Chapter 9

1611 Words
"Hijo, pumasyal lang kami ni Jr. sa bahay ng amiga ko. Birthday ng apo niya. May party, kumain at naglaro lang naman siya doon." Nakaupo pa rin ako sa gilid ng kama sa tabi ni Jr. Humupa na ang lagnat nito. Hindi na ganoon kataas kumpara kanina. Nakaawang ang pinto ng kwarto kaya rinig ko ang pag-uusap ni Nathan at ng mama niya. "Dapat ay sinama 'nyo po si Claire para nabantayan ng maigi si Jr.-" "Bakit? Hindi ko ba pwedeng isama ang apo ko? At anong ibig mong sabihin? Hindi ko siya kayang bantayan? Kaya ka siguro nagagalit dahil pinapalabas ng magaling mong asawa na pinapabayaan ko si Jr.?" "Ma, walang kahit anong sinasabi sa akin si Claire. My point is, you should have brought Claire with you." " Parang ganoon na rin 'yon, Nathan! Okay pa naman si Jr. nang umuwi kami kanina. Masigla pa. Baka 'yang asawa mo ang pabaya kaya nagkasakit ang apo ko!" Napabuntong-hininga ako. Sumasakit na ang tenga ko sa naririnig na sagutan ng mag-ina. Hindi rin naman makakatulong ang pagtatalo nila. Pero mas masakit ang mga binibitawang salita ng biyenan ko. Gusto kong maiyak. Siguro nga kasalanan ko ito. Kung nagboses lang ako kay mama na huwag ng isama si Jr. o kaya ay sumama ako, siguro hindi ito lalagnatin ngayon. May pagkukulang din ako. Kaya baka tama lang na sisihin din ako. Tumayo na ako at niligpit ang mga ginamit na bimpo at plangganita. Pumasok ako ng banyo at naghugas ng kamay. Napangiwi ako ng maramdaman ang hapdi ng mga sugat ko. Agad ko na lang tinuyo ang mga kamay. Paglabas ko ay si Nathan na ang nakaupo sa iniwan kong pwesto. Nakayuko ito at pinagmamasdan ang aming anak. Nilapitan ko siya at hinawakan sa balikat. Tumingala siya sa akin bago ipinulupot ang magkabilang braso sa beywang ko. Ibinaon niya ang mukha sa tiyan ko. Masuyo kong sinuklay ang buhok niya. "I'm sorry, love..."napapaos niyang bulong habang dinadapuan ng munting halik ang ibabaw ng tiyan ko. " Nasigawan kita kanina...I'm sorry..." kumurba ang labi ko ng sumilaw ang isang ngiti. " Wala kang kasalanan, love. Nag-alala ka lang. Naiintindihan kita." Humigpit ang yakap niya sa beywang ko. "Mahal na mahal ko kayo ni Jr. Ayokong may mangyayaring masama o hindi maganda. Lalong-lalo na kay Jr., please, love. Ingatan mo ang anak natin, " tila may humaplos na mainit na palad sa puso ko. "Opo..." tipid siyang ngumiti sa sinagot ko. "Hindi ka pa kumakain. Ipaghahain kita." "Huwag na, love. Dito ka lang. Huwag mong iiwan si Jr. Ako ng bahala sa sarili ko. Baba muna ako." Tumango ako at bahagyang idinistansiya ang sarili para bigyan ito ng espasyo sa pagtayo. Pero hinila niya akong muli palapit sa kanya. "May sorpresa pa naman sana ako sa'yo," nangunot ang noo ko. Itinuwid ni Nathan ang isang binti at may dinukot sa bulsa. Susi iyon. Mas lalong lumalim ang gitla ng noo ko. "This is the key of our new house. Regalo ko sa'yo." Napatanga ako ng ilang segundo habang pinapalipat-lipat ang tingin sa mukha nito at hawak na susi. Hindi ko pa naman birthday, bakit niya ako nireregaluhan? At...isang bagong bahay? Ang bilis ng t***k ng puso ko habang unti-unting inuunawa ng isip ko ang mga sinabi nito. "Happy fourth wedding anniversary, love." Napasinghap ako at agad naitakip ang palad sa bibig. It's our anniversary. Sa dami ng nangyari maghapon ay nawaglit sa isip ko kung anong araw ngayon. Apat na taon na kaming kasal. Ganoon kabilis na lumipas ng hindi ko namamalayan. Napayakap ako sa kanya. "Thank you, love...sorry...n-nakalimutan ko, anniversary pala natin. Wala akong regalo sa'yo." Nathan smirk. " Ibang regalo ang gusto kong matanggap, love." Idinikit niya ang labi sa tenga ko. "Kukunin ko kapag nakalipat na tayo sa bagong bahay natin." Nag-init ang pisngi ko. Mukhang alam ko na kung anong gusto nito kahit na hindi pa sabihin. Inihagod ko ang mga kamay sa kanyang buhok. U gently massaged his scalp. Pumikit siya. Maaring hindi ako swerte sa biyenan pero sa pinaparamdam na pagmamahal ni Nathan...napakaswerte ko. Kaya kong tiisin ang lahat para sa kanya...para sa anak namin.. at para sa pamilyang meron kami. "Mahal na mahal kita, Nathan..."malambing na sambit ko bago siya pinatakan ng halik sa labi. He grinned. "I love you more..."sagot niya bago pinalalim ang aming halik. "Lilipat kayo? Kumuha ka ng bahay ng hindi ko alam? Bakit? Ang laki-laki nitong mansiyon! Dagdag gastos pa 'yan! Nathan, hijo...hindi ka man lang nagtanong o nagsabi sa akin na may plano pala kayong lumipat ng bahay sa isang exclusive village? Nagsasayang ka ng milyones!" Nasa ikalawang palapag ako sa pinakapuno ng hagdan pero rinig na rinig ko na ang malakas na boses ni Mama Josephine mula sa baba. Natigil ako sa tangkang paghakbang. Sa kwarto ni Jr. na kami natulog kagabi. Nagising ako na wala na si Nathan sa tabi ko. Kaya nagmadali aking bumangon para maipaghanda ito ng almusal. Umagang-umaga pero nagtatalo na naman sila. Ang sagutan nilang mag-ina dumadagundong sa buong kabahayan. "Para 'yon sa asawa ko, mama. Hindi 'yon sayang," malumanay ang boses ni Nathan. Eksaheradang nagpakawala ng malalim na buntong-hininga si mama. " Dahil ba 'to sa pagkakasakit ni Jr. Sinisisi mo ako kaya gumaganti ka, aalis kayo rito mansiyon? " "Mali ka ng iniisip, mama." "Sana nga mali na lang ako! Simula ng pakasalan mo ang babaeng 'yon ay palagi mo na lang akong binabastos. Iniitsepwera mo ako sa buhay mo! Kung alam ko lang na ganito mangyayari sa pagtanda ko sana ay nag-anak pa ako!" "Mama, please...stop your nonsense..." " Nonsense? Nonsense na ako ngayon sa'yo?" patuloy sa sagutan ang dalawa. Hindi ko ugaling makinig sa usapan ng may usapan pero hindi ko magawang umalis sa kinatatayuan habang nakasilip sa baba. Pansin kong napapadalas ang pagtatalo ni Nathan at mama. Pinipili ko na lang manahimik kahit na kadalasan, alam king ako ang dahilan. Hindi ko dapat panghimasukan ang nangyayari sa kanila pero sana ay matigil na ang ganito. Labis akong nagulat sa sorpresang bagong bahay ni Nathan. Hindi ko 'yon inaasahan. Ang saya ko. Ngayong nakikita kong nag-aaway sila ng mama niya dahil doon ay biglang naudlot ang kasiyahan ko. Pero kung aalis kami rito at lilipat ay maiiwasan na rin ang palagi nilang pagtatalo kung sakali. Pero baka hindi rin magiging magaan ang paglipat namin lalo na kung masama ang loob ng mama niya. " At saan ka kumuha ng pambayad? Sa bangko? Nag-loan ka? Hindi ka nag-iisip, Nathan! Alam mong hindi maganda ang lagay ng kumpanya natin ngayon. Kung sana pumayag ka sa gusto ng mga Castillo. Palagi ka na lang padalos-dalos sa mga desisyon mo! Kung sana hindi 'yang babaeng yan ang pinakasalan mo! Kung sana si Marj-" " Mama!" napahakbang na ako pababa ng dumagundong ang malakulog na boses ni Nathan. Natahimik si mama. Halata ang gulat sa biglaang pagsigaw sa kanya ng anak. Pero ako ang mas nagulat sa inasal ni Nathan. Pulang-pula ang mukha, umiigting ang panga at labas ang litid sa leeg. Unang beses na makita ko itong ganito kagalit. Na para bang ang mga pinagsasabi ni mama ang nagsilbing ningas para tuluyang lumabas ang galit nito. Napabaling sa akin ang tingin nito sa akin ng makitang pababa ako ng hagdan. Inihilamos nito ang isang palad sa mukha diretso hinagod sa buhok bago nagpakawala ng marahas na buntong-hininga. "Let's just...stop this, mama. Please..." mababa na ang tono nito ng nagsalita. Pero si Mama, sinulyapan niya ako. Matalim ang tingin ipinukol ng mata niyang namumula na parang nagpipigil na maluha. Then Manang Eden entered, rushing in from the kitchen. "Madam Josephine! Sir Nathan! A-ang p-pabrika po..." humahangos at nauutal ito na hindi magawang tapusin ang sasabihin. Dinampot nito ang remote control sa center table bago lumapit sa wall mounted flat screen TV. Nang mabuksan ay agad nitong inilipat sa pang-umagang balita. "Ang inyo po ngayong nasasaksihan ay isang sunog na nagaganap sa Valenzuela City," lahat kami ay natulala sa nagsasalitang reporter. Sa background nito ay ang mga fire truck at isang nasusunog na gusali. Paroo't parito ang mga taong nagtatakbuhan. "Wala pang isang oras ang sunog pero itinaas na sa ikatlong alarma dahil nahihirapan ang mga bumbero sa pag-apula ng apoy. Ang pabrika ay pagmamay-ari ng kumpanyang Lorenzo Textiles Industry..." Napasinghap ako. Ang pabrika nila Nathan ang nasusunog! "Nathan! Ang pabrika!" bagsak na napaupo si mama sa sofa. "s**t!" si Nathan na napadukot sa bulsa at dinukot ang cellphone ng tumunog dahil sa pagpasok ng tawag. Tumalikod ito para sagutin ang tawag. "Ano?! Ilan?! f**k!" anito sa kausap. " A-ang p-pabrika! N-nasusunog!" naiiyak na sambit ni mama habang sapo ang dibdib. Nilapitan ko ito. Mukha itong nahihirapang huminga. Nakaawang ang labi at ngumingiwi ang mukha. "Mama...mama!"pero hindi na ito sumasagot pa. " Manang Eden, kuhaan 'nyo po ng tubig si mama!" Tarantang tumalima ang kasambahay. Pero hindi pa ito nakakabalik ng biglang manginig si mama kasabay ng pagkakabasa ng pang-ibabang bahagi ng katawan nito. I panicked. Naninigas ito! "Nathan!!!" malakas kong sigaw. "Inaatake si mama!" Nabitawan ni Nathan ang cellphone at patakbong lumapit sa amin. " Mama!" pukaw nito sa ina na bahagyang tinatapik sa pisngi. "Ang kotse, Claire! Sabihan mo ang driver!" tumango ako at mabilis na tinawag ang driver. Binuhat ni Natha ang ina. Binukas ko ang pinto sa ng kotse sa likurang bahagi. Inalalayan ko si Nathan na maisakay ito. Nang maupo si Nathan sa tabi ng ina ay agad akong lumipat sa harapan. "Sasama ako!" hindi na ito nakatutol pa ng umupo ako sa tabi ng driver at agad nag-seatbelt. "Manang Eden, kayo na po muna ang bahala rito! Si Jr. bantayan 'nyong maigi!" binalingan nito ang driver. "Sa pinakamalapit na ospital tayo!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD