CHAPTER -1
Malamig ang hangin sa gabing iyon sa Europe.
Tahimik… pero puno ng panganib.
Sa gitna ng isang abandoned warehouse, maririnig ang mabibigat na yabag ng mga armadong lalaki. Lahat sila alerto, hawak ang kani-kanilang baril, naghahanap ng isang target.
Isang pangalan na kinatatakutan nila.
“Hanapin niyo siya! nariyan lang Yan sa tabi tabi,
halughugin niyo ang BAWAT sulok
She’s here!” sigaw ng isa.
Pero hindi nila alam—
matagal na silang minamasdan.
Sa taas ng bakal na beam, nakaupo ang isang babae. Nakasuot ng all black—leather suit, boots, at gloves. Mahaba ang buhok, bahagyang tinatangay ng hangin.
Mata niyang malamig.
Walang emosyon.
Parang sanay na sa sa ganitong sitwastyon.sanay na sa panganib,
“Too slow…” mahina niyang bulong.
Ito si Sera Valen Cortez.
Ang prinsesa ng kadiliman.
Isang iglap—
BANG!
Isa sa mga lalaki ang bumagsak at na ngisay.
Sumunod pa.
BANG! BANG!
Chaos erupted.
“Sniper! Sniper!” sigaw nila habang nagtatakbuhan at hahanap ng mapag tatagoan.
Ngunit huli na ang lahat.
Parang multo kung kumilos si Sera—mabilis, tahimik, at deadly. Bumaba siya mula sa taas, landing perfectly sa sahig.
Isang lalaki ang sumugod—
CRACK!
Isang suntok.
Isang sipa.
Walang awa.
“Wrong move,” malamig niyang sabi habang naka ngisi at sabay saksak sa leeg ng hawak na kutselyo sa kalaban,bago tuluyang mawalan ng malay ang kalaban.
Sa loob lamang ng ilang minuto…
ubos ang lahat.
Patay. Walang natira.
Huminga siya ng malalim, pero hindi dahil napagod.
Kundi dahil—
wala na siyang nararamdaman.parang natural na lang sa kanya ang pumatay,
manhid na siya sa mga Ganon bagay,
Makalipas ang ilang minuto…
May pumasok na mga lalaking naka-itim din. Tahimik. Disiplinado.
Lumapit ang isa sa kanya at bahagyang yumuko.
“Mission complete, Boss.”
Hindi siya sumagot agad.
Tinitigan lang niya ang paligid.
Dugo.
nag kalat na mga Katawan.
Kadiman.
Ito ang mundo niya simula bata pa siya.
“Dispose everything,”
malamig niyang utos.
“Yes, ma’am.”
Tumalikod siya at Naglakad Palabas ng warehouse.
habang Naglalakad…
Parang may Bumigat sa dibdib niya.
FLASHBACK
Isang maliit na Karinderya.
mainit ang Sabaw.
May babaeng Nakangiti.
“Sera, Kain ka na. Paborito mo ‘to.”
Isang Simpleng buhay.
Isang Simpleng Saya.
“Mom…”
Bumalik siya sa kasalukuyan.
Napatigil siya.
Bahagyang napapikit.
“...Tsk.”
Iritado niyang hinawi ang alaala.
Hindi siya sanay sa ganitong pakiramdam.
Mahina.
Pagdating niya sa mansion—
Isang napakalaking bahay na parang palasyo.
Doon naghihintay ang lalaking pinaka makapangyarihan sa mundo nila.
Ang kanyang ama.
“Late ka.”
Malamig ang boses nito.
Nakatayo ito sa harap ng malaking bintana, hawak ang isang baso ng alak.
Hindi siya natinag.
“Mission was done.”
Tahimik na sagot niya.na parang Hindi ang ama ang kausap
Tumalikod ang lalaki at ngumiti ng bahagya.
Ngiting walang init.
“That’s my daughter.”
Ang Mafia King ng Europe.
Ama niya.
Lahat ng tao kinatatakutan ito.
Pero si Sera—
hindi.
Lumapit siya sa ama.
“Next assignment?”
Diretso.
Walang emosyon.
Malamig ang mga mata naka tingin sa kanyang ama
Pero—
napansin ng ama niya ang kakaiba.
“Something’s wrong.”
Naningkit ang mata ni Sera.
“Nothing.”
“Don’t lie to me.”
Tahimik ang paligid.
Biglang…
“Pagod na ako.”
Mahinang sabi niya.
At sa unang pagkakataon—
nagulat ang kanyang ama.
“You?”
Tumawa ito ng bahagya.
“You were born for this world.”
sabi nito sa kanya ,na para bang Hindi siya anak
“I didn’t choose it.”
Diretso niyang sagot.
at may dilim sa mga mata
Nagkaroon ng tensyon sa pagitan nila.
“Then what do you want?”
naka tiim bagang na sabi ng ama Niya,
Tahimik siya sandali.
Parang pinipigilan ang sarili.
Hanggang sa…
“I want out.”
Nanlamig ang buong silid.
Parang tumigil ang oras.
napa titig sa kanya ang daddy Niya,
“You’re joking.”
sabi pa nito,
“No.”
Diretso diretso niyan sagot.
Matigas at matapang.
Totoo.
Gumapang ang galit sa mukha ng kanyang ama.
“You are my heir.”
sabi nito
“I’m still your daughter.”
Saglit silang nagtitigan.
Dalawang taong parehas matigas.
Parehas hindi nagpapatalo.
Hanggang sa…
Biglang tumawa ang ama niya.
Pero delikado ang tunog.
“Fine.”
PAG sukol niyo
Napatigil si Sera.
“Go.”
malungkot pang sabi
Napatitig siya dito.
“Live your ‘normal life’.”
May diin ang salitang iyon.
“But remember this…”
Lumapit ang ama niya, marahan.
Mapanganib.
“You can never escape who you are.”
Hindi siya umatras.
Hindi siya natakot.
nanatili siya matatag na nakatayo at nakatingin sa mga mata ng daddy Niya,
Pero—
may kung anong kumirot sa dibdib niya.
Kinagabihan…
Nasa kwarto siya.
Tahimik.
Nakatingin sa passport.
Fake identity.
Bagong pangalan.
Bagong buhay.
Philippines.
Doon ang nanay niya.
Doon ang mundong matagal na niyang iniwan.
Huminga siya ng malalim.
“Normal life… huh.”
Bahagyang ngumiti.
pero Hindi umabot sa mga mata,
hindi parin siya masaya.
“Let’s see.”
Sa labas ng mansion—
May isang lalaking nakatayo sa dilim.
Nakatingin sa bintana ni Sera.
“Leaving already…”
Mahinang sabi niya.
Ito si Viktor Hale.
Ang kanyang anino.
Ang kanyang kanang kamay.
At ang taong pinag kakatiwalaan niya—
handa pumatay para sa kanya.
Ngumiti siya ng at tumango bahagya.
“Then I’ll follow.”
Kinabukasan…
Isang private jet ang lumipad.
Sakay ang isang mafia princess.
Papunta sa bansang hindi niya alam—
na magiging bagong battlefield niya.
Habang nakatanaw siya sa ulap…
Mahinang bumulong si Sera.
“Goodbye… Sera Cortez.”
Saglit na katahimikan.
“Hello… new me.”
Pero hindi niya alam—
ang mundong tinatakasan niya…
ay susunod sa kanya.
At sa bansang pupuntahan niya—
hindi lang simpleng buhay ang naghihintay.
Kundi—
digmaan.
at Wala siyang idea na gulo parin ang nag hihintay sa kanya,
na Ang Buhay na gusto niyang iwanan sa Europe ay Hindi parin Niya Basta Basta matatalikuran,
dahil susundan parin siya ng mga kalaban Niya.