“HINDI ako marunong lumangoy, Tim!” tili ni Julianne nang dalhin siya nito sa mas malalim pa.
Dinala siya ng binata sa Subic. Ang una nga sanang imbitasyon nito ay isang maikling bakasyon sa Palawan o sa Boracay kaya pero hindi niya magagawang mawala nang matagal dahil sa mabibinbin niyang trabaho. Ayaw din naman niyang biguin si Tim at isa pa ay pagkakataon na rin nila iyon para higit na magkasama kaya kahit overnight lang ay siya na ang mismong nagsuhestyon na mag-Subic na lamang sila.
Magtatanghalian na nang dumating sila doon. Nagtanghalian at namahinga sila sa cottage na inupahan nila at nang hindi na masyadong masakit sa balat ang init ng araw ay lumusong na sila.
“Hindi naman malalim,” sabi sa kanya ni Tim. “Malakas lang ang alon kaya akala mo hanggang leeg mo na ang tubig.”
“Nangatwiran ka pa. Hindi na nga sumasayad ang paa ko sa buhangin, eh.”
“Yakap naman kita,” malambing na wika nito.
Inirapan lang niya ito.
“You’re so sexy, honey,” bulong nito sa mismong tenga niya. Ang kamay nitong nakayakap sa kanya ay humagod pa sa mas malaking bahagi ng kanyang katawan.
Napangiti siya. Two-piece bikini ang suot niya. Hindi naman niya sinadyang magpa-sexy pero kanina, bago sila umalis ng Maynila at isukat iyon ay napagpasyahan niyang iyon na ang bauning pampaligo. Alam niyang magiging kaakit-akit siya para kay Tim sa bikini na iyon.
Maging si Tim ay attractive din sa suot nitong trunks. Parang hindi niya pagsasawaang haplusin ang matipunong katawan nito. Walang labis na taba sa katawan si Tim. Ang bulto nito ay halatang alaga sa tamang ehersisyo.
“I love you,” sabi nito at hinalikan siya.
Sandali niyang tinanggap ang halik na iyon. Bagaman nakababad sila sa tubig, hindi nagtagumpay iyon para mapatay ang init na mabilis na nanulay sa mga ugat niya dahil sa halik na iyon.
Bago pa siya tuluyang mawala sa huwisyo, siya na ang tumapos ng halik.
“Bakit?” wika ni Tim na bakas sa tinig at anyo ang pagtutol.
“Nakakahiya naman sa ibang nakakakita sa atin. Hindi naman natin solo itong lugar.”
Napangiti si Tim. “Madali lang ang solusyon diyan.”
Inaya siya ng binata na umahon. Magkahawak-kamay na tinungo nila ang cottage. Nang makapasok sila at sumara ang pinto, alam na rin ni Julianne ang mangyayari.
“Honey,” bulong nito sa kanya at hinaplos ang mukha niya.
Napalunok lang siya. Hindi niya alam kung ang kaba niya ay dahil sa takot o excitement. Naihanda na niya ang sarili sa posibilidad na iyon. pero ngayon ay inatake pa rin siya ng kaba.
“I love you so much,” anas nito sa kanya.
She sighed. Malaking bagay ang mga salitang iyon para mapawi ang kanyang kaba. Nang angkinin ni Timothy ang mga labi niya ay buong puso siyang nagpaubaya. Tinanggap niya ang paghalik nito at ginantihan iyon ng kaparehong init.
“I want you, honey,” bulong nito nang sandaling iwan nito ang kanyang mga labi at maglandas ang mga halik nito sa likod ng kanyang tenga.
“Tim,” sabi na lang niya at humigpit ang yakap niya dito.
“Please?” samo nito.
Tumango siya.
Magkayakap na tinawid nila ang maikling distansya na kinaroroonan ng kama. Doon ay maingat siyang inihiga ni Tim. Sa ilang sandali ay nanatili lamang itong nakamasid sa kanya
“You’re so beautiful,” bakas ang paghangang wika nito matapos siyang hagurin ng tingin mula ulo hanggang paa.
“And so are you, honey,” tugon niya.
Hinaplos ng binata ang mukha niya at masuyo siya nitong hinalikan. pero nang ibuka niya ang kanyang labi, walang babalang siniil siya nito ng maalab na halik.
Tila magbabara ang kanyang lalamunan sa lakas ng intensidad ng halik na yaon. Humigpit ang yakap niya sa batok nito at nagparaya sa mga pagdama ni Tim sa buong katawan niya.
Hindi niya mahanapan ng akmang salita ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon. Basta ang alam niya, bukod sa masarap na sensasyong pumupuno sa kanyang katawan ay naroroon din ang kaligayahan na ipinapaubaya niya ang kanyang sarili sa binata.
Anumang inhibisyon ay wala siyang nadama. Kahit nang ganap nang alisin ni Tim ang saplot na tumatakip sa kanyang katawan ay hindi siya nakdama ng hiya. Sa halip, tila nagkaroon pa siya ng tiwala sa sarili dahil nakikita niya ang lalong paghanga ni Tim sa kanya.
At nakikita rin niya sa mga mata nito ang kakaibang init.
“You’re so beautiful, honey. Perfect,” he said.
“And I bet you are too,” aniya at kumilos para siya ang mangahas na magtanggal ng huling saplot nito.
Sandali siyang napapikit nang tumambad sa kanya ang kanina ay itinatago ng maliit na damit. He was so male and virile. Tila namamagneto siya na hinaplos iyon.
“God!” ungol ni Tim at dumiin ang mga dulo ng daliri sa balikat niya.
Minsan pa ay siniil siya nito ng halik. Mas malalim, mas maalab. pero hindi iyon nagtagal sa kanyang mga labi. Lumipat iyon sa kanyang tenga at bumaba sa kanyang leeg. Hanggang sa buong katawan na niya ang pinapaliguan nito ng halik.
Halos maliyo sa masarap na pakiramdam si Julianne. Walang bahagi ng katawan niya na nilagpasan ng mapanuksong labi at dila ni Timothy. At tila nananadya pa itong nagtagal sa mga bahagi ng katawan niya na lubhang sensitibo.
“Tim, honey…” she whispered his name for no reason. Parang inaalipin ang buong sistema niya ng mabilis na paggapang ng tila apoy sa kanyang katawan. Bawat dampi ng mga labi nito, bawat tudyo ng dila nito sa punong-katawan niya ay napapakislot siya. Hindi na niya kayang ipaliwanag kung kiliti o kuryente ang gumagapang sa buong katawan niya.
“Now?” he asked.
Napahinga siya. “Yes,” she answered in almost a hissing tone.
Nagsimula ang binata na angkinin siya. At bagaman kapwa nila alam na handa na siyang tanggapin ito ay kapwa sila natigilan sa sakit na pumuno sa kanyang katawan.
Her face contorted with pain. At napahinto naman si Tim sa pag-angkin sa kanya.
“God, Julianne. I don’t expect this,” sabi nito na magkahalong gulat at kasiyahan ang mababakas sa tono. Isang tila nagdidiwang na pag-ungol ang pinakawalan nito at niyakap siya nang mahigpit. “Ah, I love you…”
For some still moment ay nanatili lamang silang magkayakap. Dama niya ang bigat ng binata pero balewala iyon sa kanya. Nang maramdaman niya ang munting paggiit nito, ikinilos niya ang mga hita at iniyakap sa bewang nito.
“Can you take me now?” buong pagsuyo na tanong nito sa kanya.
Isang pagtango ang itinugon niya.
She felt a momentary pain. pero mabilis nang naagaw iyon ng sensasyong minsan pa ay pumukaw sa buong katawan niya. Hinayaan niya si Tim sa tempo nito. At nang sa pakiramdam niya ay kaya na iyong pakibagayan ng kanyang katawan, kumilos rin siya at sinaliwan ang espesyal na sayaw nito.
She reached her c****x in no time at all. Halos bumaon ang mga kuko niya sa likod ni Tim nang maranasan iyon. She never knew it could be that powerful.
And then she felt his movement became faster. Hindi pa man humuhupa ang pakiramdam niya ay alam niyang hinihila na naman siya niyon paitaas. When he gave his final thrust, she felt she reached heaven again.