Kabanata 3: Benz Casino

1018 Words
"Bwisit talaga," bulong ni Glenn, at halos madurog ang hawak na cellphone. Ilang beses na niyang sinubukang kontakin si Arianne pero bigo siya. Umaga na, at sigurado namang lumipas na ang init ng kanilang mga ulo. "Ba't hindi niya sinasagot?" tanong niya sa sarili. Umiiling si Arianne nang isilid sa suot na bag ang cellphone. Kasalukuyan siyang papasok sa casino kung saan nagtatrabaho ang kaibigang si Kia. Ilang beses niyang hinayaan lamang tumunog ang cellphone dahil ang pangalan ni Glenn ang rumerehsitro roon. At wala pa siya sa wisyo para sagutin ito. Kailangan niyang unahin ang trabahong kailangan niya at ng pamilya. "Arianne!" "Kia!" masaya, at patakbo siyang lumapit doon. "Kalalabas mo lang?" tanong ni Arianne, at saglit na sinilip ang casino sa likod nito. "Oo." "Naku, pauwi ka na ba?" nahihiya niyang usisa habang magkahawak ang kamay nila. "Oo pero binilin na kita sa kaibigan ko." "Talaga?" kahit alangan ay napangiti siya dahil sa magandang balita ng kaibigan. Luminga si Kia sa Casino, at may sinenyasan mula roon bago humarap kay Arianne. "Si Sir Kevin, assistant 'yan ng ni Mr. Danilo, 'yong Director of Operations dito sa Casino. May interview ka sa kaniya, at i-o-orient ka na rin," pagbibigay alam nito sa kaniya. Maluwag na ngiti ang gumuhit sa kaniyang labi dahil sa narinig. Naging mas mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ng kaibigan dahil sa malaking pabor na ito. "Salamat, Kia, ha?" "Sus, wala 'yon. Sino ba'ng magtutulungan? Kung 'di tayong mahihirap lang din," Nakangiti rin nitong pambabalewala sa bagay na nagawa para sa kaniya. Nanatili lang nakangiti si Arianne sa kaibigan. Mabuti pa rin sa kaniya ang Diyos. Hindi man siya biniyayaan ng kayamanan at pera. Wala namang katumbas na halaga ang mga taong nariyan para sa kaniya. "Sige na, pumasok ka na roon." "Galingan mo ang pagsagot. Magpabibo ka para magustuhan ka ni Sir." Muli niyang tinapunan nang tingin ang lalakeng nasa 'di-kalayuan. Hindi naman ito mukhang matanda. Sa tantiya niya nga ay ilang taon lang ang lamang nito sa edad niya. "Lambingin mo lang," bulong ni Kia kay Arianne. "H-ha?" tila natakot siya sa suhestiyon ng kaibigan. "Kalma lang, pa-sweet lang gano'n. Ipapasok ka niya'n," may kahulugan ang ngisi nito sa kaniya. Marahan siyang napalunok, tila may nararamdaman siyang kakaiba sa sinaad ni Kia. "Sige na, go!" "A, si-sige," ngiting alangang sagot ni Arianne. Tumingala siya sa malaki, at matayog na Benz Casino. May kalakasan ang t***k ng kaniyang puso habang nakatitig sa bold letters na signage ng casino. Saglit pa na sumilip si Arianne nang tumunog ang cellphone sa loob ng bag. Pinilig niya lamang ang ulo, at hinatak ang suot na blouse. Kailangan niyang maging pormal ang histura para maging maayos ang hitsura. "Ma-magandang umaga po, Sir." Sinipat siya nang tingin nito mula ulo hanggang paa. Tumindig siya nang diretso, at huminga nang malalim. "Umupo ka," Itinuro nito ang silya sa tapat ng isang lamesa kasalukuyan silang nasa loob ng opisina. "Sa-salamat," nahihiyang tumalima si Arianne. Ipinatong niya sa ibabaw ng lamesa ang envelope. "Resume ko po, Sir." Saglit lang siya nitong tinitigan pailalim bago kinuha ang inaabot niya, at binuksan. Masalsal na masalsal ang kaba sa dibdib niya habang pinapanood itong basahin ang kaniyang resume. "Sir, madali lang po akong matuto." "Kahit ano pong trabaho, kakayanin ko." "Ang sabi ni Kia may experience ka sa pagiging waitress," pormal na saad nito habang nakikipagtitigan sa kaniya. "Opo, sa bar po ako nagtatrabaho," alertong tugon niya habang hindi naalis ang pagkakangiti. Bumuga ito nang hangin bago isinandal ang likod sa upuan. Tinitigan siya nito na para bang lumalagos na sa kaniyang kaluluwa. Kung sa ibang pagkakataon na ganito siya nito tinitigan. Iisipin niyang binabastos na siya ng kaharap. "Okay, wala pa kaming vacant. Ang kailangan namin ngayon ay janitress." "Okay lang po sa akin. Kahit ano, kahit janitress, malaking tulong na po 'yon. Kailangan ko lang po talaga ng trabaho," tuwang-tuwang sambit ni Arianne, at halos mapaangat sa kinauupuan. Napaamang siya nang yumuko, inilagay nito ang dalawang braso sa lamesa at humarap sa kaniya. Sunod-sunod siyang napakurap, at bahayang umatras. "Hindi ka naman siguro maselan?" kakaiba, at may bahid na malisyang usisa nito habang malagkit ang tingin sa dalaga. Sinubukan ng dalagang lumunok dahil sa pagdapo ng ibang nerbyos. Rumehistro rin sa mga mata niya ang kilabot. "Hindi maarte?" dagdag pa nito nang mapansin ang naging reaksyon niya. "Kasi kung ngayon pa lang na hindi ka na makasagot. I guess, hindi mo kayang magtrabaho sa ganitong klaseng lugar-" "Kaya ko po!" mabilis na bawi ni Arianne. Mas naging makahulugan ang ngisi ng lalake habang hindi pa rin inaalis ang mga mata sa dalaga. Kahit gusto niyang lumabas, at putulin ang pakikipagtitigan dito ay hindi niya magawa. Baka isipin nitong mahina ang loob niya, at hindi handa sa mga puwedeng mangyari. Kung sa simpleng pakikipagsukatan lang ng tinginan ay hindi niya magawa. "Ikaw ba 'yong friend ni Kia?" Sinalubong, at sinabayan si Arianne ng isang lalake na hanggang balikat lang niya. "Oo. Arianne," Huminto siya sa paglalakad, at inilahad ang kamay. "Boligs," pagtanggap nito. "Tinanggap ka na ni Boss?" "Oo, magsisimula na ako mamayang gabi," aniya naman niya. Naglakad na si Boligs kaya sinabayan niya na rin ito. Hanggang sa makarating sila sa labas ng casino. "Kumain ka ng marami, at maghanda. Magdamagan kasi rito, hangga't hindi nauubos 'yong pera ng mayayaman. Hindi tayo matutulog," pabulong nitong pahayag. "Talaga?" Natatawang wika ni Arianne. "Oo, ang sabi janitress ka. May kahirapan 'yang trabaho mo." "Wala namang trabahong madali, 'di ba?" naging seryoso siya nang sabihin ito. Tumango-tango ito habang nakalagay ang mga kamay sa bulsa ng suot na lowest short. "Sige, Boligs. Mauna na ako," paalam niya, at tipid na ngumiti. "Sige, ingat ka. Kita-kits na lang mamaya!" Kinawayan muna ni Arianne si Boligs bago ito talikuran. Mukhang magiging magkaibigan sila no'n dahil maayos ang pakikitungo sa kaniya. Walang halong kahit ano, hindi katulad ng kaninang kausap niya sa opisina. May kakaiba sa assistant ng Director of Operations na 'yon! Kung paano tumingin, ngumiti at magsalita. Kung hindi niya lang talaga kailangan ng trabaho, hindi niya babalewalain ang asta ng lalakeng iyon sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD