PRESENT DAY
Isang malakas na kalabog naman mula sa pintuan ng kanilang bahay ang narinig ni Jane.
Nagulat nalang ito nang buksan niya ang pintuan ay agad na bumungad sa paningin nito ang takot na takot na mukha ni Unice.
“Jane, I need your help.”
Nagulat nalang ito nang bigla siyang niyakap ni Unice.
“What’s wrong?”
Agad namang bumitaw sa pagkakayakap si Unice at inabot ang isang pirasong papel kay Jane at binasa ang nakasulat doon.
“Count your days sweetie, I’ll see you soon”
Napansin naman ni Jane ang panginginig sa katawan ni Unice habang nagsasalita.
“I saw it beside my bed, Hindi ko alam kung anong ibig sabihin but I know for sure that she’s coming for me.”
Salaysay ni Unice.
“Unice calm down, we’ll figure it out okay.”
Sambit ni Jane na pilit namang pinapakalma ang kaibigan.
“I made those terrible things, sana nakinig ako sa kanya, kung nakinig lang ako sana hindi ito nangyayari ngayon.”
Napakunot noo naman si Jane at nagtaka.
“What is it Unice?”
Napatigil naman si Unice at bahagyang nag-isip.
“It was during Danica’s birthday party two years ago.”
Pagsisimula nito.
...................
TWO YEARS BEFORE
Nagulat nalang si Trish nang biglang maramdaman ang kamay na tumapik sa kanyang balikat.
“Hey, are you going to stand there all night? tara sa loob.”
Nakangiting bungad ni Spencer.
Kasalukyang nakatayo si Trish sa labas ng gate ng bahay nila Danica, magdidilim na at naririnig narin nito ang malalakas na tunog nang sound system mula sa loob ng nasabing bahay, hudyat ng pagsisimula ng okasyon.
“No, thank you. napadaan lang talaga ako, hinatid ko kasi yung mga equipments sa canteen sa bahay nila Manang Nena.”
Napailing naman si Spencer at hinawakan ang kamay ng dalaga.
“Come on, I know you came for our deal. You should enjoy this party. Don’t worry hindi ako aalis sa tabi mo.”
Bigla ay napatigil naman si Trish at napasulyap sa mukha ni Spencer.
“Please say yes.”
Napalihis nalang ng tingin si Trish at sumagot.
“Oo sige na.”
Nakangiting tugon nito.
Marami-rami na ang bisita sa loob nang pumasok sina Trish at Spencer, masaya ang paligid at hindi akalain ni Trish na magiging maayos ang pakikitungo nang lahat sa kanya nung gabing iyon.
“Hey Trishy, glad to see you.”
Nakangiting sambit ni Jake na tila ba ay nakainom na.
Umiwas naman ng tingin si Trish kaya naisipan nalang ni Spencer na pumagitna sa dalawa.
“Hey bro. I don’t think it’s the right to talk to her.”
Napa-angat naman ng tingin si Jake at binalingan ng masamang tingin si Spencer.
“Ha? sira ulo to, sino ka ba sa tingin mo? boyfriend ka ba niya?”
Pasigaw na sambit ni Jake.
Agad namang hinawakan ni Trish ang braso ni Spencer nang maramdaman nalang ang tensyon sa pagitan ng dalawa.
“Spencer, let’s get out here, ayaw ko ng gulo.”
Sambit ni Trish.
Maya-maya pa ay napatigil naman sila nang makitang papalapit na sa kanilang kinatatayuan si Danica.
“What’s going on?”
Agad namang humarap si Jake kay Danica at sinabi.
“Dani, pagsabihan mo nga tong mga bisita mo na..”
Bago pa man maituloy nito ang kanyang sasabihin ay agad naman siya binalingan ng masamang tingin ni Danica.
“Pwede ba Jake, lasing ka na. Don’t ruin the night okay?”
Agad namang tinawag ni Danica sina Romy upang awatin si Jake.
Isang kakaibang ngiti naman ang puminta sa mukha ni Danica lumapit pa ito at niyakap si Trish.
“Oh Trish, I never expect you to come, thank you.”
Napahinga naman ng malalim si Trish at sumagot.
“Happy Birthday Dani.”
Napangiti naman si Danica at napatingin kay Spencer.
“Hey, Mr escort do you mind if I talk to Trish for few minutes?”
Napatingin naman bigla si Spencer kay Trish.
Nang maramdaman na ayos lang sa dalaga ay agad naman itong dumistansya at hinayaang makapag-usap ang dalawa.
Napatulala naman si Trish at tahimik lang na pinagmasdan ang kakaibang kilos ni Danica.
“What is it do you want Danica? You are acting so nice to me which is weird.”
Seryosong tanong ni Trish.
Napailing naman si Danica at napatawa nalang nang malakas.
“Come on Trish, It’s my birthday. I mean I’m sorry for everything that I did. This past few days I realize na mali ako and I’m hoping na hindi pa huli ang lahat for us to be friends again.”
Napakunot noo naman si Trish at nagtaka.
“You are so unpredictable.”
Sagot ni Trish.
Maya-maya lang ay napansin naman ni Trish ang paglapit nila Vicky at Unice sa kanilang kinatatayuan.
“Hey Girls. Come on let’s welcome back our dearest friend Trisha.”
Malakas na sabi ni Danica.
Agad namang lumapit sina Vicky at Unice at binigyan ng mahigpit na yakap si Trish.
Maya-maya pa ay napatitig naman si Danica kay Trish na bahagya pang naningkit ang mga mata.
“Well Trish, If you don’t mind changing your clothes I’ll let you borrow mine. Tara, let’s go to my room, It’s time for your biggest transformation.”
Sabik na sambit ni Danica na hinila pa ang kamay ni Trish paakyat sa may hagdanan.
Nang matapos makapagbihis ay napatigil naman si Trish sa harap ng salamin.
Suot niya ang kulay puting bestida na pinahiram ni Danica at sa oras na iyon ay napatingin naman sina Vicky at Unice sa kanyang repleksyon.
“You are stunning. That’s suit you well.”
Nakangiting sabi ni Vicky.
Isang tipid na ngiti naman ang sinagot ni Trish sabay tingin sa kanyang sarili sa harap ng salamin.
Maya-maya lang ay dumating naman si Danica na may bitbit pang isang maliit na jewelry box.
Inilapag niya iyon sa mesa sa harap ni Trish at nang buksan niya iyon ay tumambad naman sa mga mata ni Trish ang isang diamond necklace na mistulang mamahalin.
“Danica, para saan naman to?”
Nagtatakang tanong ni Trish.
“You look better with diamonds. Try it.”
Nakangiting sambit ni Danica.
Nag-aalangan man ay kinuha na rin ni Trish iyon at dahan-dahang isinuot sa kanyang leeg.
“Great.”
Sambit ni Danica sabay sinulyapan ang kanyang mga kaibigan.
....................
PRESENT DAY
“Hindi siya lumabas ng kanyang silid simula kagabi. Kakaiba ang mga kinikilos niya noong mga nakaraang araw. I can’t even talk to him.”
Napakunot noo naman si Delfin nang marinig ang salaysay ng kanyang asawa.
Bigla nalang bumakas sa mukha nito ang takot at pag-aalala para sa anak nitong si Jake.
“Do you have the key?”
Tanong nito habang ang mga mata ay nakatitig sa doorknob na nasa harap nito.
Dali-dali namang inabot ni Stella ang susi ng kwarto ni Jake sa kanyang asawa.
Ilang sandali pa ay dahan-dahan namang ipinasok ni Delfin ang susi sa doorknob hanggang sa tuluyan nang bumukas ang pinto.
“Jake?”
Tawag ni Delfin sa anak.
Pagkapasok sa loob ay bigla nalang itong napatigil at napatingin sa higaan ng kanyang anak.
“Stella.”
Agad namang pumasok sa loob si Stella at napatigil din nang makita ang kalagayan ng kanyang anak.
“Jake!”
Takot na sigaw nito.
Dali-dali itong humakbang at nilapitan ang anak na kasalukuyang nakahiga sa kanyang kama.
Dilat ang mga mata nito at kasalukuyang bumubula pa ang kanyang bibig.
Napansin din ng ginang ang mga nagkalat na tableta ng pills sa tabi ni Jake.
“Jake anak? honey, tumawag ka ng ambulansiya!”
Takot na sigaw nito habang yakap-yakap ang katawan ng anak na mistulang wala nang buhay.