“Sige na po, Tito. Please po..”
“Oo nga po, Tito Samuel. Pumayag ka na po.”
“Ito na po ang last chance ni Raiah na makasali sa pageant kasi next year hindi na puwede kasi last year na rin namin sa Senior high.”
Nailing-iling na lang ako habang pinapanood ko ang tatlo kong kaibigang pinipilit si Daddy na sumali ako sa pageant.
Weekend, at nagulat na lang ako nang sumulpot sila rito sa bahay. Wala naman kasi silang sinabi. Akala ko kung anong gagawin nila, pero iyon pala ay para makiusap sa ama ko tungkol sa pageant.
Huminga nang malalim si Daddy at ibinaba ang newspaper na hawak niya para tingnan ang mga kaibigan kong halos mag-puppy eyes na sa kanya.
Ngayon palang gusto ko nang humingi ng pasensiya sa kanila. Dahil alam ko, kahit anong gawin at sasabihin nila, hindi nila mapapayag ang ama ko.
“It will affect her studies so sorry, girls, I still haven’t changed my mind. My daughter, Raiah, won’t join that pageant.”
“No, Tito!” si Louise, “Hindi po iyon makakaapekto sa pag-aaral niya. Promise po. Mamatay man itong nasa kanan ko.”
Nakasimangot siyang siniko ni Yolan dahil siya ang nasa kanan ni Louise, pero nakangiti rin namang muling bumaling sa ama kong seryoso pa rin ang tingin sa kanila.
“Tito, tama po si Louise. Hindi po iyon makakaapekto sa pag-aaral. Tuwing vacant at weekend naman po ang practice ng candidates. At saka, ayaw niyo po iyon? Dagdag points pa po iyon kay Raiah.”
Tinanggal ni Daddy ang salamin niya sa mata at kunot noong tumingin kay Yolan. Para siyang naging interesado bigla sa sinabi nito.
“Dagdag points?”
Si Mildred ‘yung sumagot, “Lahat po ng sasali sa pageant, bibigyan ng dagdag points sa bawat subjects namin. Minsan nga po, exempted pa po sa exam, ‘e!”
Napahawak si Daddy sa baba niya at malalim na nag-isip.
Napailing-iling na lang ako ulit at itinuon ko na lang ang atensyon ko sa cake na nasa harapan ko. Hanggang sa marinig ko na lang mayamaya ang marahas ng pagbuga ng hininga ng ama ko.
“Fine. Papayag na ako.”
Gulat akong napaangat ng tingin ulit sa aking ama.
“Papayag na akong maging representative ng section niyo ang anak ko.”
“Yes!”
Tuwang-tuwa ang mga kaibigan ko sa pagpayag ni Daddy. Samantala ako, hindi pa rin kapaniwalang nakatingin sa ama kong nailing-iling na lang na tinitingnan ang mga kaibigan kong nagsasaya.
Mayamaya, napabaling ito saakin, “You can already join that pageant, Raiah. Just make sure that it won’t affect your studies.”
Matapos niyang sabihin iyon, tumayo siya at iniwan niya ako kasama ang mga kaibigan ko dito sa dining room. Ni hindi man lang niya hinintay ang reaksyon o sasabihin ko.
Bumalik lang ang diwa ko nang lumapit saakin ang mga kaibigan ko at yinugyog ang balikat ko habang tuwang-tuwa sila.
“Sa wakas, Raiah! Puwede ka nang sumali!”
“Oh my gosh! Bakit parang ako ‘yung nae-excite?”
“Siyempre! Excited tayo kasi kaibigan nating maganda ‘yung representative!”
“Oh my God! Oh my God! Kailangan nating magpagawa ng tarpaulin at banner!”
Patuloy sila sa pagsasaya. Samantala ako, hindi pa rin kapaniwalang nagawa nilang mapapayag ang ama ko!
Mayamaya, tumigil din sila sa pagsasaya nang mukhang napansin nila ang pananahimik ko.
“Anyare? Hindi ka ba masaya?” tanong ni Louise sabay hawi ng buhok ko.
“Ano ba ‘yan, Raiah. Dapat matuwa ka dahil mapi-flex mo na rin ang beauty mo! Mas lalong dadaming hahanga —”
“I won’t join that pageant.” putol ko sa sasabihin ni Yolan. Naiwang nakabukas ang bibig niya dahil sa salitang naputol ko.
Hindi kaagad sila nakapagsalita. Mukhang sila naman ang nagulat sa sinabi ko. Pero nang makabawi sila sa gulat, inilapit nila ang mga mukha nila sa mukha ko.
“Ano ka ba, Raiah!” pinilit kong huwag dumaing nang biglang hampansin ni Yolan ang braso ko, “Halos isang oras naming kinumbinsi ang daddy mo, tapos ikaw lang ang aayaw?”
“Oo nga!” pag-sang-ayon ni Mildred, “Kala mo ba ganun kadali kumbinsihin ang daddy mo? Ang hirap kaya!”
“They’re right, Raiah,” si Louise naman. Kinunutan niya ako ng noo kapagkuwan, “Pumayag na ang daddy mo. Wala nang problema. Kaya bakit bigla kang aayaw?”
Hindi ako nakasagot. Pumasok sa isip ko ang dahilan kung bakit kahit napapayag nila si daddy, ay ayaw ko pa ring sumali.
“Don’t join that pageant.”
Bumuntong-hininga ako at hindi na nagdesisyong sabihin sa kanila ang dahilan. Kapag sinabi ko kasi sa kanila, alam kong magtataka sila. At dadami lang ang tanong nila kung bakit sinunod ko ang sinabi ni Khalid.
Kung kanina, si Daddy ang kinukulit nila, ngayon ako naman ang kinulit nila nang kinulit. At dahil hindi nila ako mapapayag-payag, tinanong nila ako nang tinanong kung anong dahilan ko. Siyempre, hindi ko sinabi at wala akong balak sabihin iyon.
Kaso, pagsapit ng Lunes. Nang muling pinag-usapan ng klase ang tungkol sa pageant at nang muli akong tanungin ng adviser namin, sasabihin ko na sanang hindi ako sasali nang maunahan ako ng mga kaibigan ko.
“Sasali siya, Ma’am!”
“Oo nga, Ma’m!” pag-sang-ayon ni Yolan sa sinabi ni Mildred, “Alam niyo bang nahirapan pa kaming kumbinsihin ang daddy niya. Kaya pasalamat kayo saamin dahil nagawa naming mapapayag ang daddy niya!”
“Tumpak!” si Louise naman, “And nah, Raiah. Bawal ka nang tumanggi dahil naipalista ka na namin sa student council. Tadaah!”
Napasinghap ako nang may inilabas siyang papel. ‘Yung form para sa pageant!
Nagbunyi ang buong klase at tudo congrats at pasasalamat sila ruon sa tatlo. Samantala ako, parang gusto kong maiyak. Mayamaya, napabaling ako sa katabi kong sa lahat yata ng kaklase ko, siya lang ‘yung hindi masaya.
Ilang sandali, bumaling siya saakin. Agad akong umiling para ipakitang hindi ko gusto iyon lalo na’t kitang-kita sa ekspresyon ng mukha niya ang disgusto. Pero wala siyang sinabi at ibinalik niya ang tingin niya sa harapan.
At tulad nang nakaraan. Pagkatapos ng klase, bigla siyang lumabas ng classroom nang hindi man lang ako kinakausap.
Hindi rin siya bumalik sa classroom para um-attend ng klase. Kaya sa pag-iisip ko sa kanya, nagawa ko ang isa sa pinagbabawal na rule ng classroom.
Habang nagsasalita ang guro sa harapan, palihim kong inilabas ang cellphone ko para magtipa ng mensahe.
Ako:
Nasaan ka? Bakit hindi ka na naman pumasok?
Hindi siya nag-reply kaya muli akong nag-message sa kanya.
Ako:
About the pageant. Hindi ko gusto iyon. Noong weekend kasi, pumunta sila sa bahay para kumbinsihin ang dad ko. Hindi ko alam kung paano nila napapayag si dad. Pero sinabi ko naman sa kanilang hindi ako sasali. At hindi ko alam na pinalista na nila ang pangalan ko sa student council.
Habang nagkaklase, panay ang check ko sa cellphone ko kung may reply mula sa kanya. Pero natapos lang yata ang klase nang wala akong natanggap na reply sa kanya.
Kaya naman, matapos nang sunod-sunod na klase, wala akong ganang sumama sa mga kaibigan ko para mag-lunch.
Panay ang buntong-hininga ko habang nakapila kami sa cafeteria para bumili ng pagkain. Pero ang isip ko, lumilipad kay Khalid. Iniisip ko nasaan na naman siya nagpunta.
Nagtatampo na naman ba siya? Pero hindi ko naman ginusto iyon, ‘e.
“Anong sa’yo, Raiah?”
Napakurap lang ako nang marinig ko ang pamilyar na boses ng tindera. Bumuntong-hininga ako at tumingin sa pagkaing nasa harapan.
“Uhm. Ito —”
Naputol ang salita ko nang mahagip ng mata ko ang mukhang kakailanganin ko.
“Hindi ko alam. Pero mula noong bata ako, sa tuwing nagtatampo ako sa isang bagay, bibigyan lang ako ng apple, mawawala na ang tampo ko. Bati na kami ng pinagtatampuhan ko.”
Hindi ko alam, pero kusa na lang akong napangiti matapos kong maalala ang sinabi niya noong nakaraan. At sa halip na ituro ang kalderetang ituturo ko sana kanina, ‘yung apple ang tinuro ko.
“Ate, magkano po ito?” I asked the saleswoman.
“Isa, bente. Pero kapag tatlo ang binili mo, sengkuwenta.”
Napangiti ako sa sinabi ng tindera, “Sige po, Ate. Tatlo po ang bibilhin ko.”
Tumango naman siya at nakangiti siyang naglagay ng tatlong mansanas sa supot. Matapos kong bayaran iyon at magpasalamat, lumakad ako palabas ng cafeteria nang hindi nagpapaalam sa mga kaibigan ko. Pero, ‘di bale na. Mamaya ko na lang ipapaliwanag.
Dumiretso ako sa lugar kung saan ko siya posibleng matatagpuan. Ang burol. Iyon lang naman kasi ang isang lugar na naisip kong pagtambayan niya. Mukhang tulad ko, favorite spot niya rin iyon.
Nang makarating ako ruon, napangiti ako nang hindi nga ako nagkamali. Kaagad ko siyang nakita ruon sa may puno!
Hindi na ako nag-aksaya ng oras. Kaagad akong lumapit sa kinaruruonan niya. Nang makalapit ako sa kanya, tumayo ako sa harapan niya.
Kung ano kasi ang posisyon niya noong nakaraan nang sinuyo ko rin siya, ganun din ang posisyon niya. Nakaupo siya sa bermuda, nakasandal sa puno, nakapikit ang mga mata at nakahalukipkip.
Tumikhim ako para kunin ang atensyon niya. Kaagad naman siyang nagmulat nang marinig niya ang tikhim ko.
“Hi.” bati ko nang magtagpo ang mga mata namin.
Pero napanguso ako nang muli niyang ipikit ang mga mata niya nang hindi man lang ako binabati pabalik. Suplado!
Bumuntong-hininga ako saka umupo sa tabi niya.
“Galit ka ba?” tanong ko.
Hindi pa rin siya sumagot o nagmulat man lang.
I sighed again, “Look. About the pageant. Like I said, hindi ko naman ginusto iyon, ‘e. Ang mga kaibigan ko ang may gusto nun.”
Hindi pa rin siya nagsalita. Suplado talaga ang guwapong tampururot na ‘to!
“Khalid.. oy. Bati na tayo, please? Promise, pupunta ako mamaya sa student council para bawiin ‘yung sinabi ng mga kaibigan ko.”
Sa wakas at nagmulat din siya ng mata. Pero suplado pa rin ang ekspresyon ng mukha niya kaya sa halip na sumuko, I gave him my sweetest and best smile.
“Bati na tayo, please?”
Kaso mukhang hindi umepekto ang ngiti ko sa kanya. He just groaned and looked away. Kaya naman, inilabas ko ang mukhang magiging lagi ko nang alas tuwing nagtatampo siya nang ganito.
“Bati na tayo, please..” sabi ko sabay lahad ng tatlong mansanas sa harap ng mukha niya.
“Dammit!”
Napasinghap ako sa gulat nang bigla na lang niya akong isandal sa puno. Napakurap ako nang ma-realize kong ang lapit ng mukha niya sa mukha ko. Ramdam na ramdam ko rin at halos marinig ko na ang t***k ng puso ko sa lakas ng kabog nito.
I gulped, hard, “K-Khalid..”
Hindi siya nagsalita. Nakatitig lang din siya sa mukha ko. Mayamaya, napalunok ako nang makita ko kung paano bumaba ang mga mata niya sa labi ko saka niya muling ibinalik ang mga mata niya sa mata ko.
“Stop using that strategy on me. Because I don’t know what can I do to you if you don’t stop.”
Magsasalita pa sana ako nang bigla niyang ilagay ang palad niya sa bibig ko. Napalunok na lang ako sa sunod niyang ginawa.
Hinalikan niya ang likod ng palad niyang nakatakip sa labi ko. Kahit may palad na nakaharang sa labi ko, pakiramdam ko nahalikan na niya rin ako.
Hindi ko alam kung ilang segundong kaming nasa ganuong posisyon. Matapos iyon, inilayo na rin niya ang mukha niya sa mukha ko. Maging ang palad niyang nasa labi ko, inalis na rin niya saka siya umupo nang maayos. Samantala, nanatili pa rin akong tulala sa ginawa niya.
Napakurap lang ako nang bigla niyang kinuha ang supot na hawak ko kaya napabaling ako sa kanya.
Nakita kong nakangiti siyang kumuha ng isang mansanas saka siya kumagat at nakangiting bumaling saakin.
“Ang tamis. Ang sarap.”
Napalunok ako sa sinabi niya.
“Alam mo bang mas masarap at matamis ito kapag i-d-in-ip mo sa yogurt?” he said and chuckled.
Kung kanina, ang suplado at ang sungit ng mukha niya, ngayon ang aliwalas niya. Kaya mukhang naniwala na akong ang apple nga ang nakakapagpawala ng tampo, inis at galit niya. At saka, bakit parang ako lang ang hindi maka-move on sa ginawa niya kanina?
I just blinked twice when he snapped his fingers on my face.
“Are you okay?” he asked.
Kumurap ulit ako saka tumango. Bumuntong-hininga ako at pilit na kinalimutan ang nangyari.
Tumango, “Oo,” then I smiled, “Bati na tayo? Hindi ka na galit?”
Nailing-iling siyang nangingiti, “Matitiis ba kita? Kung binigyan mo ako nang kahinaan ko.”
Nagulat ako nang bigla niyang ihilamos ang palad niya sa mukha ko kaya napasimangot ako sa ginawa niya. Tinawanan lang niya ang reaksyon ko habang patuloy na ngumunguya ng apple.
Bumuntong-hininga ako at isinandal ko ang sarili ko sa puno, ganun din siya.
“Bakit hindi ka pumasok kanina?”
He shrugged cooly, “Nakakaantok, ‘e. Gusto kong matulog.”
Napabaling ako sa kanya, “Bakit ba ang antukin mo? Anong ginagawa mo kapag gabi?”
He smiled, na para bang may naalala siya, “Iniisip ko ‘yung taong gusto ko tuwing gabi kaya ang hirap matulog.”
Hindi agad ako nakasagot sa sinabi niya.
Taong gusto? May nagugustuhan siya?
Bigla yata akong nawalan ng gana sa nalaman ko. Ang suwerte naman ng taong iyon. Gusto siya ng taong gusto ko. Maganda kaya siya? Mas maganda saakin?
“M-maganda siya?” I couldn’t help but asked.
Bumaling siya saakin at ilang sandali pa bago nagsalita, “Sobra.”
Naiwas ko ang tingin ko sa kanya dahil ayaw kong makita ang ekspresyon ng mukha ko. Nakakaselos naman kahit alam kong wala akong karapatang maramdaman iyon.
Lumunok ako para mawala ang bukol na nakabara sa lalamunan ko bago nagsalita.
“Nililigawan mo?” tanong ko ulit, hindi pa rin makatingin sa kanya.
“Hindi,” then he chuckled, “Strict ang parents, ‘e.”
Pinigilan ko ang sarili kong mapabaling sa kanya kahit medyo nagulat ako sa sinabi niya.
Strict ang parents? Parang saakin lang? Tulad ko?
“Gusto ka rin ba niya?” I asked again.
“I think, yes. I can feel it,” he said and chuckled, “Pero sana hindi lang ako nag-a-assume.”
Napanguso ako. Ang suwerte naman talaga ng babaeng iyon.
“Kung gusto ka niya. Bakit hindi mo subukang ligawan?”
Hindi ko rin alam kung bakit hindi ako matigil sa pagtanong kahit ang bigat sa dibdib na malamang may nagugustuhan na siya.
“I don’t want her to disobey her parents. At saka bata pa naman kami. I can wait.”
“Kailan mo siya liligawan?” nakagat ko ang ibabang labi ko dahil sa hindi ko mapigilang pagtanong.
“Kapag sigurado na akong pareho kami ng nararamdaman. And when she is at the right age already. Kapag eighteen na siya, I think?”
Halos dumugo na ang labi ko sa sobrang diin nang pagkakagat ko nito. Hindi na rin ako nakapagsalita ulit dahil baka manginig ang boses ko. Naramdaman ko na lang ang kamay niya sa ulo ko.
“Hey..”
Hindi ako nag-angat ng tingin sa kanya.
“Bakit natahimik ka? Tumingin ka nga saakin. Show me your face, come on.”
Dahil pa rin ako nag-angat ng tingin sa kanya, hinawakan niya ang baba ko at siya na mismo ang nag-angat ng mukha ko at hinarap sa kanya.
Tinitigan niya ang mukha ko. Parang sinusuri, “What are you thinking?”
Ngumiti ako nang tipid. Mabuti na nga lang at naitago ko ang pagkabigong nararamdaman ko.
“I was just thinking. Ang suwerte ng babaeng nagugustuhan mo.” I said.
He chuckled, “Do you think so?”
Tumango ako, may tipid pa ring ngiti sa mga labi. Tumawa ulit siya nang marahan saka binitawan ang baba ko.
“Hindi ba ako ‘yung masuwerte kasi gusto niya rin ako.. siguro?”
Hindi na ako sumagot. Pinigilan kong maging malungkot ang mukha ko.
Eh ‘di ikaw na ang masuwerte!
Dahil baka hindi ko na kayang pigilan pa ang emosyon ko, bumuntong-hininga ako saka tumayo na kaya napatingala siya saakin.
Tipid ko ulit siyang nginitian, “I have to go.”
Bumuntong-hininga ako saka siya tinalikuran. Lalakad na sana ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko kaya nagpabaling ako sa kanya.
“B-bakit?”
Ilang sandali pa bago siya ngumiti at nagsalita, “Sumali ka.”
Bahagyang kumunot ang noo ko dahil hindi ko maunawaan ang sinabi niya.
“Hindi na kita pagbabawalan sumali sa pageant. Sa isang kondisyon,” he paused and smirked, “Huwag mong galingan at huwag kang masyadong maging maganda sa araw na iyon.”