CHAPTER 4

2986 Words
Arra's POV "Huy! Arra ok ka lang ba?" Tumango ako ng tanungin ako ni Candy. Inupo ko ang aking sarili mula sa pagkakahiga. Hindi padin narerecall ng utak ko kung anong nangyari. "Anong nangyari?" Tinanong ko sila habang hinihilot ko ang sintido ko. "Hindi ko nga alam sa'yo basta para kang nababaliw kanina, hinahawakan mo ulo mo tapos ayun blang! hinimatay ka." Pagpapaliwanag ni Andy na may kasama pang pa sound effects. Napatawa nalang ako ng kaunti sa ginawa niyang paraan ng pag-eexplain. Naalala ko na ang lahat, sumakit bigla ang ulo ko dahil may mga naalala akong mga bagay na hindi ko alam kung saan nanggaling....nag flashback ulit sakin ang pagpapakilala ni....Red. Bakit iba ang dating ng pangalang iyon sakin. Narinig ko nayun kung saan. Sinubukan kong alalahanin ulit ang mga naisip ko kanina pero wala, wala ulit akong makuha. "Ano ba kasi yang iniisip mo, ayan ka nanaman hinahawakan mo nanaman yang ulo mo, baka mamaya mahimatay ka nanaman jan" napatigil ako sa pagiisip dahil kay Andy. Umiling-iling nalang ako at inalis ang mga kamay ko sa ulo ko. "Ok ka na ba? Wala ng masakit sayo?" Pag-aalalang tanong ni Lovely. Ewan ko ba sa tatlong ito. Akala mo mamatay na ako. Pero natutuwa ako dahil nandito sila lagi para sa'kin. Nakakatawa no? Pare-pareho silang LY ang dulo ng pangalan, ako lang naiba. Kung my thirdwheel nga ika nila, saming magkakaibigan para akong fourthwheel. Takenote Hindi yun joke ha. "Ayos na ako." Sagot ko. "Teka, sinong nagdala sa'kin dito?" Tanong ko. "Sino pa ba, edi yung Man of your dreams mo. Iyuuueeeeiieee" inirapan ko nalang sila, pero sa loob loob ko para akong kinikilig. Hala? Totoo kinikilig ako? "Ano nga ulit pangalan nun?" Tanong ni Lovely kay Andy. "Red...siya ang nagbibigay kulay sa puso ni Arra ayieeee ayieeeeee" -Andy. "Hoy Lovely, kala ko ba ayaw mo kay Red!" -Candy. "Kelan ko sinabi? Sabi ko wag niyo lang ako idamay sa mga plano niyo, hindi wag idamay sa pagshiship sa ArRed" -Lovely. "Uy! Bet ko yan! ArRed! Appir!" -Candy. Hindi ko na sila pinapansin habang nag-uusap. All I'm thingking right now is, did I met Red before? Bakit lagi siyang nasa panaginip ko? Hindi ko alam at gusto kong malaman. My Phone vibrate, kinuha ko ito sa bulsa ko. [+639986543210]: How are you? It's me, Red. Nagulat ako ng nakatanggap ako ng message mula kay Red. Paano nalaman ni Red ang number ko. Isa lang naiisip ko. Inangatan ko ng tingin ang bruha at tama nga ang hinala ko dahil umiwas sila ng tingin sa'kin bukod kay Lovely. Sila ang nagbigay ng number ko kay Red. "Ang ganda pala ng Clinic no?" Pagaalliby ni Candy para makaiwas sa akin. "Oo nga, ayus no?" Pagsakay ni Andy sa kalokohan ni Candy. Si Lovely lang ang hindi umiwas ng tingin sa'kin. Tiningnan ko siya at nagkibit-balikat lang siya. "Candy! Andy!" Tinatawag ko silang dalawa pero ayaw parin nila akong pansinin. Ah ayaw niyo kong pansinin ah. Kinuha ko ang dalawang unang nasa bed at hinagis sa kanilang dalawa, at ayun sapul. Tinawanan lang silang dalawa ni Lovely. "Bakit ka namamato!" Sabay nilang reklamo. "Umamin nga kayong dalawa sa'kin, binigay niyo ba yung number ko kay Red?" Tinapunan ko sila ng malalim at mapanakot na tingin. Grabe yung term ko dun ah! Syempre para mapaamin ko sila. Aba'y mga siraulo, pinamimigay nalang basta-basta ang number ko kung kani-kanino, kaya papalit palit ako ng sim card dahil sa dalawang ito. "Oo na! Binigay nanamin" pag-amin ni Candy. "Eto kasing si Candy eh!" Dinuro ni Andy si Candy. "Hala, ako pa ah? Hindi ba pwedeng tayong dalawa nalang?" Hirit nito. "Ikaw naman kasi talaga..." paninisi ni Candy. "Hoy ako ang nagbigay ng number pero ikaw ang nag suggest na ibigay natin." Patuloy parin sila sa pagsasagutan, napagdisisyunan kong replayan si Red. Nakakahiya naman kung hindi, ang kapal naman ng mukha ko. Siya itong naghatid sa'kin dito tapos iiignore ko lang. [Arra]: yes, I'm ok. Thank you. I saved his number on my phone and rename it, bakit naman hindi? [Pula]: i'm glad. [Arra]: thank you ulit. [Pula]: your welcome. [Arra]: (^_^) "Guys! Ano na? May sasalihan na ba kayong club?" Tanong ni Andy. "Dapat iisang club lang ang sasalihan natin." naglalakad kami sa hallway habang kumakain ng junk foods at nagdadaldalan. Pabalik na kami sa room. "Hindi naman kasi tayo pare-pareho ng talento." sabi ko naman. "Tss....ok fine." Ika ni Candy. "Eto ang akin, ako siguro sa music club. You know, I'm too good at singing." Nilingon namin si Candy sa sinabi niya dahil alam naming lahat na siya ang pinakasintunado sa aming apat. "Waw? Kelan ka pa naging singer?" Kinurot ni Lovely si Candy sa pisngi. "Aray ah! Syempre nung sumali ako sa I Can See your Voice." Katwiran niya. Nagtawanan kaming lahat sa sinabi niya. Totoo ngang sumali siya doon pero isa siya sa mga sintunado. "Inday! Sintunado ka 'non!" Pa-asar na sabi ko kay Candy. Tawa padin kami ng tawa hanggang sa mapakalma na namin ang aming mga sarili. "Oo na, eh ano ba kasi sasalihan niyo!" - Candy. "Swimming Club." Tinaas ni Lovely ang Kamay niya, binaba niya rin agad. Tumango lang kami dahil alam naming hilig niya talaga ang pag-siswimming simula pa pagkabata niya "Seryoso na 'to, ako sa Dance Club" ani ni Candy. We all agreed dahil sa classroom namin siya ang nagiging choreo kapag may school events kaming sinasalihan, iba ang galing niya pag dating sa sayawan. "Kayong dalawa saan?" Sabay na tanong ng dalawang tapos ng pumili ng club na sasalihan nila. "I'll go with Arra, kung saan man siya mapuntang club, gora ako." Ika ni Andy. "sira ka ba? Talent mo din ba talent ni Arra aber." Sumbat ni Candy. Itong dalawang to ang laging nagtatalo sa apat. Bukod sa sila ang may pinakamalit na pangalan, si Andy kapag dinagdagan mo sa unahan ang pangalan niya ng C magiging Candy, kay Candy naman ay pag tinanggalan mo ng C, pareho pa sila ng ugali. Mga loka-loka. "Wag ka ng kumontrang bruha ka!" Patuloy parin sila sa pagtatalo. Hindi ko na sila napansin at napako ako sa kinatatayuan ko. I was shocked when I see who's walking infront of me, nalaglag ang chichiryang hawak ko. It's Reign and Wade. Totoo ba itong nakikita ko? How? Paano sila naging totoo. Sinubukan kong kusutin ng kamay ko ang mata ko baka sakaling mawala ito, dahil baka imahinasyon ko lang nakikita ko. Pinaniwalaan ko na ang nakita ko nung nakaraan ay panaginip lang pero ngayon nakikita ko na silang dalawa. Ang ibig sabihin ay totoo lahat ng nangyari sa'kin. It wasn't a dream. Nalagpasan lang ako nila, hindi nila ako kilala. They are just talking to each other. Hindi nila pinapansin ang nasa paligid nila. "Hoy bruha! Kanina kapa nakatayo diyan!" Ani ni Candy. Hindi ko siya pinansin at sinubukang habulin sina Reign at Wade. "Sandali!" Hindi nila ako pinapansin. Patuloy lang silang naglalakad. "Reign! Wade!" At sa wakas nilingon na nila ako. Pinakitaan lang nila akong ng ng nagtatakang mukha at bumalik ulit sa pag-lalakad. Huminto na ako sa pagtakbo at nag-isip. "Sino bang hinahabol mo?" Pinuntahan ako nila Lovely kung saan ako nahinto sa pagtakbo. "Mauna na kayo sa classroom." sabi ko dahil may plano akong pumunta ng library. "At ano namang gagawin mo dun? Bruha ka, pagaaralan mo na magcutting no?" -Andy. "May tanong ako." sabi ko. "Does anyone of you knows the story called 'Me after you'? I asked. Sabay-sabay silang umiling. Bakit ko pa sila tinanong e hindi naman nga pala sila mahilig magbasa ng libro. "Kilala niyo ba yung dumaan satin kanina? Yung dalawang parang mag jowa?" Tanong ko ulit. "Oo naman ano ka ba, sila yung sikat na couple dito sa campus. Dati pa namin kinekwento sayo yun" sagot ni Candy. Nagtaka ako dahil wala silang kahit na anong binanggit sa'kin tungkol sa kanilang dalawa at never ko pa silang nakita dito sa campus. Umiling-iling ako, iniisip ko kung anong nangyayari, hindi ko maintindihan kaya hindi ko nalang sila pinansin pa at tumakbo na papuntang library. Pinuntahan ko na ang bawat sulok ng library. Tinitingnan ko kung may kaparehong libro ang nakita ko sa bahay dito. Ilang oras na ang ginugol ko kakahanap ng librong iyon. Tumatagaktak na ang pawis ko kakapabalik-balik, paikot-ikot pero wala padin akong nahahanap. Napaupo nalang ako sa sahig at nalanta dahil sa pagod. Gusto ko ng sagot pero wala akong mahanap. Isa lang ang naisip kong paraan. Ang umuwi, pero tingin kong sa oras na ito ay hindi pa ako makakalabas. "Why are you here?" Someone approach me, tiningala ko siya para makita ko kung sino siya. I'm seeing a woman standing infront of me. I she's the same height as me pero mas maputi siya sa'kin ng kaunti. Her hair is long and straight. "I mean, what are you doing here?" She asked again. Tumayo ako. "I'm sorry, may kukunin ka ba? May hinahanap lang kasi ako, alis na ko. Pasensiya na" sabi ko Aalis na sana ako pero "wait...." she stop me. "Arra, tell me the truth." wait she knows me? Did we met before? Bakit may mga taong nakakakilala sa'kin pero hindi ko naman kilala. "Paano mo ako nakilala? At anong sasabihin kong totoo? May nagawa ba akong mali?" Sunod-sunod na tanong ko. Nakakapagtaka naman kasi eh. "Wag ka ng magmaang-maangan pa, kilala na kita. I know what's planning." she said. Hindi ko maintindihan ang mga lumalabas sa bibig niya, parang napakasama kong tao na may nagawang kasalanan. "Hindi kita maintindihan...mabuti pa, makakaalis na ako." I tried to lookback but she stop me again. Hinatak niya ulit ako pabalik. Nakakainis na ah, hindi ko na nagugustuhan 'to. Tinanggal ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko. "Ano bang problema mo? Did I do something wrong? May nagawa ba ko sayo? Ni hindi nga kita kilala e." Sumbat ko sa kaniya. Hindi ko alam kung anong kasalanan ko ah basta naiinis na ako. "Oh 'cmon, ang dami mo pang satsat, kakampi ka ni Viticous no? You're helping him. Tinutulungan mo siyang maghasik ng lagim!" nanlalaki ang mata niya na tila bang gusto niya akong paaminin, at wala naman akong aaminin. Hindi ko maintindihan ang mga pinagsasabi niya, at sino si Viticous? "Wait....tinutulungan ko sino? Viticous? I don't even know who's that person is!" Sinubukan ko ulit talikuran siya pero may sinabi siyang ikinawindang ko. "You witch! You mess up the story of Reign and Wade! You change its ending! " Red's POV I smiled at her last reply. It's kinda cute. I'm glad that she's ok now. "Hoy! Red, nakikinig ka ba samin?" Inalis ko ang tingin ko sa cellphone ko at tinago ito. Binalik ko ang atensyon ko sa dalawang taong nasa harap ko na kung ano-ano ang sinasabi tungkol kay Arra. "I'm telling you Red, kalaban siya! are you listening? Kalaban siya!" Pagpipilit ni Steph habang nagdadabog sa lamesa. I can't believe it. Hindi ako naniniwalang kayang gawin yun ni Arra. All I can see on her is her innocence. Imposibleng isa siyang kalaban. "No, she's not and I'll prove that to you." I walked out. Napalingon ako sa pinto ng makita ko ang mga kaibigan ni Arra na pumapasok, lahat silang tatlo ay nakapasok na pero wala si Arra. "Where's Arra?" I asked them. "Hindi nga namin alam kung saan ang bruhang iyon, bigla nalang tumakbo. Magcucutting ata." Candy said. Tumakbo ako palabas ng classroom because I decided to search her. Hindi ko alam kung bakit ako ganito basta ang gusto ko ay mahanap ko siya. Pumunta ako ng canteen at wala akong nakita ni Anino ni Arra doon. Sunod ko namang pinuntuhan ay ang field. Wala rin siya. Inikot ko lahat ng building pero wala, isa nalang ang natitira. Ang Library. Hinanap ko siya at natagpuan. She's talking with Steph. Nagtago at pinakinggan lang pag-uusap nila. "Wait...did you know about Reign and Wade?" Arra asked. "Ofcourse." Steph answered. "So you know about they are alive. I mean they are really existing here." "Oo alam ko, at ikaw dahilan 'non" "Hindi ko alam, hindi ko alam kung anong nangyayari, paano. Paano nangyari yun?" "Anong paano? Hindi mo alam kung anong ginawa mo?" Hindi ko na hinayaan pang lumaki ang away nila at pinuntahan na sila. "Arra." I called her. Nilingon nila akong pareho. "I told you, Red. She's our enemy-----" pinutol ko ang sasabihin dapat ni Steph. "Stop with that nonsense Steph. She didn't know anything, that's why." Pagpapaliwanag ko kay Steph. "But-----" "You and Bass told me that you will help me? then don't get involve with this one." Hinatak ko papalayo si Arra, nilabas ko siya sa library at iniwan si Steph doon. Hindi siya kalaban dahil hindi niya alam. She's like us, but not aware of it. Dinala ko siya sa field. Huminto kami sandali at nagkaroon ng kaunting katahimikan, nakikita ko sa mukha niya na naguguluhan siya. She's confuse. Hindi niya alam kung anong nangyayari. And then Steph just tell me that she's one of our enemy? No, she will be not like this if she is. "Red...anong ibig sabihin niya. Hindi ko maintindihan. Bakit mo nasabing wala akong alam? Bakit ako sinisi nung babae? Bakit niya alam yung tungkol kay Reign at Wade? Hindi ko na maintindihan." I tried to calm her down. I hold her hands. Tiningnan niya ako sa mata. "Arra. Please don't think too much. I will explain it to you. Sasabihin ko lahat sayo ok?" Tumango lang siya, pinakalma niya amg kaniyang sarili. "So tell me what happen first." I said. Kinwento niya lahat ng nangyari sa kaniya. She discover her ability while reading a novel. Hindi niya pa alam na kaya niya rin ito sa iba. Movie. Comics. "It's natural for you." "What do you mean?" "We're the same." "Anong pareho satin? Anong ibig mong sabihin." "We're together before, but not here." Sabi ko, I think she's starting recalling it all. Sinusubukan niyang alalahanin ang lahat. Mawawalan na sana siya ng balanse at malalaglag pababa buti nalang nasalo ko agad niya. I Hugged her. Umiiyak siya. "Shhh......kung wala kang naalala, wag mong pilitin ang sarili mo." Pinapakalma ko siya. Sapat na sa'kin na nandito siya, kahit hindi niya ako maalala dahil alam kong darating kami roon. I pat her hair and tried to calm her from crying. I think she feels sorry. "I'm sorry. I can't remember." As I think she said. "No, it's ok. 'Wag mo pilitin, I will help you to remember everything." I said. Hindi man niya maalala, tutulungan ko siya. Kung kailangan kong gawin lahat ng ginawa ko noon sa kaniya, gagawin ko ulit iyon para maalala niya. "I dreamed a lot about you. At tuwing paggising ko ay nakakalimutan ko na ang nangyari pero ang itsura mo lang ang tumatatak sa akin." She said. I smiled because I'm glad. Atleast, I just know that she still thinking about me Umalis ako sa pagkakayakap. I wiped her tears using my thumb. "I'm glad. Natagpuan nadin kita." I smiled at her. Steph's POV "oh saan ka galing?" Sinalubong ako ng tanong ni Bass pero di ko siya pinansin. Umupo nalang ako sa upuan ako at nagmukmok. "I hate him!" Naiinis ako, mas kinakampihan pa ni Red ang babaitang iyon! Oo alam ko, siya yung matagal niya ng hinahanap pero hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Plus, nagpaexchange section siya para lang sundan yung Arra nayun at iwan kami ni Bass sa ere. Wala e wala kaming magagawa dahil sa umpisa palang ay kami naman talaga ang nanggulo sa kaniya. Tsk...I Just forget na ako ang nagsabi sa kaniya na stalk niya si Arra, but now parang gusto ko ng bawiin. "Sinong hate mo? Ako?" Katangahang tanong ni Bass, obvious namang kasing hindi siya dahil hindi ako sa kaniya nakatingin at hindi ko sinabing 'I hate you'. "Bobo ka ba? Sinabi ko bang I hate you, Bass?" "Sakit ng bobo. Sorry naman, miss Stephy Cheon." "Siraulo ka talaga kahit kailan, kakanood mo yan korean novela" "Ofcourse, I'm your Matteo Do." "Sa TV kalang naman pala nanood. Ang poor mo naman wala kang wifi?" "Meron bakit? Ayoko kasi ng eng sub eh, di ko maintindihan hehe" Inirapan ko nalang siya at hindi nalang ulit pinansin. "Ano bang problem? Miss Stephy?" "Don't call me with that name, or else I will kill you using pen." Tinutok ko sa kanya ang pen ko. Dahil hindi lang basta-basta pen iyon, It can be a knife. For my self defense. "Ok ok, chill wag ka manakot." "Hindi ako nananakot, totoo ang sinasabi ko" "Opo. So ano ngang problema?" Ikekwento ko na dapat sa kaniya kaso biglang nagkagulo ang mga kaklase namin. Nagkakagulo sila sa kaniya-kaniya nilang cellphone at tila may pinapanood. Tumayo ako para silipin kung ano yun. "Drake, what's happening?" I asked my classmate na may pinapanood na kung ano at alam kong lahat sila ay pare-pareho silang pinapanood. "See it yourself." Napakasungit naman ng ugok na to nagtatanong lang. Bago ko pa kunin ang cellphone ko ay nakita kong pinapanood narin ito ni Bass kaya pinuntahan ko siya agad. "Ano yan?" "Tingnan mo" kinuha ko ang cellphone mula kay Bass. "A group of something that I don't if they are humans but all I can see is they are attacking people using their long nails" I said. "At sa tingin ko ay mga pinaglihi ito kay Wolverine" binatukan ko si Bass, hanggang dito ba naman ay kalokohan parin ang iniisip niya. "They have a long nails and horns. They're monsters." "Sayang hindi ako mahilig magbasa ng novel, kaya di ko sila alam." -bass. "Pano mo nalamang galing sila sa novel?" "Narinig ko sa kanila." Turo niya sa mga classmate naming busy din sa panonood. Isa lang ang ibigsabihin nito. Viticous create a problem again. Kahit kailan talaga, hindi ba siya napapagod? "We need Red right now! Kailangan nating mapigil ito!" Tumango si Bass at sabay kaming tumakbo papalabas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD