Halatang nagulat si Nathan. Hinawakan nito sa braso si Marjorie at bahagyang naitulak. "Marjorie!" sita ni Nathan. Pero ang huli ngiting-ngiti pa. "Sorry,"ani pa nito. Pero walang sinseridad. Nakaramdam ako ng iritasyon. Pero tama ba ang nararamdaman ko. Hindi sinasadya ang halik pero ang makitang asawa mo ang aksidenteng nahalikan ay kakaiba sa pakiramdam. I was shock. Natulala ako. "Tatay!" Saka lamang ako natauhan mula sa pagkabigla sa nasaksihan ng nagkakakawag si Jr sa braso ko. Ibinaba ko. Patakbo itong tumungo kay Nathan at agad yumapos. Kinarga naman ng huli. Naningkit ang mata ko ng makita ang ngiting-ngiting mukha ni Marjorie. Naka-abrisiyete pa kay Nathan. Tumikhim ako. Tila may bumabarang kung ano sa lalamunan ko. Umaasim ang panlasa ko. I felt awkward. "Siya na ba an

