Hiningal ako sa dami ng sinabi ko. Pakiramdam ko nilulunod ang puso ko. Nilulunod sa sama ng loob. Ngayong nailabas ko na ay nagkaroon bigla ng malaking espasyo sa loob ng dibdib ko na pag hindi ako huminga ay tuluyan na akong kakapusin sa hininga. "Pinagdududahan mo ako, Claire. Wala kang tiwala sa akin," may himig tampong sagot ni Nathan. "Hindi ang tiwala ko ang isyu dito. May tiwala ako sa'yo. Alam mong mahal kita. Kaya nga ako nagkakaganito. But lately, it's different. It feels different. Hindi ako kailanman nag-demand ng oras mo. You always make time for us. Pero nitong mga nakaraan...ewan ko..." Mariing naglapat ang labi ni Nathan at matiim akong tinitigan. "I am working my ass hard, Claire. You know I have to. Kailangan kong habulin at bawiin lahat ng nawala sa atin The busine

