Chapter 2

1636 Words
"Ate, nakita mo ba 'yong ID ko? Kanina ko pa kasi hinahanap, hindi ko makita,' tanong ko kay ate ng sumungaw ang ulo nito sa pinto ng maliit na kwarto ko. Kanina pa ako naghahanap. Binaligtad ko na ang laman ng bag ko pero hindi ko talaga makita. Hindi ko rin matandaan kung saan ko ito inilagay. "Naku! Umiral na naman pagkaburara mo. Ako na maghahanap. Tawag ka na ni Tatay. Alis na raw kayo. " Sinuklay ko ng kamay ang buhok ko bago isinuot sa balikat ang bag ko. "Salamat, ate." Nagmadali na akong lumabas. Ngunit dumaan muna ako sa silid ng magulang. Napangiti ako ng makitang gising na si Nanay. Nakatingin sa gawi ko at mukhang kanina pa naghihintay sa pagdaan ko. "Good morning, Nanay!" Masiglang bati ko. Nilapitan ko ito at hinalikan sa pisngi. "Papasok na po ako." Bedridden na ang nanay. May sakit ito sa buto kaya hindi na nakakalakad o nakakabangon pa. Ang sabi ng doktor ay may pag-asa pang muling makalakad ang nanay pero kailangan ng malaking halaga para maipagamot ito. Kaya pinili ko ang kursong nursing dahil bukod sa oportunidad na makapagtrabaho sa ibang bansa at kumita ng malaki ay gusto kong ako mismo ang mag-alaga sa nanay pag dumating ang panahon na maipapagamot ko na ito. Inabot niya ang mukha ko at masuyong hinaplos. "Ingat ka anak." Tumango ako bago ito muling hinagkan sa noo. Paglabas ko ay nakita ko agad si tatay na nakasakay na sa dyip nito at kasalukuyan nirerebolusyon. Sumampa ako at sumakay sa unahan, sa tabi mismo ng driver's seat. "Doon ka na dapat sa likuran, bunso. Baka magrasahan pa ang uniporme mo dito." Umiling ako. "Dito na lang ako, 'Tay. Para makapagkwentuhan pa po tayo." Sa pamamasada ng dyip kami binubuhay ni tatay. Ang ruta nito ay dumadaan malapit sa kolehiyong pinapasukan ko. Pinagmasdan ko ang mga kamay nito na mahigpit na nakahawak sa manibela. Nangungulubot at kinakalyo na. Ang kamiseta na pinapatungan ng puting good morning towel ay luma na. Siguro, ilang suot pa ay mapupunit na dahil sa numinipis nang tela. Ang maong na pantalon nito ay nangungupas at punit-punit na rin dahil sa paulit-ulit na paggamit. Ang tanda ko ay tatlo lamang ang pagmamay-ari nitong pantalon na salit-salitang ginagamit. Ang beach walk naman nitong tsinelas ay pudpod na sa bandang sakong dahil sa katagalan. "Tay, bakit hindi 'nyo pa pinapalitan ang tsinelas 'nyo?" hindi ko natiis na sita. " Okay pa naman ah!" sagot ni Tatay. Ngumuso ako. " May butas na magkabilaan 'tay. Bili na po kayo ng bago." "Ako lang ang may ganyan, anak. Tsinelas na may aircon!" pabirong sagot nito na sinundan ng pagtawa. Nalipat bigla ang tingin ko sa sarili. Puting-puti at bago pa ang tela ng suot kong uniporme. Pasadya ang pagpatahi nito kaya nagbayad ng mahal si Tatay para rito. Maging ang sapatos ko ay bagong-bago pa. Lahat ng gamit ko sa pag-eskwela ay bago at kumpleto pa. Simula't sapul ay hindi nagkulang ang tatay sa pagbibigay ng lahat ng pangangailangan ko kahit nahihirapan ito sa araw-araw na pamamasada. Halos hindi na ito magpahinga. " Baon mo, bunso." Napatingin ako sa kamay ni Tatay na may hawak na dalawang piraso ng tig-isandaang pisong papel. "Hindi na po, 'tay." " Kunin mo na, anak. Hanggang gabi ang klase mo ngayon 'di ba? Pangkain mo. Baka malipasan ka ng gutom. Mahirap mag-aral ng kumakalam ang sikmura." Kinuha ko ang inaabot niya at ibinalik sa munting lagayan nito ng pera. " Pinabaunan po ako ni ate ng lunch ko. Marami-rami po kaya hindi ako magugutom. 'Tsaka may pera pa po akong naitatabi." "Noong isang araw pa kita binigyan, may natatago ka pa rin?" Ngumiti ako. "Eh, libre 'nyo naman po pamasahe ko araw-araw. " "Sa eskwela, wala ka bang kailangan?" "Wala po." "Baka nahihiya ka lang. Magsabi ka at kahit magkano pa 'yan, basta sa pag-aaral mo, pagsisikapan ko." May init na humaplos sa puso ko sa sinabi ni Tatay. Napakaswerte ko. Dahil may responsable akong magulang at suportado ako ng pamilya. Sila ang kayamanan ko. Inspirasyon para mas lalo akong magpursige. "Para po!" biro ko kay Tatay ng malapit nansa babaan. Malakas na humalakhak si Tatay. "Mag-iingat ka, anak!" habol na bilin pa nito. Kinawayan ko ito bago pumihit ng lakad patungo sa gate ng eskwelahan. Naaligaga ako ng makita ang gwardiyang sinisita ang mga estudyante. Patay, wala ang ID ko! Baka hindi ako papasukin. Hindi ako pwedeng umabsent. May exam pa naman kami ngayon. Kinagat-kagat ko ang labi ko. Annog gagawin ko? "Claire!" Napalingon ako ng may tumawag sa pangalan ko. Ngunit hindi inaasahang mukha ang nakita ko. Walang iba kung 'di ang lalaking nakabungguan ko sa mall. Nang tapunan niya ako ng isang labas ngipin na ngiting umaabot hanggang sa kanyang mga mata ay mabilis na sumasal ang t***k ng puso ko. Wala sa loob na inipit ko sa likod ng tenga ang ilang hibla ng aking buhok. Napako ako sa kinatatayuan. At ng humakbang siya palapit sa akin ay napigil ko ang sariling hininga. "Hi!" Conscious na napatingin ako sa paligid. "Claire Atanacio?" Nangunot ang noo ko. " Bakit mo alam ang pangalan ko? Stalker ka 'no?!" Mahina ngunit lalaking-lalaking tumawa ito. Dumukot ito sa bulsa at inilabas ang naroon. Nang iladlad nito ay nanlaki ang mata ko. "Ang ID ko!" agad ko itong hinablot ngunit maagap niyang itinaas ang kamay niya. Tumingkayad ako pero sa liit ko ay hindi ko pa rin naabot iyon. nameywang ako at matalim ang matang ipinukol sa kanya. Ngumisi siya at iniumang ang bakante niyang kamay sa akin. " I'm Nathaniel Lorenzo." Nagpalipat-lipat ang mata ko sa palad niya at sa ngiting-ngiti niyang mukha. Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi at napanguso. " Ayos sa ninja moves, ah! Aki'na po ang id ko, Manong." Amused na tinignan niya ako. " Grabe sa manong. Twenty-eight pa lang ako." " Mass matanda ka sa'kin ng isang dekada. Manong ka nga." Muli itong tumawa at naaaliw na tinitigan ako. Sinamantala ko iyon. Bigla kong hinablot ang ID ko sabay lakad ng matulin. Nang malayo na ako ay nilingon ako. Bahagya pa akong nagulat ng makitang nakasunod pala siya ng tingin sa akin. Nag-init ang pisngi ko at natulala ako ng ilang segundo ng kindatan niya ako. " Pakisuot ng ID," pukaw sa akin ng guard. Tumalima ako. Pinanigas ko ang leeg para hindi na muli pang tumingin sa aking likuran. Iniisip ko maghapon ang naganap na engkwentro sa pagitan namin ni Manong. Hanggang sa matagpuan ko na lang ang sarili kong isinusulat ang pangalan niya sa likurang bahagi ng notebook ko. Nathaniel Lorenzo. Isinulat ko rin ang pangalan ko sa tabi ng pangalan nito at nilagay ang apelyido nito. "Claire Atanacio Lorenzo," mahinang sambit ko. Napangiti ako. May kung ano sa damdamin ko ang nakaramdam ng tuwa. Nangalumbaba ako at pumikit. Ang nakangiting mukha niya ang dumaan sa alaala ko. Bakit ganito ang epekto sa'kin ng lalaking 'yon? Tulad ng unang beses ay hindi na siya maalis sa isip ko. "Claire, hindi ka pa ba uuwi?" Napasulyap ako sa wall clock na nakasabit sa dingding ng classroom. Alas-syete na ng gabi. " Sabay na ako sa inyo palabas," sagot ko kay Heidi. Naghiwa-hiwalay kami pagdating sa may sakayan. Magkakaiba kasi ruta ng uuwian namin. " Bye, Claire! Ingat ka! " Kumaway ako. " Kayo rin! " Nakisali ako sa ilang estudyanteng naghihintay ng masasakyan pauwi. Ngunit kung hindi unahan sa pagsakay ay siksikan na ang mga jeep na dumaraan. Gagabihin ako nito. Napausog ako sa gilid ng may pumaradang kotse sa harap ko. Bumukas ang bintana nito. "Hi, Claire!" napasinghap ako ng lumagabog ang puso. "Pauwi ka na ba? Sabay ka na sa'kin." Nagsalubong ang kilay ko at paulit-ulit na umiling. " Hindi tayo close, manong. Bakit ako sasabay sa'yo?" Isang mapaglarong ngiti ang sumilay sa labi niya. Kinalas nito ang seatbelt bago umakmang bababa. Natatarantang pinara ko ang paparating na jeep. At bago pa ako malapitan nito ay agad na akong sumakay. Pipi akong napausal ng thank you ng nakaupo na ako. At ng balikan ko siya ng tingin ay nakita kong nakasunod ang tingin niya sa akin. Naulit ang ganoong tagpo sa pagitan namin ni Nathaniel. Sa tuwing papasok ako sa umaga ay nakikita ko itong nakaabang sa malapit sa gate at kung uwian naman ay nakatayo ito sa tabi ng kotse nito. Hindi ko alam kung ano bang kailangan niya sa akin. Kung palagi niya akong tinatangkang lapitan. At sa tuwing nangyayari iyon ay hindi maawat sa walang patid na mabilis na pagtibok ang puso ko. Hanggang sa namalayan ko na lang ang sarili na nananabik na makita siya sa umaga. Hanggang sa inaasam ko na siyang makita tuwing sasapit ang uwian. Hanggang sa pinagbigyan ko siya sa hiling niyang kilalanin siya. Hanggang sa niligawan niya ako at hinayaan ko siya. Hanggang sa ang buong sistema ko ay kinakain na ng pagtingin ko sa kanya. Hanggang sumama ako sa kanya nang hindi na nag-iisip kung tama pa ba o hindi na. "Mahal kita, Claire..." halos maiyak ako ng marinig ang mga katagang iyon mula sa kanya. Dahil alam ko, 'yon din ang sinisigaw ng puso ko. "Mahal din kita, Nathan..." Siniil niya ako ng halik. Uminog ang mundo ko...halos mapugto ang hininga ko at tuluyan akong nakalimot sa lahat ng tama o mali. "Pananagutan kita, Claire. Kung anuman ang mangyari pagkatapos nito ay hind kita pababayaan. Paninindigan kita, pangako." At tuluyan kong isinuko ang pinakaiingatan kong sarili sa kanya. Nilukob ako ng sagad hanggang butong sakit. Ngunit ang kapalit ay abot langit na ligaya. Nadarang ako sa kanyang pagmamahal. Nagpadala ako sa kapusukan. Naniwala ako sa ubod tamis niyang mga salita. Huli na ng mapagtanto kong ang lahat ay maaring may pangit na kahantungan. Ang puso kong salat sa karanasan ay sa kanya lamang umibig ng lubos.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD