Liam's Short POV

294 Words
Nakita ko ang lahat sa simula pa lang... Papatayin ko na sana ang mga nilalang na iyon ngunit mas pinili ko na hindi lumabas mula sa aking pinagtataguan. Hindi ko alam kung bakit. Marahil ay gusto kong marinig ang pagtawag sa akin ng young lady kapag nangangailangan siya ng tulong? Maaari rin na gusto kong makita kung paano niya i-resolba ang problema ng siya lang mag-isa... Namangha ako nang makita kung paano niya gamitin ang kaniyang mahika. Hindi ko na maiwasan na matuwa dahil kitang-kita ang kinalabasan ng hirap at pagod niya sa pag-eensayo. "You did well," bulong ko. Ngunit... bakit na naman niya kasama ang lalaking iyon? Nitong mga nakaraang linggo ay napapansin ko na madalas silang nagkakasama sa tuwing lumalabas siya. Wala naman ako sa posisyon para pigilan ang young lady sa ginagawa niya. Nasa tamang edad na rin siya para sa pagpapantasiya sa mga lalaki. Pero iniisip ko pa lang na nagpapantasiya siya ay umiinit na ang ulo ko. She's still a baby...! Napabuntong hininga ako. Matured siya mag-isip at gumalaw at sa tagal na naming magkasama ay alam ko na ang totoong ugali niya na malayong-malayo sa pagiging matured. "Just what made you think that you shouldn't act as your age in front of anyone?" I murmured. Isa siyang pilyo at mapang-asar na normal lang naman. Mahilig siya sa mga bagay na nagpapa-interes sa kaniya. Hilig din niya makipag-usap, ngunit pagharap sa ibang tao ay tumitikom ang bibig niya... as if she's trying not to say offensive to them or she's scared to make mistakes. Kahit na masiyahin siya, sa tuwing kasama ko siya ay palagi kong nararamdaman na may hinahanap-hanap siya. Hindi ko alam kung ano ngunit pakiramdam ko ay may kulang sa pagkatao niya. "Rei... just be yourself."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD