Nagtanong-tanong ako sa mga nakakasalubong ko hanggang sa makarating ako sa bayan ng North-East.
Napaupo na lang ako sa isang bench habang hinihilot ang aking sintido.
"Hindi ko naman alam na ganito pala kapagod ang maghanap. Kung alam ko lang, e 'di sana nagdala na rin ako ng extrang pagkain," bulong ko at nanlulumo na yumuko upang alisin sa utak ang gutom pero napabuntong hininga na lang ako nang tumunog na naman ang kalamnan ko.
Napaangat lang ako ng aking ulo nang may nag-abot sa akin ng isang tinapay.
"Oh," aniya at binigay sa akin ito.
Napangiti na lang ako at hindi na nagdalawang isip na tanggapin ito. Tatanggihan mo pa ba ang grasya kung mismo ang katawan ko ang may gusto nito at saka, nasa harapan ko na, oh! Take it or lose it ika nga nila.
Umupo siya sa tabi ko... siya ‘yong lalaking nakaupo sa likuran ko kanina.
Napapikit na lang ako at dinama ang sarap ng pagkain.
"Paumanhin kung hindi ako nakapagpasalamat kanina ng maayos," sabi nito.
Napatingin naman ako sa kaniya at mabilis na nilunok ang nginunguyang pagkain.
"Ayos lang," sagot ko.
"Nga pala, sa bayan din pala ang punta mo? Hindi kita nakita kanina sa daan habang papunta rin ako rito," pagbabago ko ng topik.
Napahagikgik naman ito na aking kinataka.
"Mukhang baguhan ka lang dito, binibini," sagot nito.
Napasimangot naman ako. Ganoon pala ka-obvious...
"Ibang daan ang aking tinahak," dagdag pa niya.
Napatango-tango naman ako.
Natigilan ako nang may ma-realize at napatingin sa tinapay na hawak-hawak ko.
Sobrang sarap ng tinapay at sigurado ako na hindi ito ordinaryo...
"Maaari bang magtanong?"
"Oo naman," tugon niya.
"Saan mo nabili ang tinapay na ito?" tanong ko habang nakatingin sa tinapay na hawak-hawak ko.
Hindi siya mabilis na nakasagot kaya agad akong napatingin sa kaniya. Ang kaniyang ngiti kanina ay wala na, dahilan para mapaseryoso rin ako.
"Bakit hindi mo rin ginamit ang coins na mayroon ka upang pambili mo ng pagkain?" tanong din nito sa akin pabalik.
Sikreto akong napangisi. "Masyado ko bang napukaw ang iyong paningin habang ikaw ay naglalakad?"
"Ganoon na nga. Sino ba ang hindi makakapansin sa iyo na namimilipit na ang tiyan sa gutom?" nakangising tanong din nito.
Naningkit na lang ako ng mga mata at napailing-iling. Masyado siyang pilyo... gaya ko.
"Ang nais ko lang naman tanungin kung bakit mayroon kang pambili ng tinapay ngunit wala kang pambayad sa loob ng flying bus?" nagtatakang tanong ko.
Kung papatulan ko pa siya ay baka hindi na tuluyan matapos ang aming usapan.
"Ganoon ba...? Binigay lang sa akin ‘yan ng kaibigan ko na may-ari ng high-class bakery shop dito sa bayan," sagot nito.
"Ah..." tugon ko.
Ngayon ay naliwanagan na ako sa wakas pero... totoo nga naman ang sinabi niya. Bakit hindi ko naisip ang coins na mayroon ako at binili ‘yon ng pagkain?!
Napabuntong hininga na lang ako dahil sa aking naisip. Sa tingin ko ay masyado akong naging busy sa paghahanap sa Oxyea family.
Nag-usap pa kami ng kaunti ngunit hindi rin naman nagtagal iyon.
"Bago ka umalis, may gusto lang sana akong itanong sa iyo," saad ko.
"Ano naman iyon?" tanong niya.
"Kilala mo ba ang Oxyea family?" tanong ko sa kaniya.
Nanlaki naman ang mga mata niya ngunit mabilis din siyang ngumiti.
Kung hindi lang siguro ako mabilis bumasa ng mga ekspresiyon ng ibang mages ay baka hindi ko mapapansin ang kaniyang pagkagulat...
"Oo. Malaki ang pangalan nila sa bayan na ito," sagot nito. "Bakit mo nga pala naitanong?"
Bumuntong hininga ako at binaba ang cloak ko dahil na rin pinagpapawisan na ako sa sobrang init.
"Maaari mo bang ituro ang daan kung saan ang bahay nila o kahit sa kakilala lang nila?" Pagkatingin ko sa kaniya ay natigilan ako dahil nakatulala lang itong nakatingin sa akin.
Mabilis tuloy na kumabog ang aking dibdib dahil sa pag-ooverthink na baka ay lumabas na ang totoong kulay ng mga mata ko pero napailing-iling na lang din ako nang maalala na kakapatak ko lang ng potion.
"Uhm..." Hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin dahil nanatili lang siyang nakatulala habang nakatingin sa akin.
Kinaway ko ang aking kamay sa harap ng mukha niya na nagpagising sa kaniya. Mabilis siyang napahawak sa kaniyang bibig at tumikhim.
"Paumanhin sa aking naging akto." Kamot-batok na aniya.
"Maaari mo bang ulitin ang iyong tanong?" nahihiyang tanong niya.
Napahagikgik na lang ako.
"Alam mo ba kung nasaan ang Oxyea—"
"Ano ang kailangan mo?"
Mabilis na nalipat ang atensyon ko nang marinig ang isang baritong boses sa harapan ko. Ginawaran ko siya ng ngiti ngunit seryoso lang akong pinakatitigan nito.
Isang lalaki na sa tingin ko ay nasa kalagitnaan na ng edad...
Nalipat naman ang tingin ko nang mapansin na natahimik ang paligid at sa amin pala nakatuon ang pansin nila. Muli kong pinakatitigan ang lalaking nasa harapan ko at tinagilid ang aking ulo.
Mataas siguro ang ranko ng lalaking ito sa harapan ko dahil presensya niya pa lang ay nagagawa na niyang patahimikin ang buong bayan.
"Narinig kong binanggit mo ang Oxyea. Anong kailangan mo sa kanila?" seryoso at malamig na tanong nito sa akin.
Ngumiti ulit ako sa kaniya. "Base sa pananalita mo ay mukhang kilala mo sila..." bulong ko.
Ngumisi siya na nagpasinghap sa lahat ng mga magical creatures na nandito ngunit nangunot lang ang aking noo dahil sa pagtataka.
"Base sa pananalita mo ay mukhang baguhan ka pa lang dito," tugon din nito.
Hindi naman ako makapaniwalang napahagikgik habang siya ay tila nawirduhan sa aking naging akto.
"Ganoon na nga po," sagot ko.
"Ano ang kailangan mo sa amin?" tanong ulit niya.
Nanlaki ang aking mga mata ngunit mabilis din naman akong ngumiti para mabawi ang pagkakagulat.
"Duke, hinahanap po kayo ni... oh? Paumanhin sa aking kabastusan."
Lahat ay nalipat ang paningin sa isang knight na kararating lang. Natigil siya sa pagsasalita dahil tinaas ng lalaking nasa harapan ko ang kamay nito... wait! Duke?
Napahawak ako sa aking bibig dahil sa gulat at sa pagkakataong ito ay hindi ko na napigilan pa mapasinghap.
"Duke?!" hindi makapaniwalang tanong ko.
Ngumisi lang ito nang makita ang aking naging reaksyon.
"Isama niyo siya sa ating pag-uwi," utos nito sa mga knights na nakapalibot sa kaniya bago tumalikod sa akin.
Naiwan naman akong nakatulala habang tinutulungan akong tumayo ng mga knights in armor niya.
What the—Yulin?! Hindi mo man lang sinabi sa akin na ganito pala kataas ang tungkulin ng pamilya na aampunin ako!
Pakiramdam ko tuloy ay nanlalamig at pinagpapawisan ang batok ko. Did I just dug my own grave...?