HINDI niya matandaang nagbigay siya ng permiso kay Tim para halikan siya. pero nang bumaba ang mukha nito sa kanya at maglapat ang kanilang mga labi, anumang pagtutol ay hindi naman niya naramdaman sa kanyang puso.
Sa halip, napuno ng antisipasyon ang buong sistema niya. Masarap ang kiliting dulot ng paglapat ng mga labi nito sa kanya. Nakakakilig ang mumunting kuryente na gumagapang sa kanyang katawan dahil sa maliliit na halik na iginagawad nito mula sa isang sulok ng kanyang mga labi hanggang sa kabila.
Sa kilos na iyon ay parang lalo siyang pinasasabik sa mas marubdob pang halik nito. pero hindi iyon ginawa ni Tim.
Hinapit nito ang kanyang bewang para lalong lumapat ang kanyang katawan sa matipunong katawan nito. Pinaliguan nito ng mga pinong halik ang buong mukha niya. She felt a little tremble within her. pero tila tumataas ang intensidad niyon dahil sa pagkasabik niya sa susunod pang gagawin ni Tim.
And the he claimed her lips. Tila tapos na ang seremonya at bigla na lamang iyong inangkin.
Hindi niya napaghandaan ang malakas na puwersang epekto ng maalab na halik na iyon. Parang sa isang iglap ay tumakas ang lahat ng lakas sa kanyang mga tuhod at binti at kinailangan niyang mangunyapit dito.
Kusa nang pumulupot ang mga bisig niya sa leeg nito. Sa minsan pang paglalim ng halik nito ay ginantihan niya iyon. And she felt another wonderful pleasure.
Hindi matukoy ni Julianne kung kaninong ungol ang namayani sa silid na iyon. Basta ang alam niya, pagkatapos niyon ay lalong umalab ang halik na painagsasaluhan nila.
Tila isang kumpetisyon ang halik.
Parang doon bumuhos ang kasabikan sa isa’t isa. At habang magkahinang ang kanilang mga labi, damang-dama naman ni Julianne ang isang emosyong matagal na rin niyang hinihintay na maramdaman.
“Oh, God, I can’t get enough of you,” daing ni Tim at niyakap siya nang mahigpit.
Hindi naman magawang kumibo ni Julianne. Ramdam niya ang tila pangangatal ng kanyang mga labi dulot ng matinding halik na iyon.
Nang akayin siya ng binata patungo sa mahabang sofa, ganoon na lamang ang pasasalamat niya. Isang ginhawa ang nadama niya nang makaupo doon.
Akala niya ay eksaherasyon lamang ang sinasabi ng iba pero naranasan na niya ngayon kung paanong tila mawalan ng lakas ang kanyang mga tuhod dahil sa isang makapangyarihang halik.
“I think I’m falling for you, Julianne,” seryosong sabi ni Tim habang ang isang kamay nito ay nakayakap pa rin sa kanyang bewang.
Bagaman nakaupo na sila ay tila wala pa rin itong balak na magkahiwalay sila. Hindi nagbabago ang diin ng pagkakahapit nito sa bewang niya. At aaminin niyang gustong-gusto rin niya ang pakiramdam na nakadikit dito.
“Let’s have this relationship, Julianne,” may lambing na sabi nito at nang magbuka siya ng mga labi ay maagap nitong tinakpan iyon ng dalawang daliri nito. “Maybe you’re going to say that it’s too early for us to have a relationship.”
Tumango siya at napangiti. “Talaga naman, di ba?”
“Feel this,” anito at dinala ang kanyang palad sa dibdib nito. “No woman made my heart beat this way until I met you, honey. Noong una pa lang kitang makita, alam ko nang magiging espesyal ka sa akin.”
“Tim.”
“Believe me, Julianne. Mas magiging madali para sa atin na makilala nating lubos ang isa’t isa kung magsisimula na tayo ngayon pa lang. Kapag nanliligaw pa lang ang isang lalaki, marami pang pretentions. Marami pang pagpapa-impress samantalang kung mas palalalimin natin ang isang relasyon, mas ganap nating makikilala ang isa’t isa.”
“Yes, I think so,” wika niya.
Lumapad ang ngiti ni Timothy. “But of course, magpapa-impress pa rin ako sa iyo. I want to show you that I’m worth of your trust. And love.” Hinaplos nito ang mukha niya. “You’re going to love me, honey. I’ll do everything to make you do so.”
Anuman ang sana ay itutugon niya roon ay napigil na nang minsan pang pagyuko ni Tim sa kanyang mukha. Sinelyuhan nila ang usapang iyon ng isa pang masarap na halik.