CHAPTER 5

2794 Words
Arra's POV I felt bad for this man who's standing infront of me and also to myself. Gusto kong matandaan ang lahat. Gusto kong maalala ang nakaraan but me, myself doesn't allowed me. Kung minsan ay may naaalala ako pero agad ko naman itong nakakalimutan. But now I'm glad, atleast he tried to find me. May mga bagay nalang akong hindi naiintindihan at gumagambala sa utak ko. Someones phone is vibrating, at hindi sa akin yun. Tiningnan kong kinukuha ni Red ang Cellphone niya mula sa kaniyang bulsa. "Hello" he answered the call immediately. "What?!" Hindi ko alam kung anong ikinagulat niya pero he look so tense, parang may nangyayaring hindi maganda. "I'll go there, wait for me." Sagot ni Red bago niya ibaba ang phone. Dali-dali niyang hinatak ang kamay ko pero pinigilan ko muna siya. Dahil hindi ko alam kung anong nangyayari. "Saan tayo pupunta?" I asked. "Just follow me first, I'll tell you later." Napatango nalang ako at sumunod sa kaniya. Tumatakbo kami pareho pero siya ang nauuna at ako nasalikuran pero hawak niya ang kamay ko. May kung anong parang kuryente ang dumadaloy mula sa kaniya at na tatransfer papunta sa akin, lumalakas ang t***k ng puso ko. Habang tumatakbo kami ay parang nagkakagulo ang mga ibang studyante. May mga naririnig akong hindi ko maipaliwanag at hindi ko mapaniwalaan. "Huy tingnan mo oh, diba parang sila yung villain ng sikat na fantasy novel?" "Ano kaya itong mga ito, mga halimaw!" "Tingnan mo ang mga itsura nila nakakatakot! Ginugulo nila ang lugar natin!" "Base sa itsura nila, at kung idedescribe ay sila nga ang Wagos ng Novel na 'Ski Land' diba?" "Hindi ito kapani-paniwala..." May pinapanood sila mula sa cellphone nila, ang mga mukha nila ay balot ng takot at pagtataka. Hindi ko na napansin na huminto na pala si Red at ayun nauntog ako sa likod niya. Ayan, katangahan. Hinilot-hilot ko ang noo ko. "Are you ok?" Inalis ni Red ang kamay kong nakahawak sa noo ko. He check me if I'm truly fine. Ok naman ako, masakit lang ang pagkakabangga ko, ang tigas e. "Ok lang ako." Sabi ko at nginitian ko siya. "Are you sure?" Tumango ako. Nahinto kami malapit sa gate palabas ng University. Inalis niya ang tingin sa'kin at ngayon ay parang hindi siya mapakali. Pabalik-balik siya, palakad-lakad. "Red!" Someone call his name, at kami ay napalingon roon. I think sila ang hinihintay niya kaya hindi siya mapakali. Dalawang tao ang papalapit sa amin, at ang isa sa kanila ay pamilyar. It's her. 'Yung babae sa library. She look at me, para parin siyang galit sa akin. Her look still the same. Binaling niya ang tingin sa'kin at ipinunta ito kay Red. "Bakit mo pa siya sinama?" She asked Red and then throw a glance at me. "That's not important, Steph. Hindi siya makakagulo satin." sagot ni Red. Tiningnan ko siya. Tiningnan ko sila isa-isa, they look tense. Mukha silang may problema. Hindi ko alam kung anong koneksyon nila sa isa't-isa. "Anong problema?" Red asked. "We have a big problem." The girl answered. "Viticous mess up a novel again. And this time, ito yung kinatatakutan natin. Yung ang guluhin niya ay di pangkaraniwan. Yung may powers powers pa shwooosshhhh pyunggg" paliwanag nung lalaking katabi ni Steph. "Ano ng gagawin natin?" Steph asked. "Same as before." Pinapakinggan ko lang ang pinaguusapan nila. Hindi ko sila naiintindihan. At sino ba talaga si Viticous. "Bass, use your mind. Dito lang naman may gamit ang utak mo. Try to locate that book." So Bass pala ang pangalan niya. Wait......he can locate a thing using his mind? "Puntahan niyong dalawa kung nasaan ang libro, then make sure to burn it, at walang maiiwang kahit isang pilas ng papel." "Then I will go there where those Ugly monsters. I'll face them, pipigilan ko muna sila sa panggugulo." -Red. "With her?" Turo ni Steph sa'kin. Tumingin ako kay Red at gayun din siya sa'kin. "No, ihahatid ko sila sa kanila." "Pero------" he stop me from talking. "I wont let you. Hindi ko hahayaang mapahamak ka." akala ko kasama ako, since hinatak niya ako papunta dito. I want to know more, gusto ko pang malaman ang mga bagay na maaaring makatulong sa'kin para maalala ang lahat. "yung mga kaibigan ko-----" naputol nanaman ang sasabihin ko ng biglang sumabat si Steph. "No problem." Steph did a snap of her finger and then suddenly my friends just pop up infront of me. "Uy Arra hi! Nandito ka pala?" Binati ako ni Candy. I can't believe this. Pano nangyaring ganun. Wait lang! "Anong ginagawa mo dito? Kasama si Mr. Man of Your Dreams?" Ika ni Andy. And then they are just acting that nothing happen? Like what the?! "How? Anong nangyari? Bakit bigla nalang silang lumitaw dito?" I asked dahil litong-lito na ako. "I told you, I will explain it to you, but not now. Wag ka muna masyadong mag-isip. Ang importante ngayon ay masecure namin ang safety niyo, ang safety ng lahat ng tao dito sa university at sa labas. Do you understand? Trust me, Arra." He said to me, he pat my head and then smile. Napalingon ako sandali kay Steph, hindi ko alam kung bakit doon napunta ang tingin ko, then she just rolled her eyes. "What's happening Arra? Anong mga pinagsasabi ng Red mo?" Takang tanong ni Lovely. "I found it! Let's go!" Masayang sabi ni Bass. I'm literally shooked right now. Kasing gulat ng reaksyon ko nung bigla akong naging character ng novel. And then Steph snap her fingers again. And now, I'm at home. Hiniga ko ang sarili ko sa kama habang nag-iisip parin. Where did my friends go? Nakauwi din ba sila? napagdisisyunan kong kontakin sila. Narealize ko wala pala akong load. So nagchat nalang ako sa GC. [LYX3RRA GURLS] malay ko ba sa GC name nayan, silang tatlo ang nakaisip niyan. [arra]: where are you? [lav]: sa bahay. [sweetascandy]: nasa bahay malamang, ano sa palagay mo? [Andylawngngipinniyo]: oo nga, nakalimutan mo atang maaga ang uwian? So they don't remember. I have a conclusion na siguro kaya naalala ko dahil alam kong si Steph ang gumawa nun at mayroom siyang kakayahang ganun. [arra]: pasensya, naguulyanin lang. Bahala na nga kayo jan. Pinatay ko ang cellphone ko at itinabi ito. Ano na kaya ang nangyayari kila Red? Sa tagal kong nakatunganga sa kwarto naisip ko ang nangyari sa'kin nung nakaraan, yung bigla nalang akong nakapasok sa novel. I tried to find that book, nakalimutan ko na kung saan ko nalagay iyon. Hinanap ko, nilibot ko ang bawat sulok ng kwarto ko pero wala akong natagpuan. Paano yun mawawala? I Just remember what Steph told me na ginulo ko daw ang storya. Dahil ba sa binago ko ang storya ay kaya sila biglang lumitaw sa harap ko? At ngayon nawawala ang libro. Pinuntahan ko ang laptop ko sa desk ko, niresearch ko ang title ng book. It's not gone. Marami pang details tungkol dito. Tumingin ako sa mga website kung saan maari ko itong mabili but then halos lahat ay out of stock, sold out. But how? Hindi naman ito ganoon kasikat na novel pero out of stock at sold out na 'to. Sinara ko ang laptop at nanahimik ako ng saglit. Subukan ko kaya ulit? Subukan ko kaya ulit makapasok sa isang libro? (Melonelyann: Paepal lang saglit, sana all kayang makapasok sa libro no, edi sana pwede ko ng maging jowa yung mga leading man dito sa w*****d. Agree?) Naghalungkat ako ng pwede kong gamitin sa aking binabalak. Naghanap ako ng mga nagustuhan kong libro dati. "Eto!" Kinuha ko sa pangapat na shelf ko ang novel na isinulat ni Reme Walton. Naupo ako sa kama para pagmasdan ang libro. Isa ito sa mga pinakapaborito kong nabasang libro, kaya naman ito ang kinuha ko. Ang title nito ay '365 days and 52 weeks' Pano nga ba ako nakapasok nun? "Abracadabraaaa!!!" Ayaw naman gumana. Napakamot ako sa ulo ko, paano ba 'to? "Pano ba kasi yun" nagisip ako ng mabuti. Inihiga ko ang aking palad sa ibabaw ng libro. I Just let my heart think. Oo yung puso ko nagiisip din. Char. I Just let my heart feel the heart warming story inside this book, nilagay ko ang sarili ko sa karakter na nandito. Naniniwala akong hinding-hindi mo masasabing nakatapos ka ng isang nobela ng hindi mo inilalagay ang puso mo rito. I closed my eyes and whispered "Let me in...." Iminulat ko ang mata ko at sa nakikita ko ngayon ay nasa ibang mundo na nga ako. Nilibot ko ang paligid, napakagandang tanawin, maaliwalas at hinding-hindi mo maiisip na may mga pasakit ka sa buhay. Sana nandito nalang talaga ako.... "I'm glad your here." someone talk at my back so nilingon ko ito. I was shocked by his look. Nakakatakot ang itsura niya. He's wearing a hoodie at itinatago nito ang kaniyang mukha pero dahil sa tulong ng liwanag ay nakikita ko ang kalahati nito. Sunog ang kalati ng mukha niya. Nakapamulsa siya at nakangisi sa akin. "Sino ka?" Tanong ko ng may halong pangamba, bakit ako kinakabahan? "Nice to see you again....Arra." tumayo ang mga balahibo ko. Kilala niya ako. Bass POV "Teka lang naman Stephy, hintayin mo ko!" sigaw ko kay Steph, pano iwanan ba naman ako agad naexcite tumakbo amp. "Tumakbo ka na, ang bagal mo! Satin nakasalalay ang kaligtasan ng mga tao." "Oo na po." Tumakbo nalang din ako at hinabol siya. As we reach our destiny. Oh panis, destiny. Nanguna ako puntahan ito dahil ako ang nakakaalam kung nasaan. Nasa basement kami ng isang lumang mall. Eto atang basement siguro ang isa sa mga lugar na pinagtataguan ni pareng Viticous. Ewan ko ba sa mokong nayun, hilig-hilig manggulo ng buhay. Bat di niya ko gayahin happily living lang diba? Enjoying my life tapos tamang experience lang maging cool sa mga paborito kong action movies. "Hoy ang bagal mo talaga! Kung ano-ano pa ata ang pinagiisip-isip mo diyan. Kanina pa ko nahihilo sayo dito sa likuran mo, saan ba talaga?" "Malapit na po tayo maam." Natagpuan ko ang isang pinto mula dito basement, bakit ba kasi sa lahat ng lugar dito pa, ang lawak lawak kaya hirap maghanap. Ayon sa bakita ko kanina, nasa loob ng cctv monitoring room ang libro at nakatago sa drawer na pinagpapatungan ng malaking tv. Tinakbo ko agad ng makita ko na ang pinto ng cctv room. At sa tingin ko ay sinundan rin ako ni Steph. Sinubukan kong buksan ang pinto pero hindi ko mabuksan. Ano ba naman itong si Viticous may pa challenge pa. Kanina lang finding Book challenge ngayon naman open the door challenge. "Nakalock!" Sabi ko kay Steph. "Obvious naman diba, nakikita ko naman sa mga mata ko na hindi mo mabuksan" pagsusungit na sabi nito sa'kin, ang init talaga lagi ng dugo nitong si Steph sa'kin. "Sungit mo naman, pwedeng chill lang?" "Kesa dumaldal ka diyan, humanap ka ng paraan kung paano natin mabubuksan yan." "Eto na nga e, sinusubukan na" Sinubukan ko ulit ikutin ang door knob pero ayaw talaga. Kaya napagdisisyunan kong sipain nalang. First kick......sablay. Second kick......sablay ulit. Nagcecreate ng ingay ang mga sipa ko, si Steph tamang nood lang sa ka-coolan ko. Third kick......sablay nanaman. "Hina mo naman, tabi nga jan!" Tinulak ako ni Steph palayo sa pinto. "Wag mo sabihin sa'kin na ikaw sisipa. Wag ka nga magpatawa HAHAHAHAHAHAHAHAH" inirapan niya lang ako, lumayo siya ng kaunti sa pinto na para bang bubwelo siya. Ngumisi ako dahil alam kong hindi niya magagawa yun. Ang liit-liit niya kayang tao haha. "Watch and learn asshole." Tumakbo papalapit sa pinto at sinalubong ito ng malakas na sipa. Nalaglag ang panga ko ng makita ko ang pintong nasira na at nalaglag na papaloob. Shet ang galing. "How-------" "Wag kasing masyadong mayabang hmmmpp." Nauna siyang pumasok habang ako naiwang nakatayo sa labas at gulat padin. Nawala ang pagkatulala ko ng biglang pumasok na lamok sa lalamunan. Napaubo-ubo tuloy ako. Paepal na lamok yan. Napalingon ako kay Steph na tumatawa habang pinapanood akong umuubo dahil sa lamok. Naidura ko naman ito kaagad. "Pwe...." "Next time, wag mong mamaliitin ang kakayanan naming mga babae." She smirk. "Tulad niyang lamok, maliit man siya pero kaya ka siyang saktan." Nag-aktong paubo-ubo si Steph sabay tawa. Nababaliw na ito. "Oo na." Sumunod na ako sa loob. "Saan mo nakita Bass." Hindi ko na siya sinagot at dumeretso na sa drawer. Akala ko nakalock din buti nalang hindi. "We got it." Kukunin ko na dapat ang libro kaso kinuha naman agad ito ni Steph. Dali-dali niyang kinuha ang lighter sa bulsa niya at sinindihan agad ito. "Mission Success." Bulong ko. Red's POV "Puntahan niyo na ang libro, ako na muna ang bahala sa kanila." Bass and Steph nodded first before they disappear. Kailangan nilang makuha ang libro bago pa makaperwisyo at maraming mapatay na tao ang mga halimaw na ito. I raised my two hands in the middle. I freeze them, kasama ang mga tao para hindi sila magulat sa ginawa ko. Kailangan ko muna silang i-hold para habang naghahanap sina Bass ay hindi muna sila makakagulo. May hangganan itong ginagawa ko kaya kailangan nilang masunog iyon kaagad. Ilang minuto na ang dumaan pero wala padin nangyayari. I tried to hold them for a little bit more. Pinagpapawisan ako, maraming oras na ang ginugol ko para dito. Masama ang sobrang paggamit ko sa kakayahan kong 'to. It can kill me, mamamatay ako kapag natagalan pa ako. Finally, they disappeared. Napadapa ako sa lapag, hiningal ako kahit wala naman akong masyadong ginawa. Eto na ata ang pinakamatagal na paggamit ko nito. Two person appeared infront of me at kahit hindi ko nakikita ang mga mukha nila ay alam kong si Bass at Steph iyon. "Thank you." Pasasalamat ko habang hingal na hingal padin. "Are you ok?" Binabaan ako ni Steph, tinulungan niya akong makatayo. "I'm fine, thank you." Tumango siya. Kinalma ko ang aking sarili at tiningala sila. "Sorry nalate kami, hindi namin agad nakuha ang libro dahil sa pinto." Dahilan ni Bass. "It's ok. Atleast you both did it. We're safe now." Katwiran ko. Kinabukasan, ligtas na ang lahat. Pero nakakaramdam ako ng kaba, because everytime na gagawa ng g**o si Viticous ay nagpapakita siya, pero ngayon hindi. Iniling-iling ko ang aking ulo para alisin ang pangamba sa aking isipan. No, everyone's safe now. Ano naman kung di siya nagpakita. Naglalakad ako papalapit ng classroom, nalandas ang mata ko sa upuan kung saan nakaupo si Arra pero wala siya doon? Maybe she's just late. "Where's Arra." Tinanong ko ang mga kaibigan niya. "Ewan ko, baka tulog pa yun." Sagot ni Andy. "Siguro nga." Singit naman ni Lovely. Tumango nalang din ako, siguro nga late lang siya. Dumeretso na ako sa upuan ko. Lumipas ang ilang minuto dumating na ang prof pero wala padin aking nakikitang Arra, ni anino. Half hour has passed. Sinimulan na akong kabahan dahil wala parin ang presensiya niya. Kanina pa ako palinga-linga sa labas at nagbabakasakaling lilitaw siya at papasok, pero wala. Nilingon ko si Lovely para tanungin. "Wala padin si Arra." Pabulong na sabi ko. "Teka, subukan kong kontakin." pabulong na sabi niya, kinuha niya ang phone niya sa kaniyang bag at patagong tinawagan si Arra. "Hindi ko siya macontact." Kinabahan na akong lalo. Bumalik ako ng tingin sa harap pero ang lipad ng isip ko ay wala rito. Hindi ako mapakali, may bumabagabag talaga sa'kin na syang nagudyok sa'kin para tumayo. Nagtinginan silang lahat sa'kin. "Prof, may I?" "Ok." Tumakbo ako para lumabas ng classroom. Sinubukan kong libutin ang buong campus ngunit hindi ko siya nakita. Kaya naman kailangan ko ng lumabas. I stoothe time and the security guard remain frozen para makalabas ako ng gate, at binalik agad ng makalayo na ako. Hindi ko alam kung saan siya hahanapin. Hindi ko na alam kung saan ako dinadala ng mga paa ko. Habang hinahanap ko siya ay sinusubukan ko siyang tawagan. Nagriring lang ito at walang sumasagot. Napahinto ako ng huminto ang pagriring nito na ang ibigsabihin ay may sumagot. "Hello?" Walang sumagot. "Arra, are you ok? May sakit ka ba kaya hindi ka pumasok?" Hindi padin siya sumagot. "If it is, don't worry I'll excuse you." Hindi padin. I'm getting worried. "Please talk kahit isang word lang." "Red." May nagsalita pero hindi ito si Arra. Boses lalaki. Napakunot ang noo ko at biglang lumakas ang kaba ko. "Who are you? Bakit ikaw ang sumagot ng tawag sa phone ni Arra?" "Uto-uto ka Red." "Sino ka!" Nanggagalaiti na ako sa inis na nahaluaan pa ng pagaalala. Hindi ako mapakali dahil baka kung ano na ang nangyayari kay Arra ngayon. "You fell from my trap. Hahahahahaha" kilala ko na. Kilala ko na kung sino itong kausap ko. "Viticous." I called his name. Hindi ako pwedeng magkamali. "Ako nga." .........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD