Habol hiningang parang isang kabayo si Arianne matapos linisin ang lahat ng sulok ng Benz Casino.
Napasandal siya sa hallway ng kanilang locker. Ang bigat-bigat ng kaniyang magkabilang balikat, parang may nakasakay na kung ano.
Siguro dahil sa laki ng ginamit niyang mop, at vacuum cleaner. Pumasok siya sa loob nang magbukas na ang casino. Nagsimula na rin pumasok ang ilang mayayamang suki ng sugalan.
"Arianne!"
Inalis niya ang pagkakasandal sa pader nang lumapit si Kia na kamukha na kapareho ng kaniyang suot.
"Pagod ka na?"
Nakangiting inabot nito ang isang bote ng tubig. Magaan niya iyong tinanggap.
"Salamat."
"Nakakapagod din doon sa kusina. Ang sakit na ng binto ko kabalik-balik," reklamo nito na sumandal sa kinasasandalan niya.
"Nabanggit ni Boligs 'yong tungkol sa pag-utang mo kay Mamaw. Nasa labas na 'yong sekretarya niya, gusto mo bang makausap?" dagdag nito.
"Oo, sana."
"Sabay na tayo?"
Naka-abriysete si Kia sa kaniya habang naglalakad. Nagtungo sila sa smoking area. Naabutan niya ang ilang kasamahan doon.
Mga nag-aabot ng pera sa isang binababae.
"Hoy, sila Arianne naman!" singit ni Boligs na hinawi ang ilang kasamahan para paunahin sila. Nagkaroon tuloy sila ng daan palapit sa unahan.
"Sige, sige na. Lahat nang hindi nakabayad ngayon. Bahala kayo kay Mamaw, ha?" iritang sambit ni Keyks.
"Mame Keyks," malambing ang naging boses ni Boligs nang kausapin ito.
"O, ano 'yon?" angil nito.
"Ipakikilala ko sana sa iyo si Arianne."
Doon lamang nagtaas ng mukha ang binabae. Alangan ang ngiting gumuhit sa labi ni dalaga.
"O, ano'ng gagawin ko sa kaniya? Alam mo namang allergic ako sa mas maganda sa akin," nakangusong sambit nito kay Boligs.
"Ano ka ba? Wala nang mas aamo sa mukha mo, Mame Keyks," biro ni Boligs para utuiin ito. Bago siya lihim na siniglayan para magsabi na nang kailangan.
"Mame Keyks, hindi ba kilala mo na ako?" untag naman ni Kia sa pala-kaibigang boses.
Nakikinig lang si Arianne kung paano makipag-usap ang kasamahan sa sekretarya.
"Oo. Bakit, mangungutang ka?"
"Oo, sana. Magbabayad ako ng tutuition fee ko."
"Magkano?" tanong agad ni Mame Keyks na halos magpatalon sa saya kay Kia.
"20k."
Humahangang pinanood ni Arianne ang binabae na humugot ng pera sa bag. Mas lalong nagniningning ang mga mata niya nang makakita ang makapal na pera.
Nagsimula itong bilangin sa harap nila. Lahat sila ay parang mga asong tulo ang laway na nakatanghod sa binabaeng iyon.
"Two gives 'yan. Kapag pumalya may ide-deduct na isang libo, maliwanag?" tanong nito nang iaabot ang pera kay Kia.
"Yes, Mame Keyks! Thank you!"
Umalis na sa pila ang kasamahan. Napalunok si Arianne nang makaharap ang sekretarya raw ni Mamaw.
"O, ikaw? Ano? Makikipagtitigan ka na lang?" mataray na tanong nito sa kaniya.
"A, hindi. Mangungutang sana ako, Ma'am," nanginginig na tinig niya habang magkadaupan ang mga palad.
Ewan ba niya, sanay naman siyang mangutang dahil lagi siyang inuutusan ng ina noong bata pa.
Pero iba ngayon.
Siguro dahil may kalakihan ang uutangin niya.
"Ano'ng Ma'am? Mame Keyks ang itawag mo sa pretty na sekretarya ni Mamaw," singit ni Boligs na ngiting-ngiti tinitigan ang kinikilig na bakla.
"Mame Keyks," alangang ulit ni Arianne.
"Hoy, unang araw mo lang mangungutang ka na agad?" Nakatikwas ang isang kilay na tanong nito.
"Kailangan kasi, nasa hospital ang kapatid ko. Gusto ko sanang ilipat siya sa maganda at matutukan siya na hospital-"
"Hay, sige, sige na. Magkano?"
Lumaki ang mga mata niya kasabay nang paglawak ng ngiti sa labi. Lalo na't pinanonood ang pagbibilang nito ng pera.
"50k," lakas-loob niyang tugon.
Natigilan si Mame Keyks at pailalaim siyang tiningan.
"Pangako, magbabayad ako. Sa unang sahod ko, ibibigay ko agad."
"Dapat lang, dahil kakaiba magalit si Mamaw. Malaking pera ito, heto pirmahan mo."
Inabot sa kaniya ni Keyks ang isang papel na agad niyang binasa.
"Pirmahan mo lang," pagmamadali nito sa kaniya habang pilit na inilalagay sa kamay niya ang ballpen.
"Kapag pumalya ka nang bayad sa pangalawang beses. Si Mamaw mismo ang makahaharap mo."
Napalunok si Arianne. Bigla na lamang siya kinabahan dahil sa narinig.
"Hindi siya papalya, hindi naman delayed ang sahod dito," singit naman ni Boligs.
"Magbabayad ho ako," sigurado anang niya.
"Heto."
Bumaba ang tingin niya sa makakapal na tag-iisang libo sa harap niya. Iyon na yata ang pinakamagandang rumehistro sa mga mata niya.
Ngunit may takot iyong kalakip.
Paano kung hindi niya mabayaran ang pagkakautang na ito?
"Arianne, anong ginagawa mo?!"
Napatingin si Arianne sa ina na lumapit sa ambulansiya. Naroon sila sa labas ng hospital kahit madilim na. Nasa loob na ang hospital stretcher kung nasaan si Aaron. Dito agad ang diretso matapos ang shift sa casino.
"Sandali lang ho," aniya sa mga kasamang nurse pagkaraan bumaba at hinarap ang ina.
"Saan mo dadalhin ang kapatid mo?"
Halos lamunin siya ng mga malalakg mga mata nito. Pinipigilang din ng ina na sumigaw habang bakas sa hitsura na kaaahon lang mula sa pagbi-bingo.
"Ililipat ko ho si Aaron ng hospital-"
"At saan mo ilipat, aber? Sa ibang bansa?"
"Sa St. Rafael Children Hospital."
"At bakit pa?"
"Ano'ng bakit?" naiinis niyang ulit.
Sinulyapan muna ni Mercedes ang nakabukas na ambulansiya bago binalikan ng tingin si Arianne.
"Saan ka kukuha ng pera?"
"Huwag niyo nang intindihin 'yon-"
"Hay, hindi ka talaga nag-iisip na bata ka."
Hinawakan siya nito sa braso at inilayo sa sasakyan.
"Ano'ng pinagkaiba ng dalawang hospital na 'yon? Peperahan lamang tayo 'non?"
Inigkas niya ang pagkakahawak nito.
"Ano'ng gusto niyong gawin ko?"
"Iuuwi na lang natin si Aaron sa bahay."
Natigilan si Arianne at ilang minuto bago nakapagsalita.
"Nay, nababaliw na ba kayo?" naiiyak at may kalakasang niyang sambit.
"O, e, bakit? Kanser ang sakit ng kapatid mo? Tingin mo, gagaling pa 'yan-"
"Tumigil na kayo," matigas na awat niya at kahit ina niya na ito ay gigil pa rin niyang natitigan.
"Hindi kayo doktor lalong hindi kayo Diyos," tumutulong luhang dagdag niya na ramdam ang panginginig ng laman.
Natigilan naman si Mercedes.
"Dapat kayo nga ang unang nag-aasikaso kay Aaron. Kahit iyon na lang, Nay. Kahit ako na ang bahala sa pera."
"Pero nasaan kayo?"
"Nakikipaglaro ng bingo? Kaharap ang mga taong hindi tayo matulungan," umiiyak niyang reklamo.
"Pwede ba?"
Gulong-gulo ang buhok ni Mercedes matapos marahas na kamutin ang buhok.
"Hindi ka artista para mag-drama. Nagiging praktikal lang ako rito. Kung gagastos tayo nang malaking halaga at mawawala rin ang kapatid mo. Ano'ng saysay n'on? Pinayaman lang nating ang mga doktor na 'yon!"
Napailing na lamang si Arianne. Suko na siyang magpaliwanag sa ina ng gusto niyang ipunto dahil hindi naman nito maiintindihan.
"Huwag ninyo na lang ako pakialaman."
"Tutal, wala rin naman kayomg maitutulong. Tinuringan pa naman kayong ina ni Aaron pero heto kayo, humahatol sa buhay niya."
"Wala na akong magagawa sa inyo. Ang hiling ko lang, kahit sina Arci at Jacob na lang ang alagaan ninyo."
"Kahit iyon lang, Nay. Malaking tulong na para sa akin," pagkatapos no'n ay umakyat na siya at sumakay sa ambulansiya. Nang umabante ang ambulansya ay pinanood na lang niya ang ina sa labas.
Kung may sisiguraduhin man siya ay iyong mapapagamot niya ang kapatid.
Hindi siya magiging katulad ng ina na susukuan agad ang buhay nito.