Kabanata 11

2030 Words
KINABUKASAN ay maaga akong nagising dahil may bisita raw na darating. "Gising na ang young lady!" sigaw ni Liam mula sa labas ng kuwarto ko. Hindi pa man ako nakakabangon ay nagulat ako dahil sunod-sunod na servants ang pumasok sa kuwarto ko. "H-Ha...?" Hindi na ako nakapagsalita pa dahil agad nila akong hinila at inayusan. Halos mahilo na nga ako dahil sa bilis ng kanilang kilos. Nang matapos sila ay napatingin na lang ako sa full body mirror. Tinitigan ko kung buo pa ba ang katawan ko pagkatapos ng ginawa nila sa buhok at katawan ko. I wore black corset dress, which made my body shape stand out. They also let me wear white gloves in my hand and the length of it is in my arm. And an elegant hair style from my maid. I also wore jeweleries and accessories. This dress is tight... but I can't complain. Kung may mahalagang bisita, tiyak na hindi dapat ito paghintayin. Liam told me that wearing jeweleries is indeed important to mage nobles or higher than them, including the royalties, because it symbolizes the wealth of the family where you're from. And it such a shame if you come into a party without being prepared. Napabuntong hininga na lang ako. Paglabas ko ay gaya ng nakasanayan, nagkita ulit kami ni Liam. Mabuti na nga lang at hindi pa ako nagsasawa sa mukha niya. "Kay ganda mo, binibini," komento niya nang mapagmasdan ang buong suot ko. Nginitian ko naman siya. "Natutuwa akong malaman ‘yan mula sa iyo." "Nasaan ang bisita?" tanong ko kay Liam habang naglalakad kami. "Tayo ang bibisita sa kanila, binibini," sagot niya. Nanlaki ang aking mga mata dahil sa gulat ngunit mabilis lang din akong naka-recover. Napailing-iling na lang ako. "Sino naman ang nag-imbita sa akin at pinayagan ng duke at duchess na tumuloy ako?" pagtatanong ko pa. Ilang buwan na ang nagdaan ngunit kahit isa sa mga imbitasyon ng mga mage nobles ay kinansela nila. Lalo na nang malaman ni Yurian na may mga imbitasyon para sa akin ay halos magwala ito, mabuti na lang at napakalma ko. Kaya nagtataka ako kung sino ang tinutukoy ni Liam. Akala ko rin ay siya mismo ang bibisita... "Ayaw ng duke at duchess na makita mo siya ngunit kahit sila ay walang magagawa," sagot niya. Agad akong napahinto sa paglalakad dahil sa biglaang pagseryoso ng kaniyang boses. "Ano ang ibig mong sabihin?" Hindi ko naintindihan ang kaniyang saad. "Walang otoridad na kumansela ng mga imbitasyon ang duke at duchess kapag posisyon sa palasyo ang pinag-uusapan..." paliwanag pa niya. Natagilid ko na lang ang aking ulo dahil mukhang alam ko na ang pinupunto niya. "Ang ibig mong sabihin ay mas mataas ang posisyon nito sa palasyo kaysa sa mga magulang ko?" paniniguro ko. Tumango-tango naman siya at humagikgik pagkatapos na pinagtaka ko. "Ang taong tinutukoy ko ay sa palasyo talaga nakatira. Ang prinsesa ng North-East palace... Princess Ivoree Kratz," aniya. Namangha naman ako dahil sa kaniyang sinabi at halos hindi makapaniwala. Ngunit nabalik ako sa reyalidad nang may mapagtanto. "Kung ganoon ay kailangan ko magbahagi ng regalo bilang pagbisita at pagrespeto na rin?!" natatarantang tanong ko. Natawa naman si Liam at sinabing, "kumalma ka, binibini. Ayos na lahat. Noong nakaraang araw pa namin hinanda ang lahat ng kakailanganin." Nakahinga naman ako nang maluwag matapos iyon marinig sa kaniya. Matapos namin mag-usap ay agad na kaming nagpunta sa North-East palace. Pagdating ko ay mukhang pinaghandaan din ng prinsesa ang aking pagdating dahil sa pag-welcome sa akin ng mga servants at sa magagarbong mga tanawin sa palasyo. "Ang prinsesa ay nasa green house area ng palasyo," sabi sa amin ng butler na unang nag-welcome sa amin paglabas ko pa lang ng karwahe. Sinundan namin siya hanggang sa makarating kami sa green house area nila, at doon nga ay natagpuan ko ang magandang prinsesa. Halos mapako ako sa aking kinatatayuan dahil sa ganda ng kasuotan niya, pati na rin ang kaniyang kutis at ang kaniyang mukha. "Para siyang anghel..." bulong ko. Mahinhin itong tumawa. Nilagay niya pa ang kaniyang kamay sa kaniyang bibig. "Oh...? Hindi ko alam na mukha pala akong isang anghel." Matamis siyang ngumiti sa akin. Mabilis na namula ang aking mukha dahil sa kahihiyan. Pasimple pa akong tumingin kay Liam para sana humingi ng tulong ngunit seryoso lamang itong nakatingin sa prinsesa at walang ekspresiyon na mababasa sa mukha kaya napaseryoso rin ako dahil sa pagtataka. "Maaari na kayong lumabas," utos ng prinsesa sa mga servants na kasama namin. "Ikaw rin, butler," dagdag pa niya. Mabilis naman akong napatingin sa katabi ko nang hindi pa rin siya umaalis kahit na nakaalis na ang mga servants ng prinsesa. "Liam, maaari mo akong hintayin sa labas ng green house," seryosong utos ko rin sa kaniya. Napatingin siya sa akin ngunit mabilis din na napabuntong hininga. Yumuko siya at nagsalita, "Masusunod po, young lady." Nang kaming dalawa na lang ng prinsesa sa green house ay mabilis niya akong niyaya na mag-tea kasama siya. "Sa wakas ay nagkita na rin tayo," seryosong aniya. Saglit ko pang nakita ang pag-aalab ng mga mata nito ngunit agad din iyon nawala nang ngumiti siya. Bigla akong kinalibutan dahil sa biglaang pagbabago ng ugali niya. Kung kanina ay mala-anghel na mukha ang at ugali ang pinapakita niya, ngayon ay nagmumukha na siyang demonyo. Isang malambing na ngiti ang ginawad ko sa kaniya. "Kung hindi mo mamasamain, maaari ba akong magpakilala ng maayos, prinsesa?" Binuksan niya ang kaniyang pamaypay at ginawa niyang pantakip sa kaniyang bibig. "Hindi na kailangan. Kilala na kita," tugon nito. Pinilit ko pa ring ngumiti kahit na nagulat ako sa kaniyang naging sagot. So, ganito pala ang pakiramdam ng ma-reject...? Nanahimik kaming dalawa dahil hindi na ako nagsalita pagkatapos noon. "Ah... maaari mo bang lagyan ng tea ang tea cup ko?" tanong nito. Hindi ako nagdalawang isip na gawin ang inuutos niya bilang respeto na rin. Pagkatapos ay nilagyan ko rin ng tea ang akin. "Tapos na po, prinsesa," ani ko. Nanlaki ang aking mga mata nang makita na naman ang nag-aalab na apoy sa kaniyang mga mata, nag-aalab ito sa galit. Nakita ko rin ang pagngisi niya nang ibaba niya ng kaunti ang kaniyang pamaypay. "Glarei, right?" tanong nito. Tumango naman ako. Hindi ko alam kung ano ang gusto niyang sabihin at gawin sa akin at ang tanging magagawa ko lang ay tumahimik. "Uh... I heard you're an adopted child of Duke Oxyea. So, you don't even have a single drop of the blood of the Oxyea... the 3rd line of the imperial family. What a shame?" Her eyes looked down on me as if I was just an lowly person to her. I know... I know that the duke is part of imperial family. The previous emperor who died is the duke's older brother. Basically, Yurian and the four princes are cousins. "You know what? Your etiquette, fashion style, and even your gift are something so trash! You're bad at it. Uh... I won't wonder why, it's because up until now, you're just a commoner who's trying hard to fit in nobles society," she said. Hindi ako sumagot o nagsalita. Wala akong naramdaman na kahit anong galit dahil lahat ng sinabi niya ay totoo. Hinayaan ko lang siya at pinagmasdan ko na lang ang bawat galaw at bawat salita na binibitawan niya. Ang regalo na tinutukoy niya ay ang ruby necklace na kung saan ay isa itong special ore dahil kakadiskubre lang ito ng mga mage na nagmimina. "Right! A while ago, you even did what a servant do." She laughed like a devil. "You know what? I can adopt you if you want, and you can become my servant. It's not a shame, and you should be grateful for being my servant." She keep looking down at me and humiliating me until she's satisfied. I didn't spoke nor make expressions. I just accepted all her words. As soon as her butler came in, she smiles sweetly at me again. I just stared at her coldly. Masyado siyang mapagpanggap. Kung kanina ay natutuwa pa ako sa mga ngiti niya, ngayon ay halos masuka na ako. "Magpapaalam na ako, Princess Ivoree. Nakagagalak akong makilala ka," pilit ang ngiti na sabi ko. Bawat salita ay may riin dahil ayaw ko talaga ito sabihin ngunit napilitan ako para sa dignidad ng pamilya ko. "Ganoon din ako. Sa muli nating pagkikita." Ngumisi ulit siya ng ilang segundos at ngumiti na naman ng pagkatamis-tamis pagkatapos noon. She's not a devil... she's a snake. Clearly snake! Pagpasok namin sa karwahe para umuwi ay napabuntong hininga ako. Nilabas ko lahat ng sama ng loob ko sa prinsesa gamit ang buntong hininga. "Young lady, ayos ka lang ba?" Napatingin ako kay Liam nang tanungin niya iyon. Tumango na lang ako bilang tugon. Hanggang sa makarating ako sa manor ay hindi na kami nagpalitan ni Liam ng mga salita pagkatapos noon. Mabilis akong nagbihis para magpahinga. Binuksan ko ang aking pinto at sinilip si Liam na nakatayo sa harapan ng pinto ko. "Liam, maaari mo bang sabihin sa kanila na wala munang iistorbo sa akin? Gusto ko lang munang magpahinga," sabi ko sa kaniya. "Masusunod," tugon nito. Tumango na lang ako at sinara na ulit ang pinto. Kahit hindi sabihin ni Liam ay alam kong nag-aalala siya para sa akin. Masyado bang halata ang pagod sa mukha ko? Wala naman akong masyadong ginawa pero pakiramdam ko ay pagod na pagod ako, dahilan para mag-alala siya sa akin. Hindi ko alam ngunit kamay ko na mismo ang kumilos para kuhanin ang magic ore na binigay sa akin ng duke at tinawagan ko agad si Yurian. Bumungad sa akin ang itsura niya na pagod na pagod. "Katatapos lang ng training niyo?" tanong ko. Tumango-tango naman siya. "Mayroon ulit mamaya." "Ah... basta huwag mong pilitin ang katawan mo. Kapag pagod ka na, magpahinga na," paalala ko. "Anong nangyari? May mali ba? Ito ang unang beses na ikaw mismo ang tumawag sa akin. Mukhang pagod na pagod ka rin," aniya. Iling-iling na lang akong napangiti. As expected, he's really observant. Napansin niya agad ang mga iyon. Yumuko ako at nagsimulang magsalita. "Today, I met the princess who lives in the North-East palace..." "What? You did?!" gulat na tanong niya. So, he didn't knew. I nodded as response. "What did happened?" he asked. I hesitated to answer when he asked that question. I don't know what to say... "Glarei, look at me," he said in an authoritative tone. In just a blink of eyes, I faced him. Nang magtama ang mga mata namin ay roon na bumagsak ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan. "Why?!" He panicked. I can't stopped from crying. "Yurian... m-my brother," I sobbed. Hindi ko na makita ng maayos ang mukha niya dahil sa mga luha sa mata ko. "The p-princess humiliated me and I hate myself from not defending what she said. I also hate the fact that I can't defend it because all she said is the truth." Para akong isang bata nagsusumbong sa isang kuya dahil sa mga pinagsasabi ko habang umiiyak ako pero wala akong pake dahil pakiramdam ko ay sasabog ako kung hindi ko mailalabas itong problema ko. "Princess Ivoree said that I'm such a shame to Oxyea family for not having the royal blood and the fact that our family is in the line of imperial family." I cried and cried. "And you know what's the most humiliating thing happened?! She commanded me to fill her cup with the tea and I did it as a matter of respect to her because she's a princess, and yet she called me that I'm like a servant because of what I did. She even said that she would like to adopt me too and she will make me her servant. I-I-It's really humiliating!" Halos maghabol ako ng hininga ko pagkatapos ko sabihin lahat ng sama ng loob ko kay Yuri. Hindi ko rin mapakalma ng maayos ang sarili ko dahil sa patuloy ko pa ring paghikbi. Kahit na hindi naman ako sinaktan ng pisikal ng prinsesa ay sinaktan niya naman ako gamit ang mga salita na mas bumaon ng mas malalim sa aking puso. "She told those things to you...?!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD