11

1175 Words
TWO YEARS BEFORE   Pagkapasok palang ng kanilang tirahan ay nadatnan na agad ni Trish ang ilang mga kalalakihan na bibubuhat at binabaklas  ang ilan sa kanilang mga gamit sa bahay.   Napatingin ito sa direksyon ng madrastang si Celeste na tahimik lang na pinapanood ang mga iyon.   Agad naman itong lumapit at kinausap ang madrasta.   “Ma, anong nangyayari? Bakit nila kinikuha yung mga gamit?”   Agad naman tumugon si Celeste sa pormal na tono.   “Binenta ko ang ilang mga gamit dito at tsaka bukas may titingin ng bahay, kailangan ko ng pera para sa therapy ng daddy mo, hindi biro ang gastos ayaw kong malubog sa utang bago pa siya mawala.”   Walang emosyon na sambit nito.   “Why are you saying that? Why are you selling our things without my permission? Wala kang pagmamay-ari sa bahay na to!”   Napa-angat naman ng tingin si Celeste at binigyan ng malakas na sampal si Trish.   “Anong karapatan mong sigawan ako? Just keep in your little brain na hindi ka na isang prinsesa Trisha. Wala na sayo ang lahat, wala ka ng pera, wala ka ng bahay pati ang daddy mong gulay sooner iiwan ka din.”   Nanginig naman ang buong katawan ni Trish at tiningnan ng masama ang madrasta.   “I hate you. How could you do this to us?” Tanong ni Trish.   Napataas naman ng kilay si Celeste at sumagot.   “The crown isn’t yours now darling. From now on you better zip that mouth bago pa ako mawalan ng pasensiya sayo.” Pagbabanta ni Celeste.     ................     Habang pinupunasan ng bimpo ang mukha ng kanyang ama ay hindi naman maiwasan ni Trish ang pagmasdan ang payat na payat na katawan nito.   Nanlumo nalang ang dalaga ng muling maisip ang dating buhay kasama ang ama.   “Daddy, binenta na ni Mommy Celeste ang mga gamit natin, pati itong bahay. Hindi ko alam kung saan tayo mapapadpad, but no matter what happened gusto ko lang gumaling kayo. I am willing to risk all I have para lang gumaling ka. Daddy please come back. I can’t take it anymore.” Naluluhang sambit ni Trish.   Hindi man umiimik ay bakas naman sa mukha ng ama ni Trish ang labis na pag-aalala para sa kanyang anak.   .............................     Pagkalabas palang ng kanilang classroom ay agad naman niyang nakasalubong si Glen, ngumiti naman ang lalaki at binati siya.   “Hi Trish, may lakad ka ba mamaya? Gusto mong mag coffee, may bagong bukas na shop diyan sa kanto gusto mo try natin?” Napangiti naman si Trish at sumagot.   “Yeah. Sige, maaga naman uwian mamaya di ba?” Abot tenga naman ang ngiti ni Glen sa narinig.   “Great! Finally.” Sabik na sambit nito   Maya-maya lang ay hindi naman nila napansin ang paglapit nila Jake at ilan sa mga kaibigan nito sa kinatatayuan nila.   Nagulat naman si Trish nang bigla siyang inakbayan ni Jake.   “Hi babe, miss me?” Agad naman itong nagpumiglas at inalis ang kamay ng binata sa balikat niya.   “Pwede ba Jake, tantanan mo na ako. Get lost!” Sigaw nito sa iritableng boses.   Napailing naman ang lalaki at napatingin sa mga kaibigan nitong sina Romy at Benjie.   “Wow, so nagbago ka na pala ng taste? Do you like this weirdo now?” Sambit ni Jake habang dinuro-duro pa si Glen.   “Shut up Jake, ang hirap sayo masyadong mataas ang tingin mo sa sarili mo. Wala kang paki kung sino man ang gustuhin ko. Dahil maraming lalaki dito na mas higit pa sayo!” Napatawa naman ng mahina si Jake at binalingan ng masamang tingin si Trish.   “Bakit, maliban ba kay Romy may iba ka pang natikman? Masarap din ba sila tulad ng tropa ko?”   Naningkit naman ang mga mata ni Trish at binigyan ng malakas na sampal si Jake.   “How dare you!” Nanggigil naman bigla si Jake at hinawakan ng mahigpit ang kaliwang braso ni Trish.   “Do you want me to f**k you now? Come on let’s do it!” Gigil na sambit ni Jake.   “Pare tama na!” Agad namang nagpumiglas si Jake nang maramdaman ang kamay ni Glen sa kanyang  balikat.   “Don’t touch me, you nerd!” Nagulat naman ang lahat nang bigla niyang binigyan ng isang malakas na suntok sa mukha si Glen.   “Tama na.” Awat ni Trish.   Agad namang nangamba ang babae ng matumba sa semento si Glen hanggang sa paulanan ito ng suntok at tadyak ng mga kaibigan ni Jake.   .........   PRESENT DAY   Nanatiling tulala si Benjie habang nakaupo sa loob ng kanilang sasakyan. Mula sa labasan ay nakita naman nito ang kanyang ina na mabusising nakikiusap sa mga pulis.   Maya-maya lang ay lumapit na rin ito sa kanya na may tipid na ngiti sa labi.   “We’re going home. On going parin ang kaso, but don’t worry, we’ll make sure na hindi ka masasangkot dito. Na review na nila ang CCTV sa village natin and it seems like ibang tao ang naglagay ng katawan ni Vicky sa sasakyan mo.” Paliwanag ng kanyang ina.   Bigla ay nanlumo naman si Benjie at humarap sa ina.   Ilang sandali pa itong napatulala bago nagsalita.   “Ma, Vicky was pregnant with my baby. I lost them both.” Nanginginig na sambit nito.   Natahimik naman bigla ang kanyang ina sa narinig. Agad nitong hinahawakan ang pisngi ng kanyang anak habang tinitigan ang malungkot nitong mga mata.   “I’m sorry. Son,  you have to be strong. I’ll help you find out kung sino ang pumatay sa kanila. I’ll promise.” Malumanay na sambit ng ina ni Benjie.     “This is all my fault. I’d let them die.” Sabi ni Benjie na tuluyan ng napahagulhol.   Bigla namang lumapit ang kanyang ina at mahigpit itong niyakap.     ................     Dumating ang ilang mga araw at muli namang nagtagpo ang landas ni Benjie at ng kanyang kaibigan sa isang bakanteng lote na kung saan sila madalas nagkikita.   Nanatiling balisa si Benjie, tahimik lang nitong pinakinggan ang bawat salitang kanyang naririnig mula sa kanyang mga kaibigan na mistulang naalarma na rin sa mga pangyayari.   “Why don’t we catch her? We’ll set a trap” Sambit ni Danica.   “How are going to do that? Ano ipapain natin ang isa sa atin?” Tanong naman ni Unice.   “Yeah and I’m thinking about you. Since ikaw naman yung next target di ba?” Nakataas kilay na sagot ni Danica.   Napailing nalang si Unice at napatingin sa malayo.   “You are unbelievable Danica. Why don’t we ask for help? Sa mga pulis?.” Napailing naman si Jake at sumagot.   “If we go to the police malalaman nila ang ginawa natin. We have no choice but to protect each other.” Sabi nito.   Napa-angat naman ng tingin si Unice at hinarap si Jake.   “Malalaman nila ang ginawa niyo. Damay lang naman kami dito di ba?” Sagot ni Unice.   “Shut up Unice. You chose what you did. Pwede ba huwag mo nang isisi sa amin lahat. Pare-pareho lang tayo dito” Naiiritang tugon naman ni Danica.   “Shut up all of you!” Nagulat naman ang lahat nang marinig ang malakas na boses ni Benjie.   Humakbang pa ito sa gitna at tiningnan ng masama ang bawat isa sa mga kaibigan nito.   “Let her kill us. Para matapos na to. We’re all going to die anytime soon. Tanggapin na natin!” Gigil na sigaw ni Benjie.   Huminga naman ng malalim si Danica at sumagot.   “No we’re not. Kung gusto mong samahan sa Vicky sa hukay, Go ahead hinding-hindi ka namin pipigilan.” Sarkastikong sabi nito.   “Danica stop it.” Sambit ni Unice sa mahinang tono.   “I am willing to die, kung lahat tayo mamamatay. Lalong-lalo ka na Danica, kayo ni Jake. Kayo ang nag-umpisa ng lahat at kung hindi niyo kami dinamay sa kalokohan niyo baka hanggang ngayon buhay pa si Vicky!”   Agad namang lumapit si Unice kay Benjie at inawat ang kaibigan.   “We should all calm down; we’ll talk about it next time okay?.” Sambit naman ni Unice sa kalmadong tono.   Bigla ay napatahimik naman silang lahat.          
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD