“DID I hurt you?” masuyong tanong sa kanya ni Tim habang magkatabi sila sa kama at namamahinga.
“Konti,” amin ni Julianne.
“I didn’t know, honey. I could have been more gentle to you,” malambing na wika nito at tila kasali sa sinabi ang paghingi ng paumanhin.
“It’s all right, honey,” nakangiti namang tugon niya. “Sabi naman nila talaga, masakit sa una.”
“But I made you happy, I hope.”
Tumango siya. “I am happy. Very happy.”
Isang magaang paghinga ang pinakawalan ni Tim at niyakap pa siya. Naramdaman niya ang magaang paghalik nito sa buhok niya. Napapikit si Julianne. Kung masarap ang pakiramdam ng kanilang pagniniig at masasabi rin niya masarap ang ganitong tagpo. Iba ang sarap ng pakiramdam na ganito lang sila at kuntento nang makayakap.
She could feel how gentle he was. Mas lalo siyang nagiging secured sa pag-ibig nito.
“Hindi na kita kukulitin na magkaroon ng column sa Style,” anito mayamaya.
“Bakit?” tanong niya. Lately, binibigyan na rin niya ng konsiderasyon iyon. Naisip niyang magandang exposure din iyon para sa career niya.
“Mayroon kasi akong ibang kukulitin sa iyo,” sagot nito at iniangat ang kanyang mukha palapit dito. Nakita niyang malapad ang ngiti nito at tila nangingislap pa ang mga mata.
Nangunot ang noo niya. “Ano iyon?”
“Let’s get married, honey.”
“Ha?” gulat na sambit niya. “A-ang bilis naman yata?”
Ngumiti pa ito at kinintalan siya ng halik sa tungkil ng kanyang ilong. “And so?” tila walang pakialam na sabi nito. “I love you. You love me. And that’s the most importante reason in getting married, honey.”
Hindi siya kumibo.
“Besides, now that I feel how good it is to be with you like this, mukhang hahanap-hanapin ko ito. And I want this to be morally right between us. Let’s get married, Julianne.”
“Kailangan ko na bang sumagot ngayon?” aniya.
“I’ll give you time to think, honey. Is five minutes enough?” tudyo nito.
Nalukot ang ilong niya at kinurot ito nang pino sa sikmura.
HINDI tuwirang sumagot si Julianne sa proposal ni Timothy pero sa isip naman niya ay parang pumayag na rin siya. Maligayang-maligaya siya sa maikling bakasyong iyon. Kung ilang beses silang nagsalo sa pisikal na ekspresyon ng pag-ibig ay hindi niya gustong bilangin. Basta ang importante sa kanya ay ang kaligayahang nadarama nila sa isa’t isa sa bawat pag-iisa ng kanilang katawan.
Bagaman tapos na ang bakasyong iyon ay masaya din naman siya na makauwi niya. Excited na siyang ikuwento kay Auntie Mildred ang mga nangyari. Alam niya, matutuwa ang matanda lalo na kung malalaman nito na nagbukas na ng paksa si Timothy ng tungkol sa kasal.
“I’m going to miss you, honey,” sabi ni Tim at inabot pa ang kanyang kamay.
Natatawang umungol siya. “Grabe! Araw-araw ka rin namang pumupunta sa shop ko, ah?” tudyo niya dito.
“Iba na ngayon. Mas marami akong mami-miss sa iyo,” pilyong wika nito.
“Ganoon?” kunwa naman ay angil niya.
Isang buntong-hininga ang ginawa nito. “Para ngang ayoko nang magkahiwalay tayo.”
“Uh-huh?”
“Magpakasal na tayo, Julianne. Sa civil lang muna. Then, simulan na nating ayusin ang grand wedding.”
“Hmm, matutuwa ang wedding girls!” natatawang sabi niya.
“Mas matutuwa ako, honey. Pumayag ka na, please?”
“Give me some more time to think,” tila nanunuksong wika niya.
“Three days?” kulit naman ni Tim.
“Four days,” sagot naman niya at tumawa na naman. Sa tono naman ng usapan nila, parang pinaalam na rin naman niya kay Tim ang sagot niya.
“Four days,” ulit ni Tim at nasisiyahang tumango.
Malapit na sila sa shop niya nang agawin ng matinding kaba ang kaligayahang umaapaw sa puso niya. Napailing siya. Hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin niyon pero hindi niya gusto ang ganoong pakiramdam.
“O, natahimik ka?” pansin sa kanya ni Tim.
“Ewan ko ba,” aniyang bakas sa tinig ang pag-aalala. “Bigla akong kinabahan, eh.”
“Baka naman gusto mo lang na ngayon na iyong four days,” kantiyaw nito.
Tipid lang siyang ngumiti. Hindi nabura ng salitang iyon ni Tim ang kaba niya. Nang makarating sila sa shop ay saka niya nalaman ang kahulugan ng kabang iyon.
“Ate,” salubong sa kanya ni Lea, ang assistant niya. “Patay na si Auntie Mildred,” iyak nito.