15

1264 Words
“WOW! JULIANNE, milyonarya ka na!” tili ni Eve nang ikuwento niya rito ang tungkol sa testamento ni Auntie Mildred. “Hindi pa. Hindi ko pa nasusunod ang kondisyon niya.” “Sus! Ang dali lang nun! Di ayain mo na si Tim na magpakasal kayo! Hay, naku, excited na ako for you! And I’m sure, excited rin ang lahat ng wedding girls kapag nalamang ikakasal ka na!” “Actually, nag-propose na nga si Tim. Gusto nga civil muna, then saka na lang daw ayusin iyong grand wedding.” Napatili na naman si Eve. “So, in the bag na nga ang pagiging milyonarya mo! Teka, alam ba ni Tim ang tungkol diyan?” “Hindi ko pa nasasabi. Pupunta din naman kasi iyon mamaya dito. Mamaya ko na lang sasabihin pagdating niya.” “So, what do you want for your wedding? Theme wedding? Medieval kaya?” “Heh! Iyon nga civil wedding, wala pa, eh.” “Gusto mo ngayon na?” sabi ng isang taong bigla na lamang pumasok sa opisina niya. “Tim!” gulat na wika niya na may halong kasiyahan. “Kanina ka pa ba diyan?” “Ehem, ehem!” sabi ni Eve sa kabilang linya. “Obvious namang wala na ang pansin mo sa akin. Call me na lang pag may kailangan ka. Congrats, Julianne.” “Okay, sis. Thanks.” “How are you, honey?” sabi sa kanya ng binata at dumukwang ito sa kanya para halikan siya. “Okay lang. Kausap ko si Eve.” “And you’re telling her about our wedding?” Napatango siya. “Excited na nga, eh. Teka, kanina ka pa ba nakikinig sa usapan namin?” “Of course not. Kadarating ko lang. Sabi sa akin ni Lea, tumuloy na ako dito. Narinig ko lang ang huling sinabi mo. Ang speaking of that, ano, gusto mo nang magpakasal ngayon?” “Ang bilis naman?” “So that we can spend our honeymoon soon,” pilyong sabi nito, “Hmmm?” At dumako ang mga labi nito sa kanyang tenga. “I miss you, honey. I miss our wonderful moments in bed.” Napalunok siya. Walang duda na napupukaw ni Tim ang emosyon niya sa paraan ng pagsasabi nito at ganoon din naman ang maliliit na basang halik na ginagawa nito sa kanyang tenga. “Come on, honey, let’s get married. May kaibigan akong hukom. Siya na ang bahala sa mga papeles.” “Tim.” “We’re both adults, Julianne. Kung kailangang kumbidahin ang mga kamag-anak at kaibigan, gagawin natin iyon sa pagpapakasal natin muli. At engrande iyon gaya ng pangako ko sa iyo. We will make that an event of the year.” “Tim.” “What?” “Nasaan iyong judge na sinasabi mo?” Biglang namilog ang mga mata ni Tim at lumuwang ang ngiti nito. Isang mariing halik ang iginawad nito sa kanyang mga labi at hinila ang kamay niya. “Let’s go.” SA ISANG primera-klaseng hotel sila tumuloy pagkatapos ng civil rites. Hindi kayang sukatin ni Julianne ang kaligayahang nadarama niya nang mga sandaling iyon. Her mind seemed like spinning. Kay raming bagay ang nangyari sa kanya nang araw na iyon. Hindi pa niya nasasabi kay Tim ang tungkol sa testamento ni Auntie Mildred. Parang walang puwang ang naturang paksa sa mga sandaling iyon. She was now a married woman. Ang bagay na iyon ang mas nakatimo sa isip niya. “I’ll make you the happiest wife in the world,” sabi sa kanya ni Tim. “I’ll never hurt you. I’ll naver make you cry until it’s a cry for joy.” “I love you, Tim,” buong kaligayahang wika niya dito. “I love you too. I love you so much.” Mas espesyal ang pag-iisa ng kanilang katawan sa pagkakataong iyon. Akala niya ay naibigay na niya ang lahat kay Tim pero nang mga sandaling iyon, naramdaman niya kung paanong ipahayag ang kanyang pag-ibig dito na buong laya. NAGISING si Julianne na mataas ang tinig ni Tim. Ngayon lamang niya nakita na tila galit ito. Itinakip niya ang kumot sa kanyang katawan at bumangon. Nasa makalabas ng kuwarto ng suite si Tim at may kausap sa telepono. “Honey,” tawag niya dito. Pagkakakita nito sa kanya ay agad nitong pinatay ang telepono. Agad ding umaliwalas ang mukha nito. Humakbang ito palapit sa kanya at dinapian siya ng halik sa mga labi. “Good morning, honey.” “Good morning din. Ang aga-aga, mukhang may kaaway ka na agad,” aniya. “Wala iyon. Contractor iyon ng condo na binili ko. Nagdadahilan pa, eh, gusto ko ngang matapos niya agad ang improvements doon para makalipat na tayo.” “Bumili ka pala ng condo?” Tumango ito. “Noong isang araw lang. Gusto ko nga sanang gawing sorpresa sa iyo kaya hindi ko sinasabi. Kaya lang nagising ka na pala. What do you want for breakfast, honey? Nagpaakyat na ako ng kape.” “Ganoon na lang din ang sa akin,” sagot niya. “Let’s shower together, honey,” sabi nito at kinalas ang pagkakatapis ng kumot sa katawan niya. “Shower?” nanunudyong wika niya. Kumindat ito sa kanya. “Uh-huh. Pagkatapos, we’ll have a breakfast in bed.” “Akala ko ba kape?” kunwa ay maang na tanong niya. “Iba naman ang ibig kong sabihin. And I know that you know it too.” Natawa siya. “Yeah, of course.” Napatili na lang siya nang pangkuhin siya ni Tim at dalhin sa bathroom, “FOR THE meantime, magpapalipat-lipat muna tayo. It’s either ako ang matutulog sa apartment mo o ikaw naman ang matutulog sa office. Hindi kaya mailang ka doon? Opisina pa rin iyon kahit natitirhan ko iyong kuwarto,” sabi ni Tim. Tapos na ang tatlong araw nilang pamamalagi sa hotel. Napag-usapan nilang sa shop muna niya tumuloy. At ngayon pa lang din nila napag-uusapan ang tungkol sa magiging setup nila. “Mayroon naman kasing umuupa doon sa talagang bahay ko,” aniya. “It’s all right. Dalawang linggo lang namang medyo magulo ang setup natin. After that, tapos na ang pinapagawa ko sa condo. Gusto ko, tapos na tapos na iyon pag dinala kita doon.” “Ano ang kulay ng pintura?” excited na tanong niya. “Neutrals. Iyon kasi ang nakita ko sa office mo. Ibinagay ko doon iyong kulay ng condo. Don’t worry, honey. Ikaw ang bahalang mag-ayos doon. Ang ipinaayos ko lang naman ay ang division. Ikaw ang bahalang mamili ng mga gamit na ilalagay doon.” “Okay.” “By the way, mamaya ay tatawag tayo uli sa US. Hopefully, nandoon na sa bahay si Mommy para maipakilala na kita sa kanya,” anito. “Oo nga,” ayon naman niya. Dalawang beses na itong tumawag sa ina nito pero parating answering machine ang sumasagot. Siya naman ay natawagan na rin ang pamilya at ipinaalam ang tungkol sa pagpapakasal niya. Masaya naman ang pamilya niya sa nabalitaan at nangako ang mga itong uuwi sa kasal niya uli. “I’ve never been happier in my life, honey,” sabi sa kanya ni Tim. “I’ve never been this in love before. I’m so glad you came into my life.” Napabungisngis siya. “Para namang linya ng kanta iyan,” tugon niya pero nangingislap ang mga mata sa kaligayahan. “And so? Iyan ang nararamdaman ko para sa iyo. I love you.” “Alam mo na rin ang sagot ko sa salita mong iyan,” matamis ang ngiting wika niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD