Kabanata 5

1001 Words
Sumakay ako sa hiwalay na karwahe na pinahanda ng Duke. At habang nasa byahe ay hindi ko na naiwasan na mapatanaw sa labas ng bintana. Gabi na ngunit kahit na ganoon, ang buong bayan ay ang nagbibigay liwanag sa lahat at kahit na papalayo na kami mula roon ay kitang-kita ko pa rin ang ningning nito. Para lang itong isang bituin... kay ganda pagmasdan. "Uh!" Napahawak ako nang mahigpit sa karwahe nang bigla na lang itong huminto. Mabilis ko namang nakita ang mga knights na tila nagkakagulo sa labas. Bubuksan ko sana ng pinto ngunit mabilis akong napaurong nang malakas na hampasin ng isang knight ang pinto. "Binibini, mas mabuti kung hindi ka muna lalabas!" sigaw nito. Mabilis naman nangunot ang aking noo ngunit napayuko na lang ako nang maramdaman na lahat ng knights ay nakapalibot sa karwahe ko na tila ba pinoprotektahan ako imbes na ang duke. Napahawak ako sa upuan nang marinig ang dagundong na sigaw ng isang nilalang... "Wyvern..." bulong ko. Naramdaman ko na biglang lumakas ang mana presence sa paligid kaya nanlaki na lang ang aking mga mata. Mas lalo tuloy na nagsisigaw at nagwawala ang wyvern. Ginamitan nila ng kapangyarihan ang wyvern kaya mas lalo itong nagwala. Ayon kay Yulin na matagal ng nabubuhay sa mundong ito, ay sensitibo ang mga wyvern pagdating sa mana presence ng bawat nilalang kaya paano na-attract ng mga knights na ito ang isang wyvern papalapit sa amin? "Atakihin niyo siya!" rinig kong sigaw ng duke. Mabilis akong tumalon mula sa karwahe palabas na kinagulat ng lahat. "Anong ginagawa mo rito?! Pumasok ka na roon sa loob!" sigaw ng duke nang makita ako. Sinubukan pa akong hawakan ng mga knights pero mabilis akong umiling-iling at agad na tumakbo papunta sa wyvern. "Binibini!" sigaw ng mga knights. "Rawr!" ungol naman ng wyvern dahil mas lalong nagpalabas ng presensya ang duke. "Itigil niyo ang pagpapalabas ng mana presence niyo!" sigaw ko sa kanilang lahat habang nasa gitna nila. "Ano?! Gusto mo na ba mamatay?" rinig ko namang angil ng isang knight. Napahilamos na lang ako ng mukha ko at nag-concentrate. Kung hindi ko sila mapipilit na tumigil, pwes ako ang titigil nito! Gumawa ako ng isang barrier na kung saan kaming dalawa lang ng wyvern ang nakapaloob. Iningatan ko rin na hindi magpalabas ng kahit anong mana presence ko. Unti-unti namang kumalma ang wyvern kaya dahan-dahan naman akong lumapit dito. Hindi ko rinig ang mga sigaw ng mga knights sa labas ng barrier dahil sinadya ko na lagyan ito ng soundproof para makakalma nang maayos ang nilalang na nasa harapan ko. "It's now okay..." bulong ko. Hinawakan ko siya sa kaniyang ulo at nanlaki ang mga mata ko nang mapansin na tila ba naging malambing ito. "So, you're a baby wyvern?!" hindi makapaniwalang tanong ko. Napanganga na lang ako pero mabilis akong napatingin sa kalangitan at napalunok ng ilang beses. Binalik ko ulit ang tingin sa baby wyvern at niyakap ito bilang pamamaalam. "Don't wander alone again next time, okay?" sabi ko bago tanggalin ang barrier na nakapalibot sa amin nang mapansin na kumalma na rin ang mga knights at ang duke. Dahan-dahan akong lumayo sa baby wyvern at bumuntong hininga nang makalapit na ako sa duke. "Kailangan na natin umalis dito... ASAP," mariin na ani ko. Hindi naman na sila nagreklamo pa at mabilis na sinunod ang aking sinabi. Sa pagkakataong ito ay sa iisang karwahe na lang kami nakasakay ng duke dahil nasira ang karwahe na sinasakyan niya kanina habang nakikipaglaban sa wyvern. Nakahinga ako ng maayos nang matanaw na kay layo na namin sa parte ng gubat kung nasaan kami kanina. "Bakit hindi mo pa pinatay ang wyvern na iyon?" seryosong tanong niya. "I can tamed a monster but not a beast..." I smirked. "Anong ibig mong sabihin?" ngunot-noo na tanong nito. "Bata pa lang ang wyvern na iyon ngunit kay lakas na. Paano pa kaya kung mahanap siya ng kaniyang magulang na ganoon ang sitwasyon? Tiyak na buong gubat ang mawawala," sagot ko. Nag-cross arms siya at pinakatitigan ako mula ulo hanggang paa. "Tama ka... ngunit, ang pinagtataka ko lang ay paano nagkaroon ng wyvern sa isang gubat? Malayo pa ang wyvern season o ang panahon bago sila lumabas... kaya bakit?" tanong ng Duke. Bumuntong hininga ulit ako bago isandal ang ulo sa upuan. "May dala-dala ba kayong mahiwagang bagay?" tanong ko sa kaniya. Bigla siyang napatitig sa akin at tumikhim. "Ipagpatuloy na lang natin itong usapan pagdating sa manor ko," aniya. Tumango na lang ako at hindi na umimik pa bilang respeto na rin. Hindi pa man kami nakakapasok sa manor nila ay napanganga na ako dahil sa bongga ng gate nito at halos masilaw na ako dahil sa kinang na ito na tila ba isang ginto. Naunang pumasok ang duke at sumunod ang mga knights niya, nahuli naman ako. Halos ‘di na nga ako makita dahil sa tangkad ng mga knights niya. Ngayon... ngayon lang ako nagkaroon na pagpatansiyahan ang kasuotan ng mga knights ngunit kanina ko pa naman iyon napansin. Ang ganda ng armor nila at dahil doon, halatang-halata ang pagka-firm ng mga katawan nila, their biceps and their chest... "Binibini?" "Ha?" Nagising lang ako sa ulirat nang may tumapik sa akin na isang knight. Pasimple ko tuloy na sinampal nang mahina ang pisngi ko upang magising. My gosh! Ibang klaseng level na ng pagpapatansiya ang utak ko at dapat na itong ihinto. Nakakahiya! Naramdaman ko na biglang namula ang pisngi ko kasabay ng paghagikgik ng nasa harapan ko. "Ah... pasensya na. Ano ang kailangan mo?" tanong ko. Ngumiti siya sa akin at tinuro ang nasa likuran ko gamit ang kaniyang labi. Mabilis naman akong napaharap sa aking likuran at napanganga na naman ako dahil sa pagkakamangha. Nakita ko ang katabi ng duke na isang magandang nilalang. Halos masilaw na ako dahil sa ganda niya! Pero ang mga titig na binibigay niya ay nagpapakilabot sa akin... those fierce eyes are like putting me in different dimension. "Who are you?" she coldly asked without even blinking.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD