12

1324 Words
TWO YEARS BEFORE     Pagkatapos ng insidente sa pagitan nila Jake ay naisipan naman ni Trish na ihatid ang duguang si Glen sa bahay nito.   Wala ni isang tao ang nandoon kaya, inalalayan nalang nito ang binata hanggang sa makarating sila sa silid ng lalaki.   Habang pinupunasan ng bulak ang mga sugat ni Glen sa katawan ay napatigil naman si Trish nang napansin na nakatingin na pala sa kanya ang lalaki.   “What?” Napangiting sabi nito.   “I thought I am dreaming, hindi ako makapaniwala na nangyayari ito.” Malumanay na bigkas ng lalaki.   Napailing naman si Trish at tiningnan ng mabuti si Glen.   “Anong ibig mong sabihin?” Pagtataka nito.   “Siguro alam mo naman siguro na freshmen palang tayo, crush na kita. Kaso never mo akong napansin, but today is really different.  I mean different in a good way.” Namumulang sabi ng lalaki.   Tipid namang ngumiti si Trish at sumagot.   “I’m sorry about my attitude; sorry kung may nasabi man ako. But I want you to know that I appreciate you a lot. Ikaw lang yung nandito, ikaw lang ang naging kaibigan ko. Thank you Glen, for staying with me.” Abot tenga naman ang ngiti ng lalaki habang ang mga mata ay nakatitig lang sa mukha ni Trish.   “It’s okay. I’m grateful na kasama kita ngayon, I know this is too much to ask, pero I’m still hoping na sana magustuhan mo rin ako. Kahit hindi naman ako kasing gwapo ni Jake o kasing yaman ng iba nating classmates.” Ilang segundong katahimikan ang nangyari at bigla ay nagulat nalang si Glen ng biglang maramdaman ang pagtapat ng labi ni Trish sa kanyang kaliwang pisngi.   Nanlaki pa ang mga mata nito at napatulala.   “You are far better than him and them, you should be proud kasi hindi hindi ka katulad nila. Im sorry if I let you down sometimes” Masiyang sambit ni Trish.   Hindi man naka-imik ay hindi naman maitago ni Glen ang labis na kaligayahan noong oras na iyon.   ..................   Habang naglalakad palabas ng gate ay napahinto naman si Trish nang makita si Jane.   Nginitian naman siya nito at binati.   “Hi Trish, kumusta na?” Tanong ni Jane.   “Great.” Tipid na sagot naman nito.   Maya-maya lang ay napayuko naman si Jane at tila ba ay may malalim na iniisip.   “Are you okay? May sakit ka ba?” Pag-aalala ni Trish sa kaibigan.   Dahan-dahan namang umiling si Jane at tiningnan ng malamlam si Trish.   “Trish, I need to tell you something.” Napako naman ang tingin ni Trish sa mukha ni Jane at nagtaka.     ............   Sa cafeteria ay pribado namang nag-usap ang magkaibigan. Tahimik lang na nakikinig si Trish habang seryoso naman si Jane sa sinasabi nito.   “I know you and Glen are close now, pero hindi ako sigurado kung mapagkakatiwalaan mo siya.” Napakunot noo naman si Trish at agad na kinontra ang sinasabi ni Jane.   “Glen is genuine, wala siyang balak na masama sa akin. In fact he fought for me. Jane alam kong concern ka, but please don’t make it a big deal Magkaibigan lang kami at walang masama dun.” Paliwanag ni Trish.   “I came to warn you, nakita ko si Glen kasama si Danica at mga kaibigan niya. Alam mo naman ang takbo ng isip nila di ba? They will never stop hanggat hindi ka bumabagsak.”   Napailing nalang si Trish at sumagot.   “Pwede ba Jane enough, pagod na ako. Ano bang gusto mong mangyari? Ang mawalan ako ng kaibigan? Akala mo ba hindi ko napapansin, everytime na mayroon akong bagong kaibigan lagi kang may sinasabi, lagi kang kontra!”   Halos pasigaw na sambit ni Trish.   Napailing naman si Jane at sumagot.   “Fine, hindi kita pipiliting maniwala, but I want you to be very careful dahil hindi sa lahat ng oras lagi akong nandito!. Alam mo nakakalungkot isipin that after all that happened ikaw na ikaw parin yung spoiled brat na nakilala ko na walang ibang alam gawin kundi ang ang e-reject ang mga totoong tao sa paligid niya.”   Sambit ni Jane sabay tayo sa kinauupuan niya.   Nanatili namang tahimik si Trish at hinatid nalang ng tingin si Jane habang humahakbang palayo.   ....................     PRESENT DAY     Habang nasa parking lot ng kanyang condong tinutuluyan ay matiyaga namang hinihintay ni Danica ang nobyong si Jake na bumalik lang sa loob ng kanilang unit upang kunin ang naiwan nitong wallet.   Sa kalagitnaan ng katahimikan ay napadungaw naman si Danica sa bintana ng sasakyan at napansin ang isang lalaki na naglalakad at mistulang papalapit sa kanya.   Sinubukan pa itong baliwalain ni Danica hanggang sa mapansin nito na nakasuot pala iyon ng bonnet at face mask at halos natakpan na ang buong mukha nito.   Ang kaliwang kamay nito ay may hawak namang baseball bat na mariin pa nitong hinahawakan.   Makalipas ang ilang sandali ay napansin naman ni Danica ang unti-unting paglapit ng lalaki sa kanyang sasakyan.   Napa-angat naman bigla ng tingin si Danica nang makaramdam ng kakaibang kaba habang sinusuri ang papalapit na lalaki.   “Weirdo”   Agad naman niyang kinuha ang kanyang cellphone at tinawagan si Jake.   “Hello. Hon.” Hinihingal na sambit nito.   “Just wait, pababa na ako. Okay ka lang ba?” Tanong ni Jake sa kabilang linya.   “There’s someone, he’s coming for me.” Nangangatog na sambit nito.   “Who?” Bago pa man makasagot ay agad namang nabitawan ni Danica ang kanyang cellphone nang makita ang lalaki na nasa mismong harapan na ng kanyang sasakyan.   “Ahh!” Agad naman nitong ni-lock ang bawat pintuan ng sasakyan.   Ngunit nagulat nalang ito ng biglang hinampas ng lalaki ang bintana gamit ang hawak nitong baseball bat.   “Ahh. Who the hell are you!” Sigaw nito.   Agad namang naalarma si Danica nang sunod-sunod na hampas ang binitawan ng lalaki hanggang sa magkaroon na ng lamat ang kanyang bintana.   “Shit.” Agad itong gumapang sa kaliwang parte ng sasakyan at binuksan iyon.   “Help me. Help me!” Agad namang nakalabas ng sasakyan si Danica ay mariing tumakbo.   Maya-maya pa ay nanlaki nalang ang mga mata nito nang makita ang lalaki na halos ilang hakbang nalang ang layo mula sa kanya.   Agad naman itong napatayo at kumaripas ng takbo.   Mabilis man ang hakbang ng kanyang mga paa ay nagawa parin ng lalaki na maabutan ito at mahablot ang kanyang buhok.   Sa labis na pagpupumiglas ay nabitawan naman ng lalaki ang kanyang buhok. Dahilan upang mawalan siyang ng balanse at masubsub nalang sa may semento.   Ilang saglit lang ay naramdaman nalang niya ang kamay ng lalaki sa kanyang paanan.   “Bitiwan mo ako!” Pilit naman itong nagpumiglas nang unti-unting hinila ng lalaki ang kanyang mga paa at kinaladkad ang katawan nito sa parking area.   Maya-maya lang ay napasigaw nalang ito ng binitawan ng lalaki ang kanyang mga paa.   Hindi nagtagal ay napahiyaw nalang ito nang maramdaman ang pagdampi ng baseball bat sa kanyang likuran.   “Ahh.”   Namilipit naman ito sa sakit.   Ngunit pinilit naman itong gumapang palayo sa lalaki.   Ngunit agad naman siyang naabutan nito.   Nagpumiglas naman ito at hinarap iyon.   Bago pa man makapag-panlaban ay isang malakas na sipa sa sikmura naman ang kanyang natanggap ng muli itong datnan ng lalaki.   “Tama na. what do you want from me?” Mariing sigaw ni Danica sa nangangatog na boses.   Ilang saglit lang ay nanlaki naman ang kanyang mga mata nang makita na unti-unting inangat ng lalaki ang hawak nitong baseball bat.   Ipinikit nalang ni Danica ang kanyang mga mata at napasigaw.   “No. Don’t kill me!.” Nanginginig na sambit nito na makita ang paghigpit ng hawak ng lalaki sa baseball bat.   Napatigil naman ang lalaki at pinakiramdaman ang paligid.   “Danica!”   Napadilat naman si Danica nang marinig ang isang pamilyar na boses.   Nabuhayan nalang ito ng loob ng makita si Jake na patakbong sinugod ang lalaking umaatake sa kanya.   Agad nitong sinipa ang lalaki palayo sa kanya hanggang sa tumalsik ang hawak nitong baseball bat sa sahig.   Natumba naman sa semento ang lalaki. Kaya sinamantala na ni Jake ang pagkakataon upang sugurin iyon.   Napaatras naman si Danica at masuring pinagmasdan ang mga pangyayari.   Isang malakas na suntok naman ang binitiwan ni Jake hanggang sa tuluyan na nitong mabugbog ang lalaki.   Pilit naman inayos ni Danica ang sarili habang mariin na tinitingnan ang kanyang nobyo na halos mapatay na sa gulpi ang lalaki.   Pilit na hinakbang ni Danica ang mga paa palapit sa nobyo hanggang sa tumigil na rin si Jake.   “Jake that’s enough.”   Nang mapansin na wala ng malay ang lalaki ay dahan-dahan namang lumuhod si Danica sa nakahandusay na katawan ng lalaki at unti-unting inalis ang bonnet at face mask na nakatakip sa mukha nito.   Ilang sandali lang ay napatigil naman sina Danica at Jake nang tuluyan nang matanggal ang mga bagay na nakatakip sa mukha ng lalaki.   Bahagya pang napaatras si Danica at napaakunot-noo nalang sa labis na pagtataka.   “Benjie? What the hell?” Mariing sambit ni Jake.        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD