Chapter 13

1707 Words

"Si Nathan?" Napaangat ang isang kilay ko. "May importante akin sasabihin." Hindi ko ito iniimbitahang pumasok pero nauna na ito humakbang paloob. Nilagpasan ako. Ngayon ay nagsalubong na ang kilay ko. Sa tagal niya dito kahapon, hindi pa ba niya nasasabi ang anumang sasabihin niya ngayon? "Nasa loob ang asawa ko," sagot ko na may diin ang huling dalawang salita. Napahinto ito at nilingon ako. Tila ito may nakain na mapait. Kulang na lang ngumiwi. "Yeah...where is he?" Nilapitan ko ito. "Nagbibihis. Halika sa loob, tuloy ka,"paanyaya ko kahit na hindi na naman kailangan dahil hindi na ito makapaghintay na ayain. "Oh, Marjorie. Ang aga mo?" si Nathan na kalalabas pa lang n kwarto. Nangunot pag ang noo ko ng makitang ang gayak nito. Naka-three piece business suit at nag-susuot pa ng tie

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD