FOOLISH HEART [1]
Prologue:
"Don't hold on to the past too tight, the future may never come."
Lagi nakatatak sa isip ko pero kahit anong gawin ko hindi ko pa rin siya makalimutan, kahit ilang beses niya na ako binabalewala , isa lang ang dahilan kung bakit lagi ako bumabalik sakanya "MAHAL KO SIYA." - Mikaela Cervantes' story from Ang boyfriend kong Bading
=========
Foolish Heart [1]
Mikaela's POV:
Nandito ako sa isang park at nageemote. Lagi na lang ako heartbroken nakakaiyak, lagi na lang niya ako nirereject. Kailan niya kaya ako mapapansin?
Haay~ Lagi ako nagcoconfess sakanya since grade 1 pa pero ang laging resulta ay "Thank you ha, pero di kita gusto eh." Kung hindi niya naman yun sasabihin minsan guguluhin niya ang buhok ko o tatawanan lang ako. Kaya kahit paulit-ulit niya ako nirereject hindi ako susuko, kasi ang pagsuko ay para sa weak lang! Kaya ngayon na-highschool na ako, patuloy ko parin siyang gugustuhin~
At kahit mahal kita
Wala akong magagawa
Tanggap ko 'to aking sinta
Pangarap lang kita
Pero di naman masama kung magiging crush ko siya di ba? Omaay~ Magsisimula na yung part ni Happee Sy, tumingin siya sa akin at nginitian niya ako.
"Ikaw ang kumanta sa part ng babae." Sabi niya sa akin. Kaya nagsimula na ako~
Ang hirap maging babae
Kung torpe yung lalaki
Kahit may gusto ka
'Di mo masabi
Hindi ako iyong tipong nagbibigay motibo
Conservative ako kaya 'di maaari
Kaso hindi ako katulad ng babae sa kanta e, umaamin talaga ako sa taong gusto ko e! At ayun ang kayang kong ipagmalaki sa ibang babae pero lagi akong rejected.
At kahit mahal kita
Wala akong magagawa
Tanggap ko 'to aking sinta
Pangarap lang kita
Haay~ Pangarap lang talaga kita Jerome Pero pinitik ni Jerome yung noo ko.
"Aray ko." sabi ko.
"Pero lagi pa rin kita irereject." Patawang sabi sa akin ni Jerome
"BOOM ! ANG SAKIT NUN HAHAHA." Tss. lakas pa tumawa nitong Ash na toh. Pero kung akala niyo, hinahayaan ko lang na ma-bully nila ako, syempre hindi ako papayag dun!
"Tawa ka, akala mo kinagwapo mo na yan?" Mataray kong sabi kay Ash, kaya napatigil siya. Tas narinig ko lang na tumawa si Jerome.
"Baka di mo kilala kung sino ang kinakalaban mo?" Tinaasan ko lang siya ng kilay.
"Baka di mo rin kilala ang kinakalaban mo Mr. Ash." Syempre di ako magpapatalo.
"Hey, wag nga kayo dito mag-away. Baka mamaya kayo pa magkatuluyan niyan." Napasimangot ako sa sinabi ni Jerome.
"No way, ayoko sakanya!" Inis kong sabi.
"Mas lalo naman ako, di ako papatol sa babaeng desperada." Napataas yung kilay ko sa sinabi ni Ash.
"Ash, tumigil ka na." Sita sakanya ni Jerome at ayun natahimik si Ash tapos umalis na lang. So ang nangyari kami na lang ni Fafa Jerome ko :''> Emeegassssh!
"Salamat Jerome ha." Pa-bebe effect muna ako kunyari :)
"Sa susunod kasi wag mo ng patulan si Ash." Seryoso niyang sabi sa akin.
"Eh kasi nakakainis siya." Ginulo ni Jerome buhok ko.
"Makulit ka kasi. Tara na sa room mahuhuli na tayo sa klase natin." waaa! Kinikilig ako shemaaaay~ Eto na ba? Eto na ba talaga ang chance ko para kahit papaano magustuhan ako ni Jerome?At ayun nga nakarating na kami sa classroom tapos ayun pinagtinginan kami ng mga klaklase namin kasi sabay kami ni Jerome pumasok.Tss, inggit lang kayo!
"Tingin kayo dyan? " Inis kong sabi at ayun tinawanan lang nila ako.
"Siguro kilig na kilig yan si Mikaela kasi kasabay niya yung CRUSH niya ay este MAHAL niya ." Sabi ng asungot kong klaklase na babae. Tss, akala mo kagandahan!
"Eh anong bang pake mo?" Matapang kong sabi.
"Tapang natin girl ha?" Inirapan ko siya. Oh please di talaga ako tinatantan ng g**o (-_-)
"Matapang talaga ako. Bakit di mo na lang kasi aminin Deziree na may gusto ka kay Jerome imbes na away-awayin mo ko halos araw-araw? " Narinig ko na nagsipalakpakan yung mga klaklase ko at sumisigaw ng " AWAY NA YAN!"
"Eh ano naman kung may gusto ako kay Jerome? At least hindi ako katulad mo na desperada sakanya, I know my limit!" Natahimik ako sa sinabi niya, wala na ko maiilaban. Oo sa tingin nila desperada ako kay Jerome kasi paulit-ulit parin ako umaamin kay sakanya tuwing Valentines day.
"Tss. Akala ko ba matapang ka Mikaela?" Narinig kong sabi ni Jerome kaya napatahimik yung mga klaklase ko.
"Jerome."
"Nasan na yung tapang mo sa tuwing aamin ka sa akin at kapag inaaway ka ni Ash? Wala ka palang binatbat eh." Napatingin na lang ako kay Jerome at ngayon tumatawa na ang buong klase dahil sa akin.
"Wala ka palang binatbat eh." Ayan din ang sabi sa akin ni Jerome sa akin nung grade one pa lang kami. Pinagtanggol niya ako sa mga nangbubully sa akin nun, sa una naging matapang din ako nun pero nung tumagal nawala tapang ko kaya bigla siya dumating at siya naging prince charming ko. Kaya simula nun lagi ko na siya sinusundan, inaalam ang lahat ng gusto niya at ang kwento ng bahay niya. Gustong-gusto ko talaga siya.Ngumti ako kay Jerome at humarap ako kay Deziree.
"Eh ano naman kung desperada ako kay Jerome? Hindi naman ako katulad mo na kailangan landiin mo pa ang mga kaibigan ni Jerome para lang makalapit sakanya."
"BOOOM! ANG SAKIT NUN !" Narinig kong sigaw ni Ash. Naghihintay ako ng isasagot ni Deziree pero mukhang natamaan siya sa sinabi ko eh.
"And the winner is Mikaela Cervantes." Tapos nagsipalakpakan yung mga klaklase ko dahil sa sinabi ni Ash.
"Ayan ang gusto ko sayo Mikaela." Nagulat ako sa sinabi ni Jerome.
"Ibig sabihin gusto mo ko?" Tumawa siya.
"Syempre, hindi pa rin." Tss. Paasa naman :*