14

1402 Words
SA WARI ay pinlano na ni Timothy ang pagpunta nila sa hotel. Nang dumating sila sa suite na kinuha nito, ilang sandali lang ay mayroon nang nag-set ng table doon at mga espesyal na putahe ang inihain. Noon lang siya nakakain nang maayos buhat nang mamatay si Auntie. Palagi na ay produkto ng fast food ang nagiging pantawid ng gutom niya kund man kape. Hindi niya gustong umalis sa funeraria sa pag-asang may darating na kamag-anak ang matanda. “Ang dami kong nakain,” aniya nang matapos sila. “Mainam iyan, para makabawi ka,” sabi naman ni Tim. “Mamahinga lang tayo sandali. Then mag-swimming tayo sa pool nitong hotel o kaya naman doon tayo sa health spa.” “Mukhang mas maganda sa spa. Mas relaxing doon.” “At magiging masarap ang tulog mo pagkatapos,” dagdag nito. “Thanks, Tim. You’re so thoughtful. Naisip mong mabuti sa akin ang ganito.” “I love you, Julianne. That’s why.” Napangiti siya at dumukwang dito para dampian ito ng halik. Sinamantala naman ni Tim ang kilos niyang iyon para magtagal pa ang mabilis sanang halik. “Baka ma-postpone ang pagpunta natin sa spa kapag ganyan,” nanunuksong sabi nito at hindi na siya pinayagang lumayo pa dito. Hinila siya nito para mapaupo siya sa mismong kandungan nito. “Dito na lang kaya tayo? After all, may whirlpool bath naman ang suite.” Napabungisngis siya. “Ang bilis naman ng change of plans,” kunwa ay reklamo niya pero ginantihan din niya ng pilyang ngiti ang pilyang titig nito sa kanya. “Miss na miss na kita, eh,” sabi nito at pinupog ng halik ang leeg niya. “Tim!” tili niya. “Scream more, honey,” sabi lang nito. “Soundproof naman itong kuwarto,” at binuhat na siya nito patungo sa kama. Nanghihingi ng sapat na tulog ang katawan niya pero nang lumapat ang likod niya sa malambot na kama ay nakalimutan niyang kailangan niya ng tulog. Nasalin ang atensyon niya sa mga paghalik ni Tim sa buong katawan niya. Saglit lang ay nagawa na rin nitong hubarin ang lahat ng damit niya. They made love right away. Hindi inaasahan ni Julianne na sa mabilis na sandali ay kaya niyang maakyat ang r******************n. “I love you so much,” bulong sa kanya ni Tim nang tumabi ito ng higa sa kanya. “I love you too,”tugon niya dito. “Happy?” She sighed. “Bakit ganoon ang buhay?” tanong niya at ipinako ang tingin sa kisame. “Ngayong masaya ako sa iyo, saka naman nawala si Auntie. Alam mo ba, boto din sa iyo ang matandang iyon?” “Baka naman ako ang parang kapalit niya sa iyo,” sabi nito. “Saka may edad na rin iyong tao. Tanggapin mo nang kailangan na niyang mamahinga.” Napatango na lang siya. “May gusto akong ipaalala sa iyo, honey,” wika ni Tim. “What?” Ngumiti ito. “Actually, one day na ngang delayed iyong gusto kong sabihin sa iyo.” Bumangon ito at dinampot ang hinubad na pantalon. Mula sa bulsa ay mayroon itong kinuha. Muli itong sumampa sa kama at ipinakita sa kanya ang isang singsing na nangingislap ang nakatampok na brilyante sa gitna. “Tim?” “It’s been five days,” sabi nito. “Four days lang ang usapan natin, di ba?” Napalunok lang siya. “Will you marry me, Julianne?” Napapikit siya ng mariin at isang malalim na paghinga ang ginawa bago dumilat. “Yes, Tim. Yes.” Umaliwalas ang anyo ng binata. Kinuha nito ang kamay niya at isinuot ang singsing. Pagkuwa ay niyakap siya nito. “I love you, honey.” “I love you, too.” Kinabig siya nito at siniil ng halik. Chapter Seven “ATTORNEY, hindi ko pa rin ho maintindihan,” sabi ni Julianne kay Attorney Romero matapos na basahin nito sa kanya ang testamentong nagsasaad ng pag-iiwan sa kanya ng buong kayamanan ni Mildred Sunico. “Iyan ang gusto ng matanda. Ginawa ko lang ang trabaho ko bilang abogado.” “Pero kung sakali man ho na makasunod ako sa kondisyon ni Auntie, hindi kaya maghabol din si Cynthia? Siya ang pamangkin nito.” “Hija, si Cynthia ay naturingan lamang na pamangkin. Ang totoo, walang kasulatang nagsasaad na magkamag-anak si Cynthia at Mildred. Malamang ay pinalaki lamang ni Mildred si Cynthia at ipinakikilalang pamangkin sa lahat pero kung papel ang pagbabatayan, walang mapapatunayan si Cynthia na karapat-dapat siyang gawing tagapagmana.” Napabuntong-hininga siya. “Mahirap pa rin hong maniwala. Ibig kong sabihin, hindi ko inaasahan na sa akin iiwan ni Auntie ang mga kayamanan niya.” “Bukambibig ka sa akin ni Mildred noong nabubuhay pa siya. Kung sana raw ay kasing-bait mo si Cynthia, disin sana raw ay wala siyang problema. Ang kaso nga ay lubhang matigas ang ulo ng babaeng iyon. Walang ibang iniintindi kundi ang sarili.” “Nasaan po siya ngayon? Ang sabi sa akin ng assistant ko, isang araw bago namatay si Auntie ay nag-away pa ang dalawa.” “Kinontak na ako ni Cynthia. Mayroong sulat na iniwan sa kanya si Mildred. Ibinigay ko na iyon sa kanya kahapon.” “Alam ho ba niya ang nilalaman ng testamento?” “Maliban sa inilagay ni Mildred sa sulat ang tungkol doon, walang ibang makakapagsabi kay Cynthia kung saan mapupunta ang yaman ni Mildred.” “Pero tiyak ho ay magtatanong si Cynthia. Malaki namang talaga ang interes niya sa pera ni Auntie.” “May malaking withdrawal si Mildred sa bangko noong bago siya mamatay. Wala naman siyang ibang pagdadalhan ng pera kung hindi si Cynthia. Sa nakalipas na mga taon ay ganoon naman ang palaging nangyayari. Bagaman galit siya sa alaga niyang iyon, napipilitan din siyang maglabas ng pera dahil hindi naman titigil si Cynthia sa pambubulabog sa kanya.” “Pero hindi hamak na mas malaki pa rin ang naiwan ni Auntie. Ito na lang hong value ng lupa at apartment ay malaking pera na. Iyon pa ho kayang ibang asset ni Auntie.” “At lahat ng iyan ay sa iyo mapupunta, Julianne,” nakangiting sabi ng abogado. Minsan pa ay napahinga siya. Hanggang ngayon ay parang hindi pa rin niya gustong maniwala. “May boyfriend ka ba ngayon, hija?” Tumango siya. “Alam ho ni Auntie Mildred ang tungkol kay Tim.” “Baka kaya niya pinabago sa akin ang ibang bahagi ng testamento ay dahil doon. Alam mo, noong isang taon ay kalahati lang ng yaman niya ang dapat na iiwan sa iyo. Ang iba ay ipapamahagi niya sa kawanggawa. Pero nitong huli ay pinalitan niya iyon. Ibinibigay niya sa iyo ang lahat iyon nga lang, inilagay rin niya ang kondisyon na mag-asawa ka.” “At kung hindi ko gagawin ay kay Cynthia mapupunta ang lahat?” Ito naman ang tumango. “Kung galit ho siya kay Cynthia, bakit kay Cynthia niya rin ibibigay ang kayamanan niya kung hindi ko magawa ang kondisyon niya?” “Isa lang ang nakikita ko, Julianne. Marahil ay ssunod ka sa kondisyon ni Mildred kaysa naman hayaan mong mapunta kay Cynthia ang kayamana ng matanda, di ba? Hindi sa sinasang-ayunan kong sumunod ka sa kondisyon ni Mildred pero para na rin iyon sa iyo. Kung kay Cynthia mapupunta ang lahat, sa isang iglap ay malulusaw lang ang kayamanang sininop ni Mildred sa buong buhay niya.” “Ang totoo, Attorney, inalok na nga ako ng kasal ni Tim.” At ipinakita pa niya dito ang singsing na ibinigay sa kanya ng binata. “Congratulations!” nakangiting bati sa kanya ng abogado. “Hindi ka naman pala mahihirapang sumunod sa kondisyon ni Mildred. Sana ay maging maligaya ang pagsasama ninyo ng kasintahan mo, hija. Kungsabagay, kahit naman magkahiwalay kayo ay tatlong taon lamang na pagsasama ang hinihingi ng matanda. Pagkatapos ng panahong iyon ay mapapasaiyo nang buo ang kayamanan niya. Pero harinawang maging habambuhay ang pagsasama ninyo. After all, marriage is indeed a lifetime commitment.” Napatango siya. “Bueno, ako’y hindi na magtatagal. Si Atty. Maclang ang bahala sa pagbibigay ng notice sa mga tenant nitong apartment. Wala namang bilin si Mildred na paalisin ang mga umuupa maliban na lamang kung may lalabag sa mga kasunduang pinirmahan ng tenant kay Mildred noong nabubuhay pa siya. Good luck to you, hija.” “M-maraming salamat ho.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD