TWO YEARS BEFORE
Sa saliw ng mahinang musika ay dahan-dahan namang bumaba ng hagdanan si Trish.
Ang lahat ng nandoon ay nakangiti habang ang mga mata ay aliw na aliw sa kakatingin sa kanya.
“See, you are stunning.”
Bulong ni Danica mula sa likuran ni Trish.
“Thank you Dani.”
Masayang tugon naman ni Trish.
Nang makababa ng hagdanan ay agad namang lumapit si Spencer at tumayo sa harapan ni Trish.
“Pwede ba kitang maisayaw?”
Sambit ni Spencer sabay itinaas ang kaliwang palad nito.
Agad namang tumango si Trish at ipinatong ang kamay sa palad ng lalaki at dahan-dahan itong inalalayan ng lalaki papunta sa dance floor.
Naging perpekto ang nasabing gabi para kay Trish.
Sa isang iglap ay bigla nalang nitong naramdaman ang atensyon ng lahat ay nakatuon sa kanya.
Habang sumasayaw ay napatitig naman ito sa mukha ni Spencer at napangiti.
“Sobrang perfect ng gabing ito, I’m afraid na baka matapos agad ang gabi. I hope we can stay like this forever.”
Natango naman si Spencer at napatawa ng mahina.
“Dancing, forever? Nakakapagod yun ha.”
Biro nito.
“Sira ka talaga. Ibig kong sabihin, ayaw kong matapos tong moment na to. I hope my life is not a Cinderella’s tale na pagsapit ng hating gabi ay babalik ang lahat sa dati. Gusto ko ganito lang, yung wala akong iniisip kundi ang sumayaw at sumaya.”
Malumanay na sambit ni Trish habang bakas parin sa mukha ang labis na kaligayahan.
“Huwag kang mag-alala. I am your prince charming from now on. Matapos man ang gabing ito, mawala man lahat ng music at yung party, mawala man lahat sila nandito lang ako. I’ll stay with you no matter what, kahit sumapit man ang alas dose at bumalik man ang lahat sa dati, I’ll stay with you.”
Bigla namang namula si Trish sa narinig at napangiti nalang.
“Stop it huwag ka ngang magbiro ng ganyan, hindi mo pa ako kilala. Baka bukas o susunod na araw sigurado akong iiwasan mo din ako. Lahat ng tao dito alam ang tungkol sa akin, ayaw ko nang sabihin but if you have to leave, If you have to avoid me matatanggap ko. It’s just that gusto ko lang ma-enjoy itong gabi kasama ka, hindi ko alam but I really feel safe kapag kasama ka.”
Napangiti naman si Spencer at pinagmasdan ang mga mata ni Trish.
“I like you whatever you are, kung ano man ang tingin ng iba sayo wala akong pakialam. I like you just the way I know you are. Kahit nung una palang kitang nakita.”
Bigla naman napangiti si Trish habang pilit na itinatago ang labis na tuwang nararamdaman sa oras na iyon.
...........
Sa isang sulok ay tahimik namang nakamasid sina Danica, Vicky at Unice.
Napataas kilay naman si Danica habang ang mga mata ay mariing nakatitig naman kay Trish.
“It seems like the slut is still enjoying the night.”
Giit ni Danica.
Bigla ay napatingin naman si Unice at nagsalita.
“Dani, She’s been through a lot, let’s give this night to her. Kung ano man ang plano mo huwag mo nang ituloy.”
Pakiusap naman ni Unice.
Napakunot noo naman si Danica at tiningnan ng masama si Unice.
“Are you on her side now? No one will ever dictate me what to do Unice.”
Napayuko naman si Unice at tila napahiya.
“I’m not choosing side Danica. It’s just that maybe this is too much. Hindi ka ba naawa sa kanya?”
Sagot ni Unice.
“No at hindi din ako maaawa sa pwedeng mangyari sayo kapag kumampi ka sa kanya. You get it?”
Pagbabanta ni Danica.
...............
PRESENT DAY
“Drowning”
Napatigil naman ang lahat nang matapos basahin ni Spencer ang isang linya sa pahina ng aklat na ginawa ni Trish.
“Drowning will be the cause of your death.”
Napatingin naman ito kay Benjie na mistulang tulala parin.
“How can you be so sure na ganon nga mangyayari?”
Tanong naman ni Unice.
“Normally accurate ang mga nakasaad sa libro. Glen was died in suffocation, Romy was hanged and Vicky was stabbed multiple times. Kung pagbabasehan yung chain ay maaring binabalak ni Trish na patayin si Benjie sa pamamagitan ng paglunod dito. What do you think detective?”
Napatango naman si Dante at nagsalita.
“From now on bibigyan ko kayo ng tracker it is a micro gps na pwedeng ikabit sa damit o sa mga accessories niyo. Nakamonitor ako at ang aking team sa bawat isa sa inyo. May button din ang gps nato na konektado sa system namin. Kailangan niyo lang pindutin ang button just in case umatake na ang suspect.”
Paliwanag ni Dante habang ini-aabot ang micro gps sa bawat isa sa mga nandoon.
“Kailangan ko lang ng kooperasyon ng bawat isa, Kung magtutulungan tayo ay mas maaga nating mahuhuli ang suspect.”
Dagdag pa ni Dante.
.................
TWO YEARS BEFORE
Sa kalagitnaan ng kanilang klase ay agad namang napansin ni Trish na wala si Danica sa upuan nito.
Pilit niya iyong binalewala hanggang sa bigla nalang itong pumasok sa kanilang silid aralan.
Magang-maga ang mga mata nito at mistulang nanlulumo.
Sa likod nito ay nakasunod naman ang principal ng kanilang paaralan na tila seryoso.
Bakas din sa mukha ng may edad na principal ang labis na pagtataka.
“There she is.”
Malakas na sambit ni Danica sabay itunuro si Trish sa kanyang kinauupuan.
Nanlaki naman ang mga mata ni Trish at halatang nagulat sa mga nangyari.
“May pro-blema po ba?”
Nauutal na sambit nito nang makita ang galit na mukha ng kanilang principal.
“Can I check your bag Ms. Suarez?”
Ma-awtoridad na sambit ng may edad na babae.
“Ahm. Hindi ko po maintindihan.”
Nag-aalangang sabi ni Trish.
“Just give her your bag b***h! Pinahiram ko lang sa kanya yun nung isang gabi, sigurado akong siya lang ang pwedeng kumuha nun!”
Sigaw ni Danica.
“Give me your bag Trisha.”
Galit na sambit ng principal.
Sa labis na kaba ay mabilis namang inabot ni Trish ang kanyang bag sa guro.
Ilang sandali ding hinalungkat ang kanyang mga gamit hanggang sa ilang sandali lang ay napatigil naman ito nang biglang itinaas ng principal ang isang kwintas mula sa kanyang bag.
“Oh my god, that’s my mother’s necklace. I told you tama ako, she stole it!”
Sigaw ni Danica sabay idinuro pa si Trish.
“Can you explain this Ms. Tuazon?”
Sambit ng principal.
Bigla ay natahimik naman si Trish at napako nalang ang mga mata nito sa buong paligid at doon ay napansin nalang niya na ang lahat ng kanyang mga kaklase ay nakatingin na pala sa kanya.
“Theft! Pagkatapos kitang imbitahan sa party ko ito pa ang igaganti mo sa akin?”
Gigil na sigaw ni Danica.
Bigla nalang nanlumo si Trish at sinuri nalang ang mga mapanghusgang mata sa kanyang paligid.