Chapter 1

1406 Words
" Hoy, Claire!" Mula sa pagbabasa ng libro ay nag-angat ako ng tingin. Nakita ko ang ilan sa mga kaklase ko na nakapwesto malapit sa mesang aking inookupa. "Bakit?" Sa tuwing breaktime ay dito sa dulong bahagi ng canteen ako madalas pumunta upang magpalipas ng oras habang hinihintay ang susunod naming klase. " Sama ka? Milktea tayo do'n sa mall!" si Heidi. " Wala akong pera," tugon ko sabay balik ng mata sa binabasa. Akala ko ay umalis na sila kaya nagulat ako ng biglang may humablot sa aking libro. "Ano ba?" iritableng sita ko. Malapit na ang midterm exams kaya puspusan ang pagrereview ko. Sa susunod na taon ay graduating na ako sa kursong nursing. Sandaling panahon na lamang at matutupad ko na ang ambisyon para sa akin ni Tatay na maging isang ganap na lisensyadong nurse. Pangarap kong makapag-abroad. Magtatrabaho ako sa ibang bansa at pagsisikapang kumita para sa pamilya. Lahat ng hirap ni Tatay para makapagtapos ako sa pag-aaral ay ibabalik ko. Ipapagamot ko si Nanay at gagawin ko ang lahat ng makakaya para maiahon sa hirap ang pamilya ko. Kaya wala akong panahong tumambay at mag-aksaya ng oras kasama ng mga kaklase kong mas nakakaluwag sa buhay. "Huwag kang mag-alala, libre ko!" Padabog na inagaw ko mula rito ang libro ko. " Kahit na, Heidi. Sayang lang oras do'n. Magrereview na lang ako, mas maigi pa. 'Tsaka bakit sa mall pa? May milk tea rin naman dito sa canteen." "Sus! Mag-mi-milk tea lang tayo, Hindi ibig sabihin eh...magbubulakbol na! Hindi namang masamang mag-break sa pag-aaral kahit saglit lang. Babalik din naman tayo agad." "Oo nga, Claire! Nakakatuyo kaya sa utak 'pag babad masyado sa pagrereview. Sumama ka na!" segunda ng isa pa naming kaklase. Nananantiya ang tinging ibinigay ko sa mga ito. "Saglit lang tayo?" paniniguro ko kay Heidi. " As in super duper fast lang!" Iniikot ko ang mga mata. Kapagkuwa'y niligpit na ang mga gamit ko. "Sagot mo milk tea ko, ah!" Tumawa si Heidi bago umabrisyete sa akin. Tumayo ako malapit sa railings ng second floor sa loob ng mall. Hawak ko sa isang kamay ang milk tea na binili para sa akin ni Heidi at panaka-nakang sumisipsip doon. Naiinip na nagmamasid ako sa bawat stall na nahahagip ng aking tingin. Nagtext ang isa pa naming kaklase. Hindi makakapasok ang propesor sa panghuling subject kaya wala na kaming klase. Ang usapang saglit lang ay nauwi na sa pagtambay sa mall. Pwede naman na sana akong umuwi kaso nahihiya naman akong magpaalam dahil baka magsipag-uwian na rin ang mga kasama ko. Ayoko namang maputol ang kasiyahan nila sa paggagala. Uuwi na lang ako mag-isa. Busy pa sila sa loob ng department store kaya hindi na siguro nila mahahalata pag umalis na ako. Hindi rin naman kaya ng bulsa ko na makipagsabayan sa ginagawa nilang pamimili. Hindi ako katulad nila na may mga sinasabi ang mga pamilya na kayang ibigay ang higit pa sa allowance. Pumihit na ako patungo sa exit ng mall. Ngunit hindi pa man nakakalayo ng hakbang ng mabangga ako sa isang lalaking may bitbit na isang malaking kahon. Naipit ang braso kong may hawak ng milk tea kung kaya't tumapon ang laman no'n sa aking uniporme. " Ano ba, mama? Hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo!"galit na singhal ko. Agad nagmantsa ang kulay tsokolateng inumin sa aking puting blusa. Makakagalitan ako nito ni ate. Siya pa naman ang maglalaba nito. Inis na pinagpag ko ang braso. "Sorry, miss! Hindi kita napansin. Ayos ka lang ba?" Handa para bulyawan ang nakabunggo sa akin ng matigilan ako. Isang pares ng mapupungay na mata, matangos na ilong at mapulang labi ang sumalubong sa akin. Tila namamalikmatang kumurap ako. Maging ang puso ko ay sandaling tumigil sa pagtibok. Nang magpatuloy ay daig pa ang tren sa bilis ng takbo. Ang guwapo niya! Matangkad din siya kung kaya't bahagya akong nakatingala. Ibinaba nito ang bitbit na kahon at dumukot sa bulsa. Inilabas nito ang isang panyo na agad iniabot sa akin. "Pasensya ka na. Hindi kita agad nakita." Ang bango ng hininga. Sa lapit ng mukha namin sa isa't isa ay langhap na langhap ko. Naitikom ko bigla ang bibig ko. Kaninang umaga pa ako huling nag-toothbrush. Baka maamoyo niya, diyahe! "Miss?" At saka lamang ako natauhan ng muli niya akong tawagin. Tumikhim ako para maalis ang tila bikig na bumara sa aking lalamunan. Humanda para magsalita. Ngunit ng makita kong nakatitig siya sa tapat ng basa kong dibdib ay biglang umahon ang galit mula sa akin. Napasulyap ako sa sarili. Bakat ang mabilog kong hinaharap dahil sa pagkakabasa. "Bastos!"dumapo ang isang palad ko sa pisngi nito. Alam kong napalakas ang sampal ko dahil bumakat ang daliri ko sa balat niya. Ngunit hindi man lang nito ininda ang ginawa ko. Sa halip, hinubad nito ang suot na jacket at agad ipinatong sa ibabaw ng dibdib ko. Ngunit tinanggihan ko ito at itinulak siya sa balikat. Pero mapilit siya hanggang sa nahulog ang jacket at ang dalawang palad niya ang pumalit sa bahagi ng katawan kong nais niyang takpan. Nag-iinit ang pisngi sa labis na pagkapahiya na muli ko siyang sinampal. Napabaling pakanan ang mukha niya sa sobrang lakas ng ginawa ko. Nang muling magtama ang mga mata namin ay napaatras ako ng isang hakbang. Nagpalinga-linga ako. Nakakatawag na kami ng pansin. May nakita akong mangilan-ngilang napapadaan na may hawak ng cellphone at nakatutok pa sa amin. Nagtakip ako ng mukha bago walang lingong likod na nilayasan ito. *** " Claire! Bakit ka naglalaba? Allergic ka sa sabon. Magsusugat ang kamay mo n'yan." Nilapitan ako ni ate at inagaw ang plangganitang pinagkukusutan ko. " Uniform ko lang naman 'yan, ate." Tumayo ako at agad pumalit si ate sa nabakanteng bangkito. "Kahit na. Makakagalitan ako ni tatay pag nalamang pinaglaba kita. ako na dito. Teka...bakit may mantsa 'tong blouse mo?" Napakamot ako sa ulo. "Natapunan ng milktea, ate. 'Yong mama kasi do'n sa mall. Bulag yata. Hindi ako nakita kaya aksidenteng bumangga sa akin," naiinis na kwento ko habang inaalala ang mukha ng lalaking nakabanggaan ko. Nakapagkit na yata sa alaala ko ang hitsura niya lalo na ang mga mata niya ng sinampal ko siya. Siguro ay nakokonsensiya lang ako kaya hindi ko siya malimutan. Napahiya ko siya. Pero tama lang 'yon sa kanya. Nabastos niya ako. Ngunit hindi naman niya sinasadya. Hinawakan niya ako sa dibdib, tama lang ang ginawa ko. "Bakit ka naman nasa mall? Huwag mong sabihing naglalakwatsa ka?" Napanguso ako. "Nag-aya mga kaklase ko. Nakisama lang ako, ate." Ikinuskos ni ate ang sabong bareta sa mamantsang parte ng blouse bago inumpisahang kusutin. " Naku! Claire, sinasabi ko sa'yo! Pag-aaral ang atupagin mo. Hindi 'yong nakikipagbarkada ka." Mas lalong nanulis ang nguso ko. " Alam ko naman 'yon, ate." Sa tindi ng pagkuskos at pagkusot nito, mahihiya na ang mantsang nakadikit sa uniform ko. "Ipapaalala ko lang sa'yo, ikaw na lang ang inaasahan ni Tatay. Unahin mo ang magtapos sa pag-aaral. Huwag kang tutulad sa'kin. Ngayon, tambay-tambay lang sa mall kasama mga kaklase. Baka sa susunod niyan, jumujowa ka na!" Twenty years old pa lang si ate pero may dalawa ng anak. Tulad ko ay pinursige itong paaralin ni tatay. Pero first year college pa lang ay nabuntis na. Ngayon nga ay nakapisan sila dito ng asawa't mga anak niya sa maliit na barong-barong ng pamilya. Ang asawa nito ay tanging pag-eekstra bilang isang construction worker ang hanapbuhay. Kaya kahit madalas na masermunan ni tatay lalo pag nakainom ay tinitiis ni ate ang lahat ng masasakit na salita. Hindi rin naman nila kaya pang bumukod dahil kulang ang kinikita ng asawa nito. Isa pa, si Tatay pa ang nagbibigay ng panggatas ng mga anak nito. " Sobra na ang sama ng loob na naibigay ko kay Tatay. Kaya sana, Claire...huwag mo na akong gayahin. " May bahid ng lungkot ang mga mata ni ate. Ramdam ko rin ang pagsisisi nito. "Si ate..." nag-squat ako ng upo sa tabi nito. "Ang drama mo na naman! Huwag mong sabihing buntis ka ulit?" biro ko. "Gaga!" Pinagbunggo niya ang mga balikat namin. " Naka-pills ako kaya hindi ako basta mabubuntis. Ikaw...seryosohin mo nga ang sinasabi ko sa'yo!" may himig pagsusungit na ang tono ng boses nito. Nangingiting umakbay ako rito. "Huwag kang mag-alala, ate. Gagraduate ako. Claire Atanacio, registered nurse! Oh! Sarap pakinggan. Bagay na bagay. At sa unang sahod ko, sagot ko na pamparebond mo!" " Loka!" at sabay kaming nagtawanan ni ate.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD