KABANATA 6

2910 Words
Khalid Evan Villarreal: Let’s call. Napasinghap ako nang mabasa ko ang chat ni Khalid. Halos isang oras na kaming magka-chat. Tulad nang dati, kung anu-ano lang ang pinag-uusapan namin. Mga walang kabuluhang bagay. Pero kahit na ganun, napapangiti pa rin ako bawat reply ko sa chat niya. Napaigtad lang ako sa gulat nang biglang tumunog ang ringtone ng phone ko. Halos maghumirintado ang puso ko nang makita ko ang pag-appear ng pangalan niya sa screen ng cellphone ko. Napaayos ako ng upo sa kama at para pa akong tangang inayos ko muna ang sarili ko bago ko hinawakan ang cellphone ko at sinagot ang tawag niya. Tumikhim ako bago nagsalita, “H-hello?” “Hi..” Napapikit ako at hindi ko napigilang kagatin ang ibabang labi ko. Ang ganda ng boses niya sa cellphone. Maganda naman talaga ang boses niya kahit sa personal. Pero iba ngayon. His voice is husky and hoarse. Para siyang inaantok o bagong gising lang. Bigla na naman tuloy akong na-conscious. Baka mamaya, boses palaka o kargador pala ako sa cellphone. Napakurap lang ako nang marinig ko ang pagtawa niya nang marahan sa kabilang linya. Maging pagtawa niya, ang ganda. Parang nanghehele ang tawa niya. “Ano ‘yung sinabi mo? Bakit ayaw saakin ng mga kaibigan mo?” he asked. Iyon ang huli kasi naming pinag-usapan sa chat kanina bago siya tumawag. Ang mga kaibigan kong ayaw sa kanya. Tumikhim muna ako bago sumagot, “Eh kasi basagulero ka raw. Lapitin ng gulo. Ewan ko. Basta iyon ‘yung sabi nila saakin noon kung bakit ayaw nila sa’yo.” Sandali siyang natahimik sa kabilang linya. Ilang sandali pa bago siya muling nagsalita. “Eh ikaw? Ayaw mo ba saakin?” “Gusto.” Nakagat ko ang ibabang labi ko matapos kong sumagot. “I-I mean,” I bit my lower lip again, “I mean I still want to be your friends. W-wala naman iyon saakin. H-hindi naman importante kung basagulero o lapitin ng away ang kakaibiganin ko.” Nakagat ko ang ibabang labi ko sa pagkautal ko. Hindi naman kaagad nakapagsalita si Khalid matapos ng sinabi ko at hindi ko alam ang iniisip niya. At halos maramdaman at marinig ko na ang kabog ng puso sa dibdib ko sa sobrang katahimikan. Maging ang pag-iinit ng pisngi ko, nararamdaman ko. Halos mapatalon lang ako at nabitawan ko pa ang cellphone ko nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko. “Ate, pahiram ng notes mo sa Science nung Grade Ten ka.” “Sabrina!” naisigaw ko sa kapatid kong bigla na lang pumasok sa kwarto ko, “Bakit hindi ka kumakatok?” dagdag ko habang nakahawak pa rin sa dibdib ko. “Hindi naman naka-lock ang pinto ng kwarto mo kaya bakit kailangan pang kumatok?” sabi niya. Kapagkuwan, tinaasan niya ako ng kilay nang mapansin niya ang reaksyon ko. “Anong nangyari sa’yo? Para kang nakakita ng multo?” suminghap siya na parang may naisip siya, “Oh my God! May ginagawa ka ba bago ako pumasok? Ate? Anong ginagawa mo? Nag-aano ka ba?” “Nag-aano?” “Nagsasarili!” she grimaced, “Yuck, Ate! Ano na lang ang sasabihin ng admirers mo kapag nalaman nilang nagsasarili —” Hindi na niya natapos ang sasabihin niya nang batuhin ko siya ng unan sa mukha. “Get out of my room! Now!” malakas kong sigaw sa sobrang pagkainis. “Teka. Hihiram muna ako ng —” Muli ko siyang binato ng unan kaya muli niyang hindi natuloy ang sasabihin. “Labas!” Nang mukhang wala pa siyang balak lumabas, bumaba ako sa kama at patakbong lumapit sa kanya saka ko siya tinulak palabas ng kwarto ko. “Ang sama mo! Manghihiram lang naman ako ng notes, ‘e! Kita mo! Ipagkakalat ko talagang nagsasa —” Naputol ang salita niya nang pabagsak kong isinara ang pinto. Naisandal ko ang sarili ko rito at napapikit nang mariin. Damn, Sabrina. Hindi ko alam kung saan niya natutunan ang bagay na iyon at hindi ko naisip na bakit iyon ang unang naisip niya. At — Napasinghap ako at kaagad kong naimulat ang mata ko nang may napagtanto ako. Oh my God! Si Khalid! Narinig niya ba iyon? Mabilis akong tumakbo papalapit sa kama ko at kinuha ang cellphone ko. Parang gusto ko na lang hilingin na kainin ako ng lupa nang makita kong nasa kabilang linya pa rin siya. At malamang sa malamang. Narinig niya ang sigawan namin ni Sabrina. Lalo na ng sinabi ng kapatid ko. Oh my God! Nanginginig ang kamay kong ibinalik ang cellphone sa tainga ko. Napapikit ako nang mariin at gusto ko na lang bumukas ang lupa at kainin na lang ako nang marinig ko ang halakhak niya sa kabilang linya. Sa halip na magsalita at dala na rin nang sobrang kahihiyan, pinatay ko ang tawag nang hindi nagpapaalam. Ibinagsak ko ang sarili ko sa kama at naiinis na sinabunutan ang sarili ko. Napatigil lang ako nang biglang tumunog ang message tone ng cellphone ko. Hinawakan ko iyon at tiningnan kung kaninong text ang dumating. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko nang makita kong sa kanya galing ang message na dumating. Nagdadalawang isip man, binasa ko pa rin iyon. Khalid: That was epic, Raiah. Hahahaha! I already like your sister. Naiinis akong nagtipa ng ire-reply sa kanya. Kahit mas lamang ang pagkapahiya ko. Ako: Tss! Magsama kayong dalawa! Matapos kong i-send iyon sa kanya, sinubsob ko ang mukha ko sa unan at paulit-ulit na pinagmumura ang kapatid ko sa isipan ko. Ilang sandali lang, narinig ko ang pagtunog ng message tone ko. Pero hindi ko na binasa ang mensaheng dumating dahil alam ko na naman kung kanino nanggaling iyon. Bahala siya! Kinabukasan nun, nagdadalawang isip ako kung papasok ba ako sa school o hindi. Hindi ko kasi makalimutan ang kahihiyang nangyari kagabi. Hindi ko alam kung may mukha pa akong maihaharap kay Khalid matapos nun. Kaso, nagdadalawang isip man, nagdesisyon pa rin akong pumasok. Bukod sa ayaw ni Dad na mag-absent kami nang walang dahilan, ay baka tanungin nang tanungin pa niya ako. Dahil din sa nangyari, hindi rin nakaligtas sa talim ng titig ang kapatid ko nang madatnan ko siyang nag-aalmusal kasama ang mga magulang namin. Tinaasan niya lang ako ng kilay. Pagdating ko sa school at nang makapasok ako sa classroom namin, isinubsob ko ang mukha ko sa armchair ng upuan ko. Umiisip ako ng paraan kung paano ko maiiwasan si Khalid kahit napakaimposible namang mangyari iyon, dahil bukod sa magkaklase kami, magkatabi pa kami sa upuan. Kasalanan talaga ‘to ng epal kong kapatid. Ilang minuto bago mag-umpisa ang klase, gaya nang madalas, dumating at nakita ko ang pagpasok ni Khalid sa room. Agad nakadirekta saakin ang mga mata niya at pangisi-ngisi pa kaya kaagad kong iniwas ang tingin sa kanya. Hanggang sa maramdaman ko na lang ang pag-upo niya sa tabi ko. “Good morning, Miss feeling maganda.” bati niya, ramdam ko ang ngisi niya kahit hindi ko siya tingnan. Hindi ko siya pinansin kaya narinig ko na lang ang pagtawa niya nang marahan. Hanggang sa maramdaman ko ang mainit niyang hininga sa tainga ko nang ilapit niya ang bibig niya rito. “Ang tagal kong nakatulog kagabi, alam mo ba? Hindi ko pa rin ma-imagine ang mukha mo —” “I’m not doing that!” putol ko sa sasabihin niya sabay baling sa kanya. Medyo napataas ang boses ko kaya alam kong nakuha ko ang atensyon ng mga kaklase ko, pero hindi ko muna sila pinagtuunan ng pansin. Nanatili akong nakasimangot na nakatingin kay Khalid na hindi man lang nagulat sa pagtaas ng boses ko. Nanatili siyang nakangisi, at taas kilay na nakatingin saakin. “Kung ano man ang narinig mong sinabi ng kapatid ko, hindi ko ginagawa iyon! Hindi ko ginagawa iyon!” Natatawa siyang itinaas ang magkabilang kamay niya na parang sumusuko, “Wow! Relax. I didn’t say anything.” Mas lalo ko lang siyang sinimangutan sa sinabi niya, at lalo na sa ngiti niya. Kahit ang guwapo niya sa ngiti niya, naiinis pa rin ako sa kanya dahil mapang-asar ang ngiti niya. “As I was saying.. hindi ko ma-imagine ang mukha mong namumula habang nakikipagsigawan ka sa kapatid mo kagabi.” Hindi ko alam. Pero namumuro na yata ako sa pagkapahiya ko sa kanya. Ramdam na ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko matapos ng sinabi niya. He smirked, “Bakit, moya lyubov'? Ano bang nasa isip mo?” Hindi na ako sumagot at iniwas ko na lang ang tingin ko sa kanya. Naramdaman ko na lang ang halakhak niya sa tainga ko. Mayamaya, bumulong siya. “Damn, Raiah. Mas lalo kang gumaganda kapag namumula ang pisngi mo. Lalo na kapag ako ang dahilan nang pamumula niyan.” Awtomatikong nawala ang isip ko sa pagkapahiya ko dahil sa sinabi niya. Lalong gumaganda? He finds me beautiful? I thought... Nang balingan ko siya, kinindatan niya lang akong ikinalunok ko at lalong nagpalakas ng t***k ng puso ko. Damn. Pakiramdam ko nag-slowmo ang pagkindat na ginawa niya saakin at na-i-imangine kong may mga maliliit na heart na kumikinang na nakapalibot sa ulo niya habang ginagawa niya iyon. Hindi nagtagal, dumating na rin ang teacher namin. Pero, hindi tumigil si Khalid sa pangungulit saakin. Habang nagsasalita kasi ang teacher sa harapan, ang buhok ko naman ang pinagdisketahan niya. Habang nagle-lecture kami, nilaro-laro niya ito. Minsan, dinadala pa niya sa ilong niya para amoy-amuyin. Hindi ko alam kung matatawa o mahihiya ako, ‘e. Para talaga siyang ewan. Mabuti na nga lang at mabango ang conditioner na gamit ko. “Khalid, stop it.” saway ko sa kanya nang ilapit na naman niya ang ilang hibla ng buhok ko sa ilong niya para amuyin ito. Taas kilay at inosente niya lang akong binalingan, “Why?” Kinuha ko ang ilang hibla ng buhok kong hawak at nasa ilong niya. “Tigilan mo nga ang buhok ko.” Hindi niya pinansin ang sinabi ko. Muli siyang kumuha ng ilang hibla ng buhok ko at dinala sa ilong niya. “Bakit ba? Ang bango, ‘e,” he said and sniffed my hair, “Tell your secrets. Ano bang shampoo ang gamit mo? Bibili rin ako.” Inikutan ko siya ng mata at nailing-iling na lang na ibinalik ang mata sa sinusulat ko. Narinig ko na lang ang pagtawa niya nang mahina, pero hindi ko na siya binalingan pa. Pinagpatuloy ko na lang ang pagsusulat. Samantala si Khalid, patuloy sa paglaro at pag-amoy sa buhok ko. Hinayaan ko na lang siya at hindi ko na siya sinuway pa. Ilang minuto bago magtapos ang klase, hininto ni Mrs. Quiambao na siya ring adviser ng section namin ang klase dahil may announcement siya para sa paparating na pageant dito sa school. Taon-taon naman kasi nagkakaruon ng pageant para sa Mr. and Miss Northville. At pinagbobotohan nila kung sino ang magiging representative para sa section namin. “Kailangan pa bang pagbotohan ‘yan?” sabi ni Mila, kaklase ko, “Eh kung si Raiah na kaya?” Nanigas ako sa suhistyon niya. Lalo na nang sumang-ayon din ang iba ko pang kaklase. Maging ang tatlo kong kaibigan, sumang-ayon din. “Oo nga, Raiah! Ilang taon mo na ring hinihindian ‘yan, ‘e. Eh panigurado naman at walang duda, mananalo ka ruon, ‘e!” “Oo nga! Kita mo? Ganda mo palang, panalo na!” Sumang-ayon pa ang iba kong kaklase. Hindi pa rin ako makapagsalita. Gulat pa rin ako kahit hindi ito ang unang beses na pinagbotohan akong representative ng section namin. Natigil lang ang mga kaklase ko sa pag-iingay nang patahimikin sila ng adviser namin saka ito tumingin saakin. “Miss Velasquez, are you willing to be the representative of our section at the pageant?” she asked me. Napalunok ako lalo na’t nasa akin ang buong atensyon ng klase. “Uhm,” tumigil muna ako bago lumunok, “Ma’am —” “No.” Gulat akong napabaling kay Khalid nang siya ang sumagot. Nakita ko siyang seryosong nakatingin sa teacher naming nasa harapan. “She can’t join at that pageant, Ma’am.” he added, still serious. “And why not, Mister Villarreal?” “I just know her dad won’t let her join at that pageant because her dad is strict.” Hindi ako kapaniwalang nakatingin sa kanya. Papaano niyang nalamang istrikto ang daddy ko? Does he know my dad? At isa pa, tama siya. Hinding-hindi papayag ang dad ko na sumali ako sa mga ganung patimpalak. Kung quiz bee pa iyon, papayag pa siya. ‘Yon ang dahilan kung bakit tinatanggihan ko bawat taon tuwing ginagawa akong representative ng section namin, dahil alam kong hindi papayag si Daddy. “Hoy, Kulugo!” I heard Yolan’s voice. Pero nanatili ang tingin ko sa mukha ni Khalid, “Tumigil ka. Alam mo? Ang epal mo. Anong karapatang mong pagbawalan si Raiah na sumali sa pageant? Boyfriend ka ba niya, ha? Porke naging rumored boyfriend ka niya, pagbabawalan mo na siya?” Nakita ko ang pag-igting ng panga ni Khalid matapos ng sinabi ni Yolan. “Hindi ikaw ang mapapagalitan.” he said. “Hindi ka rin sure kung mapapagalitan siya, kaya huwag kang umepal!” Muling umigting ang panga ni Khalid, pero hindi na siya nagsalita pa kahit madilim ang tingin niya. Naubos ang oras sa pagpupumilit saakin ng mga kaklase kong maging representative ng section namin sa pageant. Wala akong maisagot sa kanila. Bukod sa hindi ko alam ang isasagot ko, ang isip ko ay nasa taong nakaupo sa tabi kong nanahimik na matapos nitong makipagsagutan sa kaibigan ko. “I’ll wait on your decision. Think about it, Miss Velasquez.” Iyon ‘yung sinabi ng adviser namin bago lumabas ng room. Napabaling lang ako sa katabi ko nang bigla itong tumayo at bigla na lang lumakad palabas ng room nang hindi nagpapaalam. Wala akong nagawa kundi ang sundan siya ng tingin. Saan naman kaya pupunta? At bakit bigla na namang nagbago ang mood niya? Nawala lang ang atensyon ko sa kanya nang biglang sumulpot sa harapan ko ang mga kaibigan ko, ganun din ang iba ko pang mga kaklase para kumbinsihin akong sumali sa pageant. Pero tulad kanina, wala akong naisagot sa kanila kundi, “Titingnan ko.” Palihim akong nagpapasalamat nang tigilan din nila ako sa pangungulit matapos iyon. At dahil duon, muling pumasok sa isipan ko si Khalid. Inisip ko pa rin kung ba’t bigla siyang umalis at kung bakit biglang nagbago ang mood niya. Hanggang makauwi ako sa bahay at sumapit lang ang gabi, siya pa rin ang iniisip ko. Lalo na’t matapos niyang mag-walkout kanina sa school, hindi na siya bumalik. Absent siya sa mga sumunod na klase at maging sa panghapong klase, hindi na siya pumasok. Bumuntong-hininga ako at ni-open ko na lang ang messenger ko. Tiningnan ko ang active list ko. Napalunok ako nang makita kong online siya. Muli akong humugot ng hininga at pinindot ang profile niya. I typed a message. ‘Hey...’ Kaso na-realize kong weird kaya, ni-erase ko na lang at nag-isip nang panibago. ‘Bakit hindi ka pumasok kanina? Umuwi ka ba? Nagkaruon ka ba ng problema?’ Muli kong ni-erase iyon nang na-realize kong mas lalo yatang weird. Nag-isip ako ng panibago. Hanggang sa namalayan ko na lang ang sarili kong nagtitipa, tapos erase, nagtitipa, tapos erase, tipa, erase, tipa, erase. Paulit-ulit. Halos trenta minutos na akong ganun, pero wala pa rin akong naise-send sa kanyang message. Muli kong in-erase ang panibago kong ni-type. Matapos iyon, puno nang prustrasyong kong naisubsob ang mukha ko sa study table ko. “Anong gagawin ko? Ano bang sasabihin ko?” puno nang prustrasyong kong tanong sa sarili ko. Napatigil lang ako nang bigla kong marinig ang messenger tone ko. Agad akong nag-angat ng mukha para tingnan kung sino ang nag-chat. Napaayos ako ng upo nang makita kong galing sa kanya ang chat. I tapped the icon and read his message. Khalid Evan Villarreal: May sasabihin ka? Bahagyang napakunot ang noo ko sa sinabi niya at kung bakit iyon ang bungad niya saakin. Para saakin ba talaga iyon o baka naman wrong send siya? Bobo ka ba, Raiah? Paano naman siya maro-wrong send, ‘e, messenger iyan? Pero bakit kasi iyon ang bungad niyang chat? Mayamaya, muling may dumating na chat mula sa kanya. Khalid Evan Villarreal: You’ve been typing for almost thirty minutes. At hindi lang iyon, nag-send din siya ng ebidensiya. Screen record ng messenger ko kung saan kita ‘yung tatlong dots na parang umalon-alon! Khalid Evan Villarreal: Mukhang mahaba ang sasabihin mo. What is it? Napapikit ako nang mariin. Damn. Kailan ba ako mauubusan ng pagkapahiya sa kanya? Bumuntong-hininga ako saka nagmulat muli at napilitang magtipa ng mensahe. Saraiah Aquirra Velasquez: Wala naman. Khalid Evan Villarreal: Ganun? Pwes, ako meron. Kumunot ang noo ko sa chat niya. Saraiah Aquirra Velasquez: Ano ‘yon? Khalid Evan Villarreal: Don’t join the pageant. Hindi ako nakapag-reply kaagad. Nagtataka talaga kasi ako kung bakit sa lahat ng kaklase ko, siya lang ang tutol sa pagsali ko sa pageant. Bukod sa alam niyang hindi papayag si Daddy sa pagsali ko ruon. Isa pa iyon sa iniisip ko. How did he know that my father is strict? Ipinilig ko ang ulo ko mayamaya saka humugot nang malalim na hininga at nagtipa ng mensahe. Saraiah Aquirra Velasquez: Why? Khalid Evan Villarreal: Just don’t. Saraiah Aquirra Velasquez: I won’t. And don’t worry, I have no plans. Khalid Evan Villarreal: Good.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD