Halo halo ang aking nararamdaman habang nakaharap sa salamin. Parang ano mang oras ay sasabog ang aking puso sa kaba, tuwa at lungkot. Hindi ko rin akalain na parang isang oras lang daraan ang isang linggo. Kanina pa rin ako hindi mapakali sa aking kinauupuan. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na ako tumayo upang humanap ng bagay na hindi ko naman sigurado kung meron ako at kailangan ko. Masaya ako pero sa kabilang banda ay nababagabag ako sa mga bagay na nag-aantay sa aking hinaharap. Naputol ang aking pag-iisip ng may kumatok. Dahan-dahan bumukas ang pinto at iniluwa noon si Doña Teresa na malawak ang ngiti. Napakaganda nito sa suot nitong kulay cream na gown na punong puno ng mga pakinang. Tumayo ako para daluhan ito. Isang mahigpit na yakap at hagod sa likod ang ibinigay nito sa

