Chapter 10

1518 Words
Nilamon ng apoy ang buong pabrika. Walang halos natira. Lahat ng materyales pati na rin mga makinarya ay natupok lahat sa apoy. Ang masaklap pa, may mga empleyadong namatay at lubhang nasugatan sa sunog. Pinanood ko kung paanong nanlumo si Nathan habang kinakausap ang ilan sa mga kasosyo nitong personal na nagtungo sa ospital upang ibalita ang nangyari. Dumadagdag pa sa alalahanin nito ang inang na-mild stroke. Naka-confine si mama. Ang nangyari sa pabrika ang naging dahilan. Naparalisa ang kalahati ng katawan nito. Naapektuhan maging ang pagsasalita nito. Ako ang nagbantay kay mama habang nasa ospital. Si Nathan naman ay abala sa mga dapat asikasuhin sa pabrika. Nanatili ako sa tabi ni Nathan upang umalalay. Hanggang sa maiuwi na ng bahay si mama. "Love, magpahinga ka muna. Wala ka pang matinong tulog." Nagkukulong na naman si Nathan sa loob ng study room. Nakaupo sa swivel chair niya habang nakikipagbuno sa sandamakmak na dokumentong nakalatag sa ibabaw ng mesa niya. Ilang gabi na itong ganoon. Nag-aalala ako dahil baka ito naman ang sunod na bumigay. Alam kong masyadong mabigat ang problemang kinakaharap nito ngayon. Gusto kong makatulong. Pero hindi ko alam kung paano. He motioned me to come near him. Sumunod ako. Agad niya akong niyapos hustong makalapit sa kanya. Kinandong niya ako. Ibinaon niya ang mukha sa leeg ko. Naghithit-buga siya ng hangin doon habang nilalanghap ang amoy ko. Na akala mo iyon ang kailangan niya upang kumalma at ipahinga ang sobrang kapagalang nararamdaman. I love this gesture of him. Itinabingi ko ang ulo upang bigyan ito ng higit na layang idikit ang mukha niya sa leeg ko. Ibinaon ko ang mga daliri ng isang kamay sa ulo niya at marahang minasahe. Gaya ng nakaugalian ko ng gawin sa kanya. Dinampian niya ng halik ang leeg ko. Gumapang ang init no'n sa balat ko. "Okay ka lang ba, Nathan?" tumango siya at mas idinikit pa ang labi sa leeg ko. Pero ang sunod-sunod niyang pagbuga ng hangin ay sumasalungat sa sagot niya. Mabigat. Malalalim. Para siyang may malaking problema na hindi masolusyunan. "Ang problema kahit gaano pa kabigat, gumagaan pag ibinabahagi sa iba. Sabihin mo sa akin, love. Wala man akong maitulong pero handa akong makinig." Inalis niya ang mukha sa leeg ko upang ibaon sa headrest ng swivel chair niya. Napahaplos ako sa panga niyang tinutubuan na ng balbas. Maging ang ilalim ng kanyang mga mata ay ipinagsisigawan ang pagod niya. Ilang araw pa lang ang nakalipas pero ilang taon ang tila nadagdag sa anyo nito. Nakakatanda talaga ang problema. "Ang problema ng kumpanya ay problema ko lang." "Pero ang anumang problema mo ay problema ko rin dahil mag-asawa tayo." Nanantiya ang titig niya sa akin. He sighed defeatedly. "Naubos lahat ng ipon sa bangko. Lahat ng assets ng kumpanya, naglaho kasabay ng sunog. Pati ang emergency funds nagalaw na. Ang dami pang dapat bayaran. Sa dami ng empleyado at mga pamilyang dapat bigyan ng kompensasyon, hindi ko na alam kung paano pa makakapagluwal ng pera. Kung makakahanap ulit ako ng investors na handang tumaya para maibangon ko ang pabrika ay makakatulong. Unfortunately, no business man wants to meddle with me now. Not after what happened. Kung meron man, matatagalan pa bago makabawi. Nahihirapan ako na makahanap ng makakatulong para maiahon muli ang kumpanya. I need funds. Millions of it. I could sell some of our properties. Para mahabol ang mga nawala. Pero kulang pa rin. Kailangan rin ng malaking halaga para sa gamutan ni mama at para maipagpatuloy ang therapy niya. I need to sustain our family's needs, too." "Sell our house, " suhestiyon ko. Nanlaki ang mata ni Nathan. " Pero regalo ko 'yon sa'yo, love. Bahay mo 'yon. Sa'yo 'yon. " Ipinatong ko ang mga kamay sa ibabaw ng balikat niya. "Nathan, ang pag-aari ko ay pag-aari mo. Isa pa, hindi rin naman tayo makakalipat pa doon. Lalo na sa sitwasyong meron si mama." Nathan licked his lips and gulped many times. "I'm afraid we have to moved out of this mansion as well. Isa ito sa...mga properties na kailangang isakripisyo," may lungkot sa mga mata niya. Alam ko kung gaano kaimportante ang mansiyon nila sa kanya. Ipinatayo ito ng namayapa niyang ama para sa kanyang ama. Mahalaga ito sa kanyang mama. "Wala na bang ibang paraan?" Malungkot siyang umiling. "Ang inaalala ko ay si mama, kayo ng anak natin. Baka mahirapan kayo sa mga magiging pagbabago sa buhay natin." "Sana'y ako sa hirap, Nathan. Huwag kang mag-alala magiging okay kami ng anak mo. Magiging okay din tayo. Hindi rin mahalaga sa akin kahit na sa maliit na bahay lamang tayo manirahan. Ang importante buo tayo. We'll get through this hardships. I'll be with you all the way. " Naging mabilis ang mga pagbabago. Agad naipagbili ang mansiyon. Kaya agad ding naghanap si Nathan ng malilipatan namin. Isang mas maliit na bungalow type na bahay. May dalawang kwarto, isang banyo, maluwag na sala at katamtamang laki ng bakuran. Malayong-malayo sa rangya ng mansiyon pero higit na mas malaki at komportable kumpara sa kinalakihan kong barong-barong. Pati ang mga sasakyan ay nabawasan. Isa na lamang ang natira. "Manang Eden, pasensya na. Hindi na namin makakayanan pang bayaran ang serbisyo 'nyo. Sana ay maintindihan 'nyo," umiiyak na tumango ang matandang kasambahay. Ngayon ang huling araw ng paninilbihan nilang lahat. Nagkasundo kami ni Nathan na hindi na kumuha pa ng kasambahay para makabawas sa gastusin. Imbes, isang caregiver na mangangalaga kay mama ang kukunin. "Maraming salamat, Sir Nathan. Si Madame Josephine...huwag 'nyo po siyang pababayaan," naiiyak ito. Inakbayan ito ni Nathan habang pinapaalu. Lahat halos ng kasambahay ay malungkot. Naiintindihan ko ang sentimyento nila. Ang tagal na nilang naninilbihan sa pamilya Lorenzo. Pero may mga bagay talagang kailangang isakripisyo upang makapag-adjust sa panibagong sitwasyong haharapin. Dahil hindi lang umikli ang kumot kung di tuluyan pang nawala. Pareho-pareho kaming apektado. Pero pagsubok lang naman ang lahat ng ito. Kapag nakaraos at muling nakabangon ay baka hindi lang maikling kumot ang bumalik kung di makapal na comforter pa. "A-ayoko n-niyan! H-hindi ako k-kumakain n-niyan!" Pero kung ang lahat ay nag-a-adjust na sa pagbabago, hindi ang mama. "Estupida!" Malakas na sigaw ni mama na sinundan ng pagkakabasag ng tumilapong gamit. Iniwan ko sandali si Jr. na pinapakain ko ng mga sandaling iyon. Napatakbo ako papasok ng kwarto nito. Naabutan ko ang caregiver na nakaluhod sa sahig habang pinupulot ang mga natapong pagkain. Nang tumingala ito sa akin ay namumula ang mata at ilong. "Ano'ng nangyari?" dinaluhan ko ang caregiver. Bigla itong humikbi. " Aalis na po ako! Hindi ko na kaya ang ugali ni Madam Josephine!" Nanlaki ang mata ko. "T-teka...baka pwedeng pag-usapan muna natin ito. Baka pwedeng manatili ka muna hanggang makahanap kami ng papalit sa'yo?" Mariing itong umiling. Tumayo at kinuha ang gamit na nakapahinga sa ibabaw ng maliit na mesa sa silid. "Hindi ko na po talaga kaya! Huwag 'nyo na akong swelduhan! Aalis na ako! Sa inyo na ang pera 'nyo!" Hinabol ko ito pero nagdire-diretso ito palabas ng gate ng bakuran. Pinara ang dumaang tricycle at agad na sumakay. Napabuntong-hininga ako. Pang-ilang caregiver na ba 'yon na umalis. Walang nakakatagal na mag-alaga kay mama. Kumuha ako ng dustpan at walis tingting pati na rin basahan. Bagsak ang balikat na bumalik ako sa silid nito. "Mama, hindi po pwedeng ganito na lang kayo palagi. Kailangan 'nyo ng propesyunal na mag-aalaga sa inyo para makabalik kayo sa dati," malumanay kong bigkas habang nililinis ang kalat. " Isa ka pa! I-ikaw ang m-malas sa buhay ng a-anak ko! Nagkandaletse-letse ang l-lahat dahil s-sayo!" Nanlilisik ang mata nito habang dinuduro ako. It's just words. Hindi dapat ako maapektuhan. Hindi lang matanggap ni mama ang sitwasyon kaya ito nakakapagsalita ng gano'n. Papasok sa kanang tenga, lalabas sa kaliwa. Masasanay din ako. Masasanay din si mama. Matatanggap niya rin ako bilang manugang at matatanggap din niya na hindi na tulad ng dati ang estado nila sa buhay. Niligpit ko ang mga kalat. Nanghinayang ako sa nasayang pagkain pero kukuha na lang ulit ako ng bago. "Nanay, ang sarap po ng sabaw. Gusto ko pa po," napangiti ako. Nilapitan ko ito at dinampot ang maliit na mangkok na lagayan nito ng ulam. Lumapit ako sa kalan upang sumandok ng mainit na sabaw ng tinolang manok. "Mainit, dahan-dahan ang subo." Nangingiti ako habang minamasdan itong cute na cute na hinihipan ang kutsarang may sabaw bago isusubo. Nang kumagat ito ng sayote ay natawa ako. Napapapikit pa habang ngumunguya. "Very good talaga ang baby ko! Kumakain ng gulay!" tuwang-tuwang hinaplos-haplos ko ito sa ulo. "Nanay, kuya hindi baby." Humalakhak ako. Talagang pinipilit niyang magiging kuya na siya. "Sorry po, kuya..."sakay ko. "Dito ka lang ha, papakainin ko lang si Lola." "Opo!" tumayo na ako sa listong pagsagot nito. Muli akong naghain ng pagkain ni mama. Inilagay ko lahat sa tray bago buong ingat na bumalik sa silid nito. "Mama, kain na po...susubuan ko po kayo." Pahiga itong nakaupo sa reclining bed. Pero hindi ko pa man nailalapag ang pagkain sa bedside table nito ng tabigin nito iyon. Nabuhos ang mainit na sabaw sa braso ko. Napangiwi ako sa sakit. "A-ayaw ko nga s-sabi niyan!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD