Chapter 7

1574 Words
"Hindi ko sinasadya, Nathan. Aksidente ang nangyari," nanginginig ako sa takot habang nakasunod dito. Hindi tumigil sa pagdaing si Mama Josephine kaya pinahanda na nito ang kotse para dalhin sa ospital ang ginang. Karga nito ang ina habang palabas ng bahay na namimilipit pa rin sa sakit. "I'm sorry, Nathan," humihikbi ako habang nakamasid ng ibinababa nito sa loob ng kotse ang ina. "Sasama ako." Hinawakan ko siya sa braso para ipabatid ang kagustuhang sumama. Nilingon ako ni Nathan pero napaatras ako palikod ko ng makasalubong ang madilim nitong anyo. " Just wait until we go home, Claire," maging sa tono ng boses niya ay natakot ako. At nang umandar ang kotse ay naiwan akong patuloy na lumuluha. Hatinggabi na pero hindi pa rin nakakauwi si Nathan. Ipinaghain ako ni Manang Eden ng hapunan pero hindi ko magawang gawain ang pagkain. Nagpatimpla na lang ako ng gatas. Iniisip ko ang nangyari kanina. Sa panahong inilagi ko rito, kahit na sagad na sa buto ang mga insulto at pang-aalipustang inaabot ko mula kay Mama Josephine, ni minsan ay hindi ako sumagot. Kanina ko lang nagawang manlaban pero nagkamali pa ako. May guilt akong nararamdaman sa puso ko. Ang madilim na anyo ni Nathan bago sila umalis kanina ay naiwan sa utak ko. Iyon ang unang pagkakataon na nakita ko siyang ganoon. Nangangamba ako. Nakatulugan ko na ang paghihintay sa pag-uwi ni Nathan. Nagising ako kinabukasan dahil sa mabibining katok sa pinto. "Tumawag si Sir Nathan, nagpapakuha siya ng pamalit na damit. Isasabay ng ihatid kasama ng pagkain at gamit ni Madam Josephine," si Manang Eden ng mapagbuksan ko. " Sasama po ako sa paghatid," paalam ko pero hindi ko na hinintay na sumagot ito. Tumalikod na ako para kumuha ng damit ng asawa at makapagbihis na rin. "Hindi ka na dapat sumama, hija. Baka makagalitan ako ni Sir Nathan." Naiintindihan ko ang pag-aalala ng kasambahay. Pero hindi ko na kaya pang maghintay na lang sa bahay. Nakokonsensiya ako sa nangyari kay mama. Hindi ko alam ang lagay niya sa ngayon. Kung sana ay hinayaan ko na lang ito sa gusto niya. Hindi na dapat ako nakipagtalo pa. Hindi sana ito maoospital. Pero nasa huli talaga ang pagsisisi. " Manang Eden, bakit isinama niyo pa rito si Claire?"iritableng tanong ng asawa ko pagkakita sa akin. "Ako ang nagpilit, Nathan. Gusto kong personal na makamusta si mama." Marahas siyang bumuntong-hininga. He looks annoyed. Pero pansin ko rin ang pagod sa anyo nito at mukhang hindi pa ito nakakatulog ng maayos. Hinawakan niya ako sa siko at iginiya paupo sa tabi ng dining table na naroon. Private room ang inookupa ni mama. May maliit na dining area at receiving area. It was spacious. Sapat ang espasyo para makapag-usap kaming mag-asawa nang hindi naririnig ng iba. "Kumain ka na ba?" " Hindi pa." " What? Claire naman, huwag mong pababayaan ang sarili mo. Kaya hindi ka na talaga dapat sumama rito. You should've just stay home and rest." Gusto kong maiyak. Him scolding me is the least I am expecting from him. Bukod sa kagustuhang masilip ang kalagayan ni mama ay gusto ko rin siyang makita. Itinutulak ako ng puso ko na gawin iyon. Hindi ako mapapakali na maghintay na lang sa bahay. Hindi naman kami nag-aaway pero pakiramdam ko kapag hinayaan ko ang nangyari kahapon na hindi ako nakakapagpaliwanag ay mauuwi ito sa pagtatalo naming dalawa. Kinagat ko ang labi ko. I needed to suppress my voice. Dahil baka mauwi na naman sa hindi maganda kapag ibinuka ko pa ang bibig ko. We eat quietly. Kahit hindi ako komportable dahil maya-maya ay nasusulyapan ko si Mama Josephine na matalim ang titig sa akin na inaalalayan ni Manang Eden na kumain. Wala namang nabaling buto o malalang injury si mama buhat sa nangyari. Thank God. Pero nananakit ang kasu-kasuan nito kaya mas gustong manatili muna sa ospital. "Maiiwan dito si Manang Eden para magbantay kay mama. Ihahatid ka ng driver pauwi. I can't go home yet. May kailangan pa akong asikasuhin dito. " Tumango ako. "Ihatid mo na 'yang asawa mo, hijo. Baka kung sino na naman makasalubong niyan sa daan. Idadamay pa ang apo ko sa kalandian niya," pareho kaming napabaling sa direksiyon ni mama ng magsalita ito. Ako, nanlalaki ang mata sa narinig samantalang si Nathan ay salubong ang kilay. Blangko ito sa ibig ipakahulugan ng ina. "What do you mean, mama?" Umismid si Mama Josephine bago nagsalita. "Yang asawa mo, ano'ng oras na umuwi kahapon galing sa doktor. May kasamang lalaki ng umuwi." Nagpanting ang tainga ko. Malisyoso ang pagkakasabi nito. At sandali...kalandian? Sa harap ng asawa ko ay pinaparatangan niya ako. "Si Zach 'yon...d-dati kong kaklase. N-nakita niya ako sa labas ng village kahapon. Wala akong masakyan kaya nagmagandang loob siyang ihatid ako," nagpapaliwanag lang naman ako pero hindi ko alam kung bakit nauutal ako. Hindi nagsalita si Nathan. Binuksan niya ang pinto. We both stepped out of the room. "Nathan..." inabot ko ang pisngi niya ngunit umiwas siya. " Next time, Claire, isasama mo na ang driver sa tuwing aalis ka. At hindi ka na dapat umaalis ng wala ako." Hindi makapaniwalang tinitigan ko siya. Nasa hallway kami at pinagpasalamat ko na walang sinuman ang naroon bukod sa amin ng mga sandaling 'yon. " Busy ka sa negosyo kaya umalis ako ng wala ka. Tatawagan sana kita kaso ayaw kitang maistorbo kasi nga busy ka," ni-emphasize ko ang huling dalawang salita. " Nagtatrabaho ako, Claire. Alam mo namang walang ibang mag-aasikaso ng negosyo bukod sa akin. I am working hard for our future...for our child, can't you see that? I still have meetings yesterday. Pero kinansela ko dahil iniiisip kita. You were out alone and I was worried about you. Tapos pag-uwi ko ng bahay ganoon eksena pa maabutan ko sa inyo ni mama-" "Nag-sorry na nga ako 'di ba? Aksidente ang nangyari. Gustong ipatapon ni mama ang mga gamit pam-baby na binigay ni ate Riza. Hindi ako pumayag. At 'yon nga ang nadatnan mo." " Kaya mas dapat na tinawagan mo na lang ako. I'll ditch anything if you needed me. Hindi 'yong...kung kani-kaninong lalaki ka sumasabay pauwi. May asawa ka na at buntis pa...hindi magandang tignan." Unbelievable! Hindi man tuwiran pero malinaw na pinaniniwalaan nito ang sinabi ng mama niya na...kalandian ko. Pagod siya at hindi pa nagagawang makuha ang gustong pahinga simula kahapon. Stress siya. Sa trabaho at ngayon ay pati sa nangyari sa mama niya. The least I should do as his wife is to be fair to him. Baka dala lang ng sitwasyon kaya hindi niya matanggap ang paliwanag ko. Masakit sa dibdib ang mga sinabi niya pero iintindihin ko na lang. I inhaled deeply. "Uuwi na ako," napapaos kong sambit. Pumatak ang luha sa mata ko. I saw how Nathan's mad expression turn soft. I heard him sighed. " Just...follow what I say, Claire," mas mababa na ang tono niya. Tumango ako bago pasimpleng pinunas ang luha ko. "Ipapahatid na lang kita sa driver." "Sir Nathan, tawag ho kayo ni madam," si Manang Eden. "Hintayin mo ako dito sandali." Umiling ako," Hindi na...kay Manang eden na lang ako magpapahatid sa baba." He nodded and kissed me on my forehead. Pumihit na ako patungo sa elevator kasunod si Manang Eden. Pero hindi pa man nakakahakbang ay biglang humilab ang tiyan ko. Natigilan ako at napasapo sa tiyan. Hindi pa dapat ako manganganak. Pero siguro dala rin ng kakaisip kaya sumakit bigla ang tiyan ko. Nagpatuloy ako sa naantalang paglakad. "Ah!" impit na daing ko ng makaramdam ako muli ng hilab. Napatitig sa akin si Manang Eden. Marahil ay nagtataka na sa inaasal ko. " Manang...pwede po bang...tawagin 'nyo si Nathan. Humihilab na po kasi... ang tiyan ko. Baka manganganak na po ako," napapangiwi ako sa sakit pero nagawa ko pang magsalita ng mahinahon. " Imposible, hija. Di ba sa sunod na buwan pa ang kabuwanan mo? Halika ka na, magmadali na tayong umuwi para makapagpahinga ka na." I didn't move. Pumikit ako at tinantiya sa sarili ang paghilab na nararamdaman. Mukhang tama nga ang matanda dahil wala na ang sakit. Pero bigla ulit humilab ng mas matagal na napakapit na ako sa braso ni Manang Eden. Humingi ito ng saklolo. The next thing I knew, I was sitting on a wheelchair being pushed by a nurse. "Manang...si Nathan po...pakitawag po ang asawa ko..."bilin ko bago ako ipasok sa delivery room. The doctor checked on me. Pumutok na rin ang panubigan ko. I waited for Nathan to come. Pero si Manang Eden ang bumalik. Nagtatanong ang matang tinitigan ko ito. Nanlumo ako ng umiling ito sa akin. " Ano kasi...a-ayaw magpaiwan ni madam..." naiilang na wika nito. Naiiyak ako. Sobrang sakit ng nararamdaman ko pero mas nasasaktan ako dahil nasa ikatlong palapag lamang ng ospital na ito ang asawa ko pero hindi man lang magawang damayan ako. Ngayon na kailangang-kailangan ko siya pero wala siya sa tabi ko. Nag-iwas ako ng tingin kay Manang Eden ng naging sunod-sunod ang patak ng luha ko. At ng oras na para lumabas ang anak ko ay sabay ko ring ibinuhos ang pighating nararamdaman ko. I cried as I pushed hard. Halos mapugto ang hininga ko. Nauubusan na rin ako ng lakas. Pero ng marinig ko ang unang iyak nito ay napawi lahat ng kapagalan ko. Nang mahawakan ko ito sa aking mga braso at mahagkan sa unang beses, maging ang sakit ng kalooban at pangamba ko ay napalis. Walang pagsidlan ang aking kaligayahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD