PRESENT DAY
“May tao sa labas mukhang hinahanap ka.”
Sambit ng ina ni Jane pagkapasok na pagkapasok palang nito mula sa pintuan ng kanyang silid.
Agad namang naalarma si Jane at mabilis na sumilip sa kanyang bintana.
“Spencer?”
Pagtataka nito.
“Siya na ba ang boyfriend mo? Bakit hindi mo siya pinapakilala sa akin?”
Tanong ng ina nito na may halong pagtatampo sa boses.
“Ma, magkaibigan lang kami ni si Spencer. Dito lang kayo ha, Kailangan ko lang siyang kausapin.”
Natatarantang sabi ni Jane.
“Hindi mo ba ako ipapakilala sa kanya?”
Seryosong bigkas ng may edad na babae.
“Ma please, Huwag muna ngayon okay? Dito lang muna kayo.”
Mahinahong pakiusap ni Jane.
Napatango nalang ang ginang at tahimik namang sinunod ang anak nito.
Dali-dali namang tumakbo si Jane palabas ng sala at pinagbuksan si Spencer.
“Spencer. Kanina ka pa ba?”
Bungad nito.
Napangiti naman si Spencer at inilibot ang paningin sa paligid.
“Hindi naman. I heard somebody’s voice may kasama ka ba?”
Napatigil naman si Jane at bahagyang nag-isip.
“Ahm, I was talking to my boss sa cellphone. Anyway bakit pala napadalaw ka?”
Napatigil naman si Spencer at tiningnan ang dalaga.
“Nothing gusto ko lang yayain ka for coffee but if you’re busy it’s okay.”
Bigla namang napailing si Jane at sumagot.
“No! Not really, saan mo ba gusto?”
Mabilis na sagot nito.
.............
Sa isang kilalang coffee shop ay malalim namang nag-usap ang dalawa.
Maya-maya pa ay napansin naman ni jane ang kakaibang titig ni Spencer.
“What?’’
Nakangiti nitong sabi.
Napatawa nalang nang mahina si Spencer at napailing.
“Wala.”
Pagdadahilan nito.
“Ano nga?”
Pangungulit naman ni Jane.
“Actually I came to see you. Pasensya na but I have to say this, Gumagaan ang loob ko kapag kasama kita, Maybe this is weird pero pakiramdam ko ang gaan-gaan ng pakiramdam ko whenever you’re around.”
Napatulala naman si Jane ilang segundo din nitong pinroseso ang mga sinabi ni Spencer hanggang sa maramdaman nalang nito ang pag-iinit ng kanyang pisngi.
“Ah, actually ako din. I-I mean, masaya ako kapag kasama kita.”
Nauutal na sabi nito.
Saglit namang nanahimik si Spencer habang nakatitig lang sa mukha ni Jane.
“If we are going to die soon gusto ko lang malaman mo na gusto kita.”
Walang preno na sabi ng lalaki.
Nanlaki naman ang mga mata ni Jane.
Tila namanhid naman ang katawan nito sa kanyang kinauupuan at hindi na nakapagsalita.
“Ha?”
Napangiti naman si Spencer at muling nagsalita.
“No pressure. Hindi naman ibig sabihin na gusto kita, kailangan gusto mo din ako. Naisip ko lang na kailangan ko nang sabihin before it’s too late.”
Sambit ng lalaki.
“Are telling me this para makalimutan mo na totally si Trish?”
Nakakunnot noong tanong naman ni Jane.
Dahan-dahan namang umiling si Spencer at sumagot.
“She’s gone. Kung hindi lang dahil sa sitwasyon baka matagal ko nang sinabi.”
Napangiti naman si Jane at tila umaliwalas ang mukha.
“Are you telling me this kasi alam mong gusto din kita?”
Napakunot noo naman si Spencer at nagtaka.
“Gusto mo rin ako?”
Malakas na bigkas nito.
Nanlaki naman ang mga mata ni Jane at tila nataranta.
“No! It’s not what I meant.”
Sigaw nito.
Napatigil naman agad ito nang mapansin ang mga tao sa paligid na sa oras na iyon ay nakatingin na pala sa kanila.
“You said it yourself. Gusto mo ako. Don’t worry hindi kita pahihirapan.”
Pabirong sabi ng lalaki.
“Sira ka talaga.”
Natatawang sabi naman ni Jane.
..................
Habang naglalakad palabas ng coffee shop ay bigla namang naging seryoso ang mukha ni Jane.
Napatigil nalang ito sa paglalakad at hinarap si Spencer.
“Thank you for liking me. But if you want to step little further, Gusto ko lang sabihin na hindi ako naging honest sayo sa lahat ng oras.”
Napatigil naman si Spencer at nagtaka.
“What do you mean?”
Saglit namang napapikit si Jane na tila ay nag-iipon ng lakas ng loob.
“You have to like my mom as much as you like me. Actually kasama ko siya sa bahay she was there when you came.”
Napakunot noo naman si Spencer at hinarap si Jane.
“Bakit hindi mo sinabi? I want to know her sigurado ako kasing charming mo din siya.”
Napahinto naman si Jane at bumakas nalang sa mukha ang pagkabahala.
“She has a condition, her mind is not in the right state right now. She’s been through a lot at ang sabi ng doctor naapektuhan ng trauma ang pag-iisip niya. Natatakot ako na baka husgahan siya ng mga tao. So as much as possible gusto ko nasa bahay lang siya. I want her to be safe because right now siya lang ang meron ako.”
Sabi ni Jane na may panlulumo sa boses.
Napahinga naman ng malalim si Spencer at hinawakan ang kamay ng dalaga.
“Now you have her and me. Kung ano man sitwasyon niya ngayon. I don’t care, I still like you.”
Seryosong bigkas ng lalaki.
Tipid namang ngumiti si Jane at tiningnan si Spencer.
“Thank you.”
Tipid na sagot nito.
.........................
PRESENT DAY
Tulala lang na nakaupo si Danica sa cafeteria sa loob ng ospital.
Maya-maya lang ay nagulat naman ito ng marinig ang pagtunog ng kanyang cellphone na nakapatong lang sa lamesa katapat nito.
Napakunot noo naman ito nang mapansin ang isang anonymous number na siya namang kasalukuyang tumatawag dito.
Dahan-dahan nitong dinampot ang kanyang cellphone at sinagot iyon.
“Hello?”
Isang malalim na hininga naman ang narinig nito mula sa kabilang linya.
“Are you going to talk or not?”
Sabi ni Danica sa naiiritang boses.
“Hi friend.”
Napatigil naman si Danica at sinuri ang boses sa kabilang linya.
“Who are you?”
Tensyonadong tanong nito.
“You knew me very well. I like your black dress anyway, Is that for Jake?”
Misteryosong sambit ng boses sa kabilang linya.
Agad namang napatayo si Danica sa kanyang kinauupan at luminga-linga sa paligid.
“Trish?”
Nanginginig na sabi nito.
Isang mahinang tawa naman ang biglang narinig nito.
“Where are you?”
Tanong ni Danica habang dahan-dahang inililibot ang kanyang mga mata sa paligid.
“I’m here. Looking how scared are you.”
Natatawang sabi ng boses.
“I said where the hell are you?!”
Gigil na bigkas ni Danica.
“You want to see me? Come and find me b***h!”
Mariing sambit ng nasa kabilang linya.