02.-BE MY BESTFRIEND-

1716 Words
[JANDI's POINT OF VIEW] Nang magising ako nang maaga napansin ko si lolo na nakahiga parin nakakapagtaka nga samantala siya palagi yung nauuna saming dalawa na tumayo sa pagkakahiga kaya naman nilapitan ko si lolo at tinanong dahil pansin ko rin na mukhang hindi maganda yung pakiramdam niya. At yon nga sinabi niya na hindi daw mabuti yung pakiramdam niya at inuubo pa siya kaya naman naisipan kung bumili ng gamot para may mainom siya. Habang naglalakad papunta ng bilihan bigla nalang akung may nakasalubong na tatlong lalaki na mukhang papalapit din sakin dahil sa mga titig nila at bukod don mukhang pamilyar ang mga to sakin. "Hi Jandi." Bati ng isang lalaki na pumapagitna sa kanila. "Hello." Bati ko rin at patuloy sa paglalakad papalayo sa kanila. "Teka lang," Sabay hawak sa kamay ko ng lalaking naka gitna "Hindi mo na ba kami natatandaan?" Titig sakin nong lalaking nasa gitna. Sana lang kaya ko silang kalimutan pero hindi huhu. Tanda ko pa ako yung bumutas ng bola nila pagkatapos nila ako matamaan non at pinagtawanan. Sobrang nainis lang talaga ako feeling ko kasi nilalait nila ako non eh. "Ahh... pasensiya na hindi ko kayo kilala." Sabay piglas ko sa pagkakahawak niya sakin. "Ang bilis mo namang makalimot samin." "Haist, pwede ba! kasalanan niyo rin naman yon, kung hindi niyo ako tinamaan at pinagtawanan hindi yon mangyayari." "Ahh kasalanan pa pala namin, kung ganon pano kami hihingi ng sorry? ahh?" Sabay kagat niya sa labi niya at kumo ng kamay. Dahil sa takot ko mabilis din naman akung tumakbo papalayo sa kanila. Hello! tatlo sila at puro pa lalaki pano ko naman yon kakayanin. Wala akung choice kundi ang tumakbo ng mabilis papalayo sa kanila. Mabilis din nila akung hinahabol nang makatakbo ako. "HOY! BUMALIK KA DITO! JANDIII!!" Hindi nila ako pwedeng maabutan dahil kung hindi patay ako. Katagalan ng pagtakbo ko nakakaramdam narin ako ng pagkahingal at pagod pero patuloy parin ako sa pagtakbo hanggang sa... May mabangga akung isang bata rin. Nagkauntog yung mga ulo namin sa isa't-isa at sabay na natumba. Mabilis din naman akung napahawak sa noo kung masakit na nauntog. "Aray" "Jandi?!" Tawag sakin ng nakabanggaan ko. "Zeon?" Gulat ko din ng makita siya. "Bakit ka tumatakbo?" "Ahh kasi..." "Wala ng takas ngayon." Sunod na rinig namin doon sa likod ko na nagsalita at wala ngang gulat dahil silang tatlo lang naman na hiningal din sa pagtakbo. Mabilis din naman akung napatayo at lumapit sa likod ni Zeon. "Sino sila?" Mabilis na tanong sakin ni Zeon. "Sila, sila yung may kasalanan sakin pero ako yung tumatakbo!" Sumbong ko kay Zeon. "Hoy! wag kang gumawa ng istorya, sinira mo yung bola namin kaya ikaw yung may kasalanan." "Hindi ko yon bubutasin kung hindi niyo ako tinamaan at pinagtawanan!" Sagot ko rin sa kanila. "O-okay, it's enough I apologized for what she did to you guys like you see this girl is really insane." "Anong sabi mo?" "No, I mean sorry, I am really really sorry." "Bakit ikaw yung mag so sorry eh siya yung may kasalanan." Akmang paglapit nong nasa gitnang lalaki. "We-wait! she will going to apologize but you guys also need to apologize to her since you also offense her feelings." "Wag ka ngang mag English hindi kami makaintindi!" Sigaw nong kasama niyang nasa gilid. "Magso sorry ka o magpapabugbug ka." Kumo niya sa kamay niya na naka ngisi habang unti unting lumalapit sakin. "Seriously? papatol kayo sa babae?" Sabay harang sa kanya ni Zeon. "Why not? hindi ba pag may kasalanan dapat pinaparusahan." Inis na pag sagot sa kanya ng batang lalaki. "Well, sa tingin ko hindi ito ma aayos." Pabulong na sabi sakin ni Zeon. "TAKBOO!!!" Sabay tulak niya doon sa lalaki at sunod na tumakbo. "HOY!" Rinig naming sigaw nila. At heto nga tumatakbo na naman ako pero sa pagkakataong ito ay kasama ko si Zeon. Habang patuloy na tumatakbo nararamdaman ko narin yung pagkapagod at alam ko na unti-unti narin akung bumabagal sa pagtakbo. Pero nagulat ako ng biglang hawakan ni Zeon ang kamay ko at isinabay sa pagtakbo niya. "Malapit na tayo." "San tayo pupunta?" Pagtataka kung tanong. "Sa white house." Mabilis kaming pumasok sa gate papasok ng pangpang at tumakbo ulit papunta na sa white house. Pansin ko rin naman na mukhang hindi na kami mahahabol ng mga yon kaya tumigil nadin kami sa pagtakbo at pilit na hinahabol ang mga paghinga namin. ***Breathing***** "Pumasok na tayo." Sabi niya sakin habang nasa harap na ng white house. "Hindi na," Sabi ko kay Zean "Mukhang hindi narin naman nila tayo hinahabol kailangan ko naring umalis at may bibilhin pa ako." Sabay paalam ko sa kanya pero sakto ng pagtalikod ko bigla niya nalang hinawakan ang kamay ko. "Are you insane? paano kung nasa labas lang sila nag aabang sayo sa tingin mo may kawala kapa pag mahawakan ka nila." Nagulat naman ako sa reaksyon niya parang siya pa yung sobrang nag aalala para sakin. "why won't you wait for atleast an hour before going out. Doon ka nalang muna sa loob ng white house namin maghintay." Hindi narin naman na ako pumalag pa kasi may punto din naman siya paano nga kung nasa labas pa yung mga yon at hinihintay lang ako makalabas kaya mas mabuti na mag stay muna ako kahit isang oras lang. Nang makapasok kami sa white house nila sobrang na amazed ako sa ganda at gara ng white house nato, puti nga lahat ang color and kakaunti lang din yung mga gamit na nasa loob, sobrang laki ng chandelier at hindi mo masukat yung lawak ng loob at sa laki ng hagdan. hirap e explain pero parang mansyon ang datingan nang white house nato. Habang naglalakad bigla kaming sinalubong ng isang babaye at tinawag si Zeon tinawag din naman siya ni Zeon na nanny. Nang tuluyan siyang makalapit doon ko lang bigla napamilyaran yung mukha niya. Siya yung babaeng sumalubong din kay Zean nong araw na nalunod ito. "Bakit ba basa kana naman." Sunggab niya dito matapos hawakan ang basang likod at damit. "Sorry na nanny hinabol kasi kami ng aso kaya napatakbo kami." Pag sisinungaling niya "Aso?" Patanong kung sagot sa kanya. "Ano ka bang bata ka, lagi ka nalang basa kapag umuuwi.At sino naman itong kasama mo?" "Hindi niyo po ba siya natatandaan? Siya po yung sinasabi ko sa inyo na kaibigan ko yung nakasama kung maligo ng dagat." "Ahh napakasinungaling talaga." Pabulong kung sabi sa sarili. " "Hello po ako po pala si Jandi" Pagbati ko rin nmn agad at pagpapakilala. "Hello Jandi masaya akung makilala ka, mabuti naman at may kaibigan na si Zeon dito" Kaibigan? totoo ba yung narinig ko? pinanindigan niya talaga yung salitang kaibigan ahh. "Nanny ready napo ba yung pagkain bigla akung nagutom ehh." Pag-iiba niya ng usapan mabilis ko naman siyang tinitigan sa mata at binalaan gamit ng panlilisik. "oh-uu halika kayo dito sa kusina para makakain kayo." Nang makapasok kami sa kusina mabilis na pinaghanda nong nanny niya yung mga pagkain para samin. "Seryuso ba to? Sobrang dami naman nito." Mabilis kung react sa dami ng pagkain. "Hindi niyo po kailangan maghanda ng gantong karami hindi naman namin to mauubos ehh at isa pa masasayang lang to pag hindi maubos." "You don't have to worry Jandi marami pa naman kaming stock ng pagkain madami pang pambili ang lolo ko." Sagot ni Zeon sakin. "Talaga ba? dahil lang sa maraming pera pa ang lolo mo ay okay lang na maghanda ka ng ganito karaming pagkain? kahit kunti lang naman kayong kakain? Hindi mo ba nakikita? ang daming naghihirap ngayon mga kagaya nating bata na nasa mga lansangan ngayon at namamalimos para lang may maipang kain sila. Kahit kami ng lolo ko araw-araw humuhuli ng isda dahil yon lang yung naiisip naming paraan para mabuhay at may maipang kain sa pang araw-araw ni ultimo isang momo ng kanin mahalaga samin yan dahil pagod at pawis ang sinasakripisyo ng lolo ko para saming dalawa." "Well, gusto ko lang naman iinvite sana kayo ng lolo mo na dito kumain sa white house kaya nagpaluto ako ng ganito karami." "Zeon kahit na, hindi naman namin ng lolo ko mauubos to." Bigla naman akung napatigil ng maalala ko ang lolo ko, may sakit nga pala siya ngayon. "Pasensiya na Zeon kailangan ko na palang umalis kailangan ko pang bumili ng gamot para sa lolo ko." Sabay tayo at kuha sa bag ko. "Wait! may sakit si lolo mo?" "Uu, at siguradong naghihintay na sakin yung lolo ko ngayon." Paalis na sana ako ng bigla niya akung tawagin ulit kaya naman napalingon muna ako sa kanya. "Nanny kindly get all our medicines and give it to Jandi." Utos niya doon sa nanny niya. "H-hindi na kailangan Zeon may pambili naman ako eh." Sagot ko kay Zean. "No! you don't have to buy and gaya nga ng sabi mo masasayang kung bibili ng marami tapos hindi naman magagamit agad." Sabay abot sakin ng mga gamot ng nanny ni Zean. "Ano ba sakit ng lolo mo ijha?" tanong sakin ng nanny niya. "May Lagnat po siya at inuubo din." "Ganon ba, o itong gamot yung ipainom mo sa lolo mo pakatapos mo siyang pakainin. Painumin mo siya nito every 4 hrs okay." "Okay po salamat." Paalis na sana ulit ako ng tawagin ulit ako ni Zean. "Magdala ka narin ng pagkain. Nanny bigyan niyo po siya." Tatanggi na sana ulit ako pero hindi ko na nagawa dahil pinapack niya agad yung pagkain sa isa pa niyang nanny at ibinigay sakin. "Salamat dito Zean, na appreciate ko lahat ng ito pero hindi ibig sabihin non ay okay lang na maghanda ka ng maraming pagkain na hindi mo naman kayang ubusin hindi parin yon tama." "Oo na! sanay lang talaga akung madaming pagkain sa hapag kainan." "Baguhin mo nayang nakasanayan mo, oh siya sige aalis narin ako." "Jandi!" Tawag niya na naman sakin. "Pwede naba kita maging Bestfriend?" Nagulat naman ako sa bigla niyang sinabi. "Bestfriend? agad-agad?" "Why not? you're the best person I know here." "Haist," Dahan-dahan naman akung lumapit sa kanya at tinapik yung balikat niya. "Zeon, yung salitang Bestfriend doon lang yon sa mga taong super close na sa isa't-isa hindi pa tayo ganon." "Super close nako sayo at sobrang kumportable. Please be my Bestfriend" END OF EPISODE 2.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD