok ay nanginginig na binuksan nito ang libro at binasa ang nasa gitnang bahagi ng nasabing aklat.   “Chapter 10, Target: Vicky. Died with multiple stabs.” Nanginig naman ang mga kamay nito at itinapon ang libro sa sahig.   Sa labis na kaba ay napatakbo nalang ito sa labas ng kanyang kwarto.   Pagkalabas ng kanyang silid ay napatigil naman ito nang makita ang isang babae.   “Ahh!” Napasigaw nalang ito at ibinaling ang tingin sa babae.   Nakasuot ito ng cocktail dress na hanggang tuhod ang haba. Magulo ang buhok nito at bahagya pang natatakpan ang buo nitong mukha. Dahil na rin sa walang ilaw ang paligid ay hindi agad mamukhaan ni Vicky kung sino iyon.   “Hello my friend.” Sambit ng babae sabay itinaas ang hawak nitong flower vase.   “Tr-Trish?” Nanlaki nalang ang mga mata ni Vicky ng maramdaman ang biglang pagtama ng matigas na bagay sa kanyang ulo.     .....................     Sa muling pagdilat nang kanyang mga mata ay agad namang naramdaman ni Vicky ang pagdaloy ng mga sariwang dugo mula sa kanyang ulo.   Pilit niyang idinilat ang kanyang mga mata at nagulat nalang ito nang maramdaman ang mga lubid na nakagapos sa kanyang mga paa at kamay.   Kasalukuyan siyang nakahiga sa kanyang kama at kanyang mga kamay at paa ay mahigpit na nakagapos sa mga sulok ng higaan.   Himinga pa ito nang malalim at isang sulok ay napansin naman nito ang isang babae na nakatitig sa kanya.   May dala itong malaking kutsilyo na bahagya pang nililinis ito gamit ang kanyang mga daliri.   “Trish? Is that really you?” Nanginginig na bigkas ni Vicky habang nakatitig sa misteryosong babae.   “Gising ka na pala?” Pilit namang sinusuri ni Vicky ang boses ngunit hindi niya makompirma iyon.   Saglit siyang napatingin sa babae at nakitang may suot pala itong face mask dahilan kung bakit nag-iiba ang tono ng boses nito.   “Spare my life please. Trish there’s a baby inside me. Parang awa mo na pakawalan mo na ako.” Mangiyak-ngiyak na sabi ni Vicky.   “Two years ago I beg you for something pero hindi mo ako pinagbigyan. You are too selfish and cruel Vicky and now you are asking me to spare your life?” Napa-iling nalang si Vicky nang maramdaman ang presensya ng babae na unti-unting humahakbang palapit sa kanya.   “I’m sorry! Just give me a chance babawiin ko lahat ng nagawa ko sayo.” Nanginginig na bigkas ni Vicky.   “There’s no such thing as taking back Vicky. Seeing you die is the only way para matahimik ako.” Napapikit naman si Vicky nang maramdaman na nasa gilid na ng kanyang kama ang babae.   “For the sake of my baby please let me live.” Naluluhang sabi nito.   “Let you live? That is exactly the reason why I need to kill you right away. I won’t let you live with that f*****g baby in your tummy!” Napadilat naman bigla si Vicky at nanlaki nalang ang mga mata nito nang mapansin ang biglang pag-angat ng babae sa hawak nitong kutsilyo.   “Trish. No!” Ilang saglit lang ay napatigil nalang ito nang maramdaman ang ang bagbaon ng kutsilyo sa kanyang tiyan.      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD