Kabanata 12

2131 Words
Rinig ko sa kaniyang boses ang pagkariin at galit nang sabihin niya ang mga salitang iyon. "How dare she—ugh!" he shouted. Pinunasan ko ang mga luha sa aking mata at doon ko na nasilayan ang mga nag-aalab niyang mga mata dahil sa galit. "Tandaan mo, Glarei... kahit na sino ay walang karapatan na sabihin iyon sa iyo! You're now part of Oxyea. You're different than before. Next time, don't ever let them pull you down in front of you or even in front of anybody," he said. Wala akong masabi na kahit ano dahil hindi ko inaasahan na kahit siya ay magagalit sa prinsesa. "Sa totoo lang ay kaya ko siya tanggalin sa puwesto niya bilang isang prinsesa. Hindi naman kasi siya parte ng imperial family. Isa lang siyang substitute princess at kahit kailan ay kaya siyang tanggalin sa puwesto ng kahit na sinong parte ng imperial family. Binigay lang ng crown princ—hari ang titulo ng prinsesa para sa kaniya dahil sa kontribusyon ng Ama niya sa paghahanap sa nawawalang prinsesa hanggang ngayon!" paliwanag pa nito. Napanganga naman ako dahil sa gulat sa aking nalaman. Wala pang kahit na sino ang nagsabi sa akin noon. "To those whoever bad mouth the imperial family shall be punish," he said angrily. Nanlaki naman ang aking mga mata at sunod-sunod na umiling. "Huwag! Ayaw ko na mawalan ng tiwala at koneksyon sa pagitan ng pamilya niyong dalawa," pagtutol ko. He smirked. "Huh?! Are you afraid that they will turn their back to imperial family in the future if I did that?" "Yes." "Well... seems like you still doesn't know our family yet... to what we can do and what our influences. Even though, they turn their back to us, do you think North-East royalty can defeat the whole kingdom? Turning back to imperial family is like you're asking for a war. Well, I'm always ready for it." He grinned. Halos matunaw ako dahil sa mga paliwanag niya. Hindi ko tuloy alam kung magandang desisyon ang pagsabi ko sa kaniya ng mga problema ko o hindi dahil baka nga magkaroon ng war. "I don't want a war, Kuya..." bulong ko. Napahagikgik naman ito. "Is that so? Don't worry, I can kill her silently if you want too." Mas lalong nanlamig ang batok ko dahil sa sinabi niya. How merciless?! "Yurian... stop. I don't want it." He laughed, so do I. His face became serious again. "But always remember that don't hesitate to kill someone if someone stabs you by their words." I smirked. "Noted. I will make sure to remember that." Kumindat pa siya sa akin na nagpaasim ng aking mga mukha kaya napuno na naman ng tawanan ang kuwarto ko. Nag-usap pa kami ng kaunti. Nagkamustuhan at pagkatapos noon ay pinatay na namin ang tawag sa isa't isa. "Hindi pa pala siya nakakakain ng tanghalian, hindi man lang niya sinabi sa akin kanina. E ‘di, sana pinatay ko na lang ang tawag para makakain siya," bulong ko. Napailing-iling na lang ako ngunit napahinto na lang ako nang maramdaman na kumalam ang aking sikmura. Napakamot na lang ako sa aking batok. "Kahit ako rin pala ay hindi pa nakain." Wala sa sariling natawa na lang ako. Bumangon ako sa aking kama at gumamit ng kapangyarihan ko upang hindi halata na galing ako sa iyak. Pagkatapos noon ay lumabas na ako ng kuwarto ko. Nagulat ako dahil hindi pa man ako nakakalayo sa may pinto ko ay agad na may nagsalita sa likuran ko. "Young lady?" tanong ni Liam. Humarap ako sa kaniya at nag-peace sign. "Hehe... hindi pala ako nakakain ng tanghalian," saad ko rito. Iling-iling na lang siyang natawa. "Kung ganoon ay ipag-uutos ko na gumawa sila ng iyong makakain." "Maraming salamat, Liam!" Dahil hindi pa handa ang pagkain ay nagpasiya muna akong pumunta sa third floor ng manor kung saan ay may secret passage na tanging kaming dalawa lang ni Yurian ang may alam. "Maaari niyo na akong iwan dito," saad ko sa mga servants na nakasunod sa akin pagdating namin sa hagdan ng third floor. "Masusunod po," saad nila. Nang makita na wala na silang lahat ay dahan-dahan akong naglakad at isa-isang tinignan ang mga picture painting at view painting na nandito. Sabi nila ay si Yurian daw ang lahat ng may gawa nito. Hindi na ako magtataka pa dahil noong pumasok ako sa kuwarto niya ay puro related sa art books at gamit pang painting ang nakita ko sa kaniyang kuwarto. Siguro para sa iba ay tinitignan ko ng maigi ang bawat larawan ngunit para sa akin ay binibilang ko lang ang mga ito. "Lima..." bilang ko. Ang palatandaan ay ang pang limang painting na kung saan ang dalawang ibon ay malayang lumilipad sa gitna ng paraiso. Pinakatitigan ko muna ang paligid bago dahan-dahan na itulak ang painting at doon na lumabas ang sikretong lagusan. Dahan-dahan akong pumasok at sinundan ang mga torch na may lamang apoy na si Yuri mismo ang naglagay. Nang malabas ko ang dulo ng lagusan ay roon bumungad sa akin ang gubat sa likod ng manor. Ibig sabihin ay nasa labas na ako ng manor pero sakop pa rin ng barrier itong gubat na ito kaya hindi ko na kailangan mag-alala. Hinanap ko ang aking paboritong puno at nang mahanap ay dali-dali akong umakyat at doon namahinga. Ito ang aking pampalipas oras... Bumuntong hininga ako. "Sa wakas, kumalma rin ang aking isipan," bulong ko. Kasabay ng mahinahon na hangin ay ang pagsayaw ng dahon ng mga puno, gayon na rin ang buhok ko. Napangiti na lang ako at napasandal sa aking tuhod. "Nami-miss ko na si Yulin..." bulong ko. Pinikit ko ang aking mga mata at inisip si Yulin. Sandali akong napangiti nang maramdaman na nag-iba ang ihip ng hangin. Pagmulat ko ng aking mata ay roon bumungad si Yulin na kay tamis ng ngiti sa akin. "Nagagalak akong makita ka ulit, Rei," masayang aniya. Mabilis akong tumakbo papunta sa kaniya at niyakap siya. "It feels so long that I didn't have this warmth hug of yours," he murmured. Mas lalo ko siyang niyakap dahil sa kaniyang sinabi. This happening right now was caused by our minds. Normal mage can call it as just 'illusion' but this isn't just illusion. Our mind and soul is connected that's why we can meet like this anywhere and anytime. But meeting in personal is more what we wanted because using too much mana like this is not advisable that's why it's only limited to also not affect our health. Lahat ng pag-aalala ko at maging ang masasayang mga araw ko rito sa manor ay kinuwento ko kay Yulin. Isa lang ang naging tugon niya na nagpalungkot pero nagpasaya rin sa akin. "Masaya akong malaman na maayos ang kalagayan mo riyan, ngunit sino naman ang mga hampas-lupa na nang hamak sa iyo?" aniya. Hindi ko na sinagot pa ang tanong niya at binago na lang ang topik dahil pakiramdam ko ay makakapatay siya anuman ang oras. Hindi rin nagtagal ay bumalik na rin ako sa manor. Mabuti na lang at walang nakapansin ng ginawa ko pagbalik ko. Tahimik lang ako hanggang sa matapos kumain. Maging si Liam ay tahimik din. Marahil ay alam niyang may mali ngunit hindi siya nagtatanong bilang respeto na rin. "Young lady," tawag sa akin ni Liam. Tinignan ko lang siya at hinintay na magsalita. "Ramdam ko ang bigat ng nararamdaman mo. Paano kaya kung maglibang-libang ka muna sa bayan? Suhestiyon ko lang naman ito at wala akong balak na mangialam sa problema mo, dahil nalulungkot ako kapag nakikitang malungkot ang young lady," paliwanag niya. Nginitian ko na lang siya. "Maraming salamat, Liam, sa iyong suhestiyon. Kung maaari ay pakihanda ang karwahe?" Mabilis na nagliwanag ang kaniyang mukha dahil sa aking sinabi. Napailing-iling na lang ako habang natatawa. Lahat ng servants ay nagmadali na pumasok sa kuwarto ko para ayusan ako. Napailing-iling na lang ulit ako dahil kitang-kita ko ang saya sa mga mata nila. Hindi rin nagtagal ay sinamahan na nga akong pumunta ni Liam sa bayan. "Liam, sana hindi ka ma-offend sa sasabihin ko... gusto ko lang sana na pagmasdan mo ako sa malayo dahil naiilang ako kapag pinakatitigan tayo ng mga nilalang dahil sa itsura mo," sabi ko sa kaniya. Napahagikgik naman ito. "Hindi mo na kailangan humingi ng paumanhin dahil hindi ako ma-ooffend sa kahit anong ipag-uutos mo sa akin. Masusunod ang iyong pinag-uutos," aniya. "Salamat, Liam," ani ko at pagkatapos ay nginitian ko siya. Pagdating namin sa bayan ay hindi ko na nga nakita pa si Liam miski maramdaman ay hindi na rin. Sa aking paglilibot-libot ay may nakita akong isang puppet theater. Kasalukuyan itong nag-pplay. May nakita akong tatlong prinsipe na nasa isang palasyo habang ang isang prinsipe naman ay nasa labas nito. "O’ aming minamahal na kapatid! Bumalik ka na sa amin!" sigaw ng isa sa tatlo sa mga prinsipe. Dahil puppet theater ay ang naghahawak ng puppet ang nagsasalita at nagkokontrol sa lahat ng mga galaw nila. "Mas maganda kung wala na rito ang prinsipe na ’yan!" sigaw naman ng isa rin sa kanila. Lahat ng manonood ay natawa samantalang ako ay nanatiling seryoso ang mukha. Hindi mawala ang kunot sa aking noo, gayon na rin ang pagtaas ng isa kong kilay. Seriously? Anong purpose nila para gawin ang ganitong palabas? Nakakapagbigay ba ito ng aral? Sa aking nakikita ay paninirang puri sa imperial princes ang ginagawa nila. Napailing-iling na lang ako at dahan-dahan na umalis sa aking puwesto. Marami-rami na kasi ang nanonood at pasikip na nang pasikip ang kinakatayuan namin ngunit hindi ‘yon ang dahilan kung bakit ako umalis... sadyang ang boring lang talaga. "Boring." Nanlaki ang aking mga mata nang may makasabay akong magsalita. Napatingin ako sa aking tagiliran at gaya ng ekspresiyon ko ay ganoon din ang sa kaniya. Mas lalo lang akong nagulat nang makilala kung sino ito. "Ryker?!" "Rei?" Sabay na saad namin. Napailing-iling na lang kami at natawa. Mabilis kaming napatingin sa likuran namin nang maramdaman ang matatalim na titig. Doon ay nakita namin ang may hawak ng puppet na matatalim ang titig na binigay sa amin. Napahawak na lang ako ng aking bibig dahil narinig pala niya ang aming sinabi. Nang makatitigan ulit kami ni Ryker ay sabay kaming napatango sa isa't isa at napangisi. Mabilis niyang hinawakan ang kamay ko at mabilis kaming tumakbo. Doon na nga ay may humabol na sa amin na iba't ibang nilalang na sa tingin ko ay kasamahan ng puppet controller na ‘yon. Pumunta kami sa isang iskinita ngunit hindi yata ito ang lucky day namin dahil pagpunta namin doon ay isang pader ang bumungad sa amin. "Dead end," bulong ko. Pagtalikod namin ay roon bumungad ang mga nilalang... isang asong lobo, mage, at witch. Ngumisi ang asong lobo. "Wala na kayong matatakasan ngayon." Nagkibit-balikat na lang ako at saka ngumiti sa kanila. "Parang ang unfair naman, ‘no?" Tumingin ako kay Ryker. "Ano ‘to? Tatlo laban sa dalawa? Tsk! Tsk!" Naguguluhan man si Ryker ay sumabay na rin siya sa trip ko. "Nakakaawa naman tayo," sabi ni Ryker na may halong pag-acting pa. Ginaya ko na lang din siya para magmukha kaming kaawa-awa. "Sa tingin niyo ba ay tatalab ang ganiyan sa amin?" seryosong tanong ng mage. Napa-roll eyes na lang ako. "Okay. Kung hindi tatalab, e ‘di tatapusin ko ito ng mas maaga." "Ang confident mo naman! Baka mamaya ay ikaw pa ang mabusog sa mga salita mong ’yan," sabi ng witch. "Alam niyo, wala ako sa mood ngayong araw na ‘to. Tapos dinagdagan niyo pa inis sa ulo ko kaya hanggat may pagkakataon pa ay umalis na kayo," seryosong ani ko sa kanila. Ngayon ay nakayuko na ako dahil hindi na talaga kaya ng anger issue ko at tila gusto na nitong sumabog. "Sinasabi mo ba na mahina kami?" tanong nilang tatlo. "Huwag kayong magmakaawa. Basta nag-warning na ako sa inyo..." "Tch!" ani ng asong lobo at sinubukan akong sugurin. Pag-angat ng aking ulo ay nagtama ang aming paningin. Sa isang iglap lang ay nakahandusay na siya. Ni hindi man lang niyang nagawang lumapit sa aming dalawa ni Ryker. Gulat na gulat namang tumingin sa akin ang witch at ang mage. Nginitian ko silang dalawa. Ngiti na magpapakilabot ng katawan nila. "Huwag niyo ako sabihan na hindi ako nag-warning kanina," ani ko. Pagbukas ko ng aking mga palad ay roon na lumabas ang aking espeda na gawa sa apoy. Hinagis ko ito patungo sa kanilang dalawa at bago pa man sila makagalaw ay mabilis na tumusok ito sa kanila. Napatingin ako kay Ryker na seryosong nakatingin sa akin. "Don't worry, they're still alive," I said. "Alive? Kung ganoon ay may kailangan pa pala akong tapusin," aniya. Nangunot ang aking noo. "Ano naman ‘yon?" "Ang patayin sila." Kumindat siya sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD