TWO YEARS BEFORE
Napatigil naman si Jane nang makita sa kusina ang isang pamilyar na mukha dahan-dahan naman itong lumapit at tiningnan ng mabuti ang kaibigan.
“Trish? anong ginagawa mo dito?”
Lumingon naman si Trish at nginitian ito.
“I’m working here, from now on dito na ako magtatrabaho, magkakasama na tayo uli.”
Agad namang inagaw ni Jane ang pinggan na hawak ni Trish at sinabi.
“Tumigil ka nga, ako na dito. Trish alam naman nating pareho na hindi ito ang lugar mo di ba?”
Nag-aalalang tanong ni Jane.
“It is now, Jane hayaan mo na ako, I have to work to survive, mabuti nga at binigyan pa ako ni Aling Tese ng trabaho at matutuluyan at the same time.”
Napayuko nalang si Jane at napailing.
“I know you’re worried, pero I guess mas okay na dito kesa mag stay ako kasama nila Mama Celeste at Karen.”
Napaa-angat naman ng tingin si Jane at nagtaka.
“Is there something wrong? may ginawa ba sila sayo?”
Pag-aalala ni Jane.
“Nothing, maybe things are not running so smooth between me and them, kaya umalis nalang ako.”
Napa-iling nalang si Jane at nag-isip.
“How about your dad?”
Bigla ay nanlumo naman si Trish, bigla ay naisip nalang nito ang kalagayan ng kanyang ama.
“I’ll get him soon, hindi ako papayag na mabulok siya sa pamamahay na iyon. I’ll just need a little more time.”
Seryosong sambit naman ni Trish.
..................
Habang naglalakad sa hallway ay napatigil nalang si Trish nang makita sa kanyang dinadaanan si Danica kasama ang mga kaibigan nitong si Vicky at Unice.
Napa-angat nalang ng tingin si Danica at bahagya pang napatawa.
“Hello sweetie, mukhang pagod na pagod ka ha.”
Sarkastikong sambit ni Danica.
“Stop right there, I know pupunahin mo na naman na nagtatrabaho ako sa canteen ngayon, Wala na akong pakialam sa iniisip mo Danica, so you better leave me alone.”
Derektang sambit ni Trish.
“How harsh, where did your manners go? naiwan sa canteen?”
Ilang saglit lang ay nagtawanan naman ang tatlo habang ang mga mata ay nakatingin parin kay Trish.
Hindi na iyon ininda pa ni Trish bagkos ay humakbang nalang palayo.
“Wait, I’m not done talking yet.”
Napatigil naman bigla si Trish at muling hinarap si Danica.
“Ano bang kailangan mo?”
Iritableng tanong ni Trish.
“Relax, I’m here to invite you for my birthday this coming weekend, just be there and wear something nice.”
Nakangiting sambit ni Danica, pagkatapos nun ay agad naman itong tumalikod at naglakad na palayo.
Ilang sandali pa ay napatigil naman si Trish nang mapansin ang isang pamilyar na mukha.
Mariin itong nakatitig sa kanya at tiningnan siya mula ulo hanggang paa.
“Trish?”
Napayuko naman si Trish at nakaramdam ng pagkailang.
“Spencer?”
Isang tipid na ngiti naman ang puminta sa mukha ng lalaki bago nagsalita.
“Dito ka din pala nag-aaral. Sana nagkwentuhan muna tayo bago ka umalis ng walang paalam.”
Giit ng lalaki.
Dahan-dahan namang humarap si Trish at nakaramdam ng pagkahiya.
“I’m sorry, nagmamadali kasi ako.Paki sabi na rin sa pinsan mo pasensya na. Nagtatrabaho na kasi ako sa canteen kaya kailangan kong gumising ng maaga.”
Nahihiyang sabi ni Trish.
“That’s alright. I understand.”
Tipid na sagot ng lalaki.
Napakunot noo naman si Trish at nagtaka.
“Is that it?”
Isang tipid na ngiti naman ang puminta sa mukha ng lalaki at sumagot.
“Okay, apology accepted. Pero kailangan mong bumawi.”
Napatigil naman si Trish at tumingin sa mukha ng lalaki.
“Ano?”
Napangiti naman si Spencer at nagsalita.
“You should come with me to the party.”
Bigla namang nabaling ang mga mata ni Spencer sa invitation na hawak ni Trish.
“I don’t think I can go.”
Pagkakaila nito.
“You should come, akong bahala sayo.”
Nakangiting sambit ni Spencer.
“But it’s Danica’s.”
Hindi na nito naipagpatuloy pa ang kanyang sasabihin ng biglang hinablot ng lalaki ang invitation sa kanyang kamay.
“I told you. Akong bahala.”
Nakangiting sambit ng lalaki.
PRESENT DAY
Natahimik naman sa isang sulok si Danica at mariing pinagmasdan ang kasintahang si Jake.
Nanginginig ang buong katawan nito habang bakas ang labis na takot sa mukha.
“Jake, It’s not your fault. Okay I admit lahat tayo may ginawang masama sa kanya and so what? Matagal na yun, The past is everything we we’re, hindi na dapat binabalikan.”
Giit naman ni Danica.
Napailing naman si Jake at mariing sumagot.
“Hindi mo naiintindihan Dani, I lied to you that night.”
Napailing naman si Danica at sumagot.
“What do you mean?”
Napayuko naman si Jake at tila nag-ipon pa ng lakas ng loob para mag salita.
“After the homecoming, nakita namin sa kalsada si Trish, We stopped the car beside her and then I asked if she can join us for the joy ride. Tumanggi siya, after she refused bumaba sina Romy at Benjie sa sasakyan and they forced her to ride in the car.”
Napatigil naman si Danica at tila hindi makapaniwala sa mga narinig.
“What? What did you do to her?”
Dahan-dahang tanong ni Danica.
Bigla namang nanlumo si Jake at nagsalita.
“Dinala namin siya sa lumang gusali sa isang abandonadong museum. I know was so wrong, I know something happened that night pero I swear Danica wala na akong maalala. Hanggang kinabukasan nabalitaan ko nalang na nasunog yung gusali na kung saan namin siya dinala at malakas ang pakiramdam ko that she’s still there during the fire.”
Napahinga naman ng malalim si Danica at napatulala.
Napahawak nalang ito sa kanyang noo habang pilit na sinasariwa ang mga narinig.
Isang nakakasuklam na tingin naman ang kanyang ibinaling sa kasintahan bago tumugon.
“What the heck Jake? What have you done? Ano pang ginawa niyo? Binugbog niyo ba siya, sinaktan? Did you r**e her? Tell me Jake, tell me everything you did!”
Galit na sigaw ni Danica.
Napailing naman si Jake at napatingin nalang sa malayo.
“I don’t know! Hindi ko maalala, we we’re drugged that night. Hindi ko na alam ang nangyari, Hindi ko na alam ang nagawa ko Danica.”
Sambit ni Jake na sa oras na iyon ay napaluha nalang.
Ilang sandaling katahimikan naman ang namayani bago nakapagsalita si Danica.
“Now look what you made her do. Jake I was always on your side, pero ngayon hindi ko na alam. You lied to me at hindi ko alam kung paano mo nasisikmura ang makita ang mga kaibigan mo na isa-isang pinapatay dahil sa kagagawan mo.”
Napatingin naman si Jake kay Danica at nanlumo.
“Dani.”
Napailing nalang si Danica at umiwas ng tingin.
“I’m sorry Jake but I really can’t take this anymore.”
Sambit nito sabay tumalikod at humakbang palayo.
....................
TWO YEARS BEFORE
Sa gitna ng madilim na kalsada ay agad namang napansin ni Romy ang isang naglalakad na babae.
Isang misteryosong ngiti naman ang puminta sa mukha nito at tinapik ang balikat ng kaibigang si Jake na kasalukuyan namang nagmamaneho ng sasakyan.
“Is that Trish?”
Napatingin naman si Jake sa bintana at napailing.
“I think so.”
Tipid na sagot ni Jake.
Bigla ay nagulat naman ito ng pinindot ni Romy ang bosena ng kanilang sasakyan.
“Hey! What are doing dude?”
Sigaw ni Jake.
“Stop the car. Jackpot to pare!”
Nakangiting sabi ni Romy.
“Hey, Romeo. Are gonna suck her t**s again?”
Natatawang sabi ni Benjie na nakaupo naman sa likod ng sasakyan.
“Guess what I can do.”
Agad namang binuksan ni Romy ang bintana at tinawag si Trish.
“Hi Trish, are you alone?.”
Hindi naman kumibo ang babae bagkos ay umiwas nalang nang tingin at binilisan ang paglalakad.
“Did she ignore you?”
Tanong ni Benjie na natatawa pa.
Napakunot noo naman si Romy at napailing.
“No way. Jake stop the car.”
Nagtataka man ay sinunod na rin ni Jake ang utos ng kaibigan.
“Glen can you hand me the garbage bag? yung naka tupi sa likod mo.”
Nag-aalangan man ay dahan-dahan namang inabot ni Glen ang garbage bag kay Romy.
Nang makahinto ang kotse ay dali-dali namang lumabas si Romy at tinawag pa ang kaibigan nitong si Benjie.
“Come on dude, It’s showtime.”
Isang malapad na ngiti naman ang puminta sa mukha ni Benjie habang mabilis na lumabas mula sa loob ng sasakyan.
Mula sa kanyang kinauupuan ay tanaw na tanaw naman ni Jake ang mga pangyayari.
“What do you want from me?”
Dinig niyang sigaw ng babae.
“Don’t do something stupid kung ayaw mong masaktan.”
Sigaw naman ni Romy sa babae.
“Just leave me alone!”
Bigla ay nagulat naman si Jake nang biglang sinukmuraan ni Romy ang babae.
“Benjie, come on just do it.”
Ilang sandali pa ay kinuha naman ni Benjie ang garbage bag sa kamay ni Romy at pinulupot ito sa mukha ng babae.
Mula sa kanyang likuran ay bigla namang narinig ni Jake ang nag-aalalang boses ni Glen.
“What are they doing?”
Nanginginig na tanong ni Glen na nasa likod lang ng sasakyan at pinapanood ang mga nangyayari.
“Just watch it nerd.”
Gigil na sagot ni Jake.
“Will you stop them? Just let the girl go.”
Natatarantang sabi ni Glen.
Napakunot noo naman si Jake at hinarap si Glen.
“It’s fine. It’s just Trish.”
Kalmadong sagot ni Jake.
Napailing naman si Glen at bumakas sa mukha ang labis na pagtataka.
Bigla naman itong naalarma nang mapansin na kinakaladkad na nila Romy at Benjie ang babae papalapit sa kanilang sasakyan.
“Are you out of your mind? It’s not Trish!”
Sigaw ni Glen.
Bigla ay napatigil naman si Jake at nagtaka.