After that accident, hindi na ako naka labas nang bahay dahil sunod sunod na ang mga natatanggap kong death threat. Hindi lang ako kundi pati si Kuya, may mga nag papadala na din sakanya ng mga message katulad nang sinabi nila saakin
Katulad ng
Bang. Cant wait to see you dying. Hahaha
Goodbye Little Queeni
Enjoy your Last day
My dad hire many body guards to secure us. And for the second time around, I feel so scared. What if pasabugin nila ang bahay namin. Natatakot ako, hindi lang para sa pamilya ko. Kundi para kay Luther.
Simula nang araw na mangyari ang paghahabol saamin sa gubat sa bahay na natutulog si Luther. Ang mama at mga kapatid nya ay dinala sa isang Private ressort namin sa tagaytay. Hindi sila pweding mag pakalat kalat sa daan, maaari din silang saktan. Hindi na rin ako pumasok para hindi na madamay ang mga kaibigan ko sa nangyayari saamin ng pamilya ko
I think dumating na ang kinatatakutan ko
"Kuya, hindi paba kami pweding pumasok?"
Ayoko na sa bahay, wala akong ginagawa kundi kumain, manood at matulog. Hindi ko naman mahagilap si Luther dahil parati syang umaalis kasama si Daddy. Daig pa nga ako ni Luther eh. Lagi nyang kasama si daddy
"You know the answer Baby"
I pout my lips. Kahit ilang ulit ko kulitin si Kuya hindi rin sya papayag. Nakakaasar, minsan parang gusto ko nalang maging mahirap. On the second thought, wag nalang. Baka pagtawanan ako nang mga inggit saakin. Aba. I can't imagine the Queen will be poor. Oh geez.
Padabog akong pumanhik sa taas, ano bang gagawin ko sa malaking bahay na to? Psh.
Humilata ako sa higaan, pinagmasdan ko ang kulay bughaw na kisame. Lahat ng bagay na makikita mo sa kwarto ko ay kulay bughaw.
Beep Beep
One Message Recieve
From: 09*********
You want to go out? Its me. Luther.
Napatayo ako sa pag kakahiga ko. Kumurap ako nang tatlong beses dahil baka namamalikmata lang ako sa nababasa ko.
Niyayaya ba nya akong lumabas?
Nanginginig ang kamay ko habang nag tatype.
To: 09*********
Why? Are you asking me on a date? Haha. Kidding aside. Yes please. Im fckin bored. I wanna get out of here but kuya denviel lock the door outside. Paano tayo makakalabas?
Sent
From: 09********
Just wait a minute
Hindi na ako nag reply, tumayo ako at sumilip sa bintana.
Nanlaki ang mata ko dahil nakita ko si Kuya Denviel na nagmamadaling umalis. Dont tell me,
Plinano na lahat ni Luther to? Napailing nalang ako,
Tumakbo ako pababa at sinalubong si Luther.
"Lets go" Sabi nya pero hindi man lang ngumiti
"Saan tayo pupunta? Tsaka paano tayo lalabas may mga body guards sa labas"
Kahit saang sulok ka tumingin sa bahay may mga nagbabantay. Daig pa nga namin ang presidente.
Natulala ako nang hawakan nya ang kamay ko "Just go with the flow okay?"
Tumango nalang ako at hinayaan syang hatakin ako, may tiwala naman ako sakanya kahit papaano alam ko na hindi nya ako ipapahamak
Paglabas namin ng pintuan hinarang agad kami. I told you, hindi kami basta basta palalabasin
"We need to go. I am Rhine Luther Waye her personal body guard. I promise I wont put her life in danger. Alam na ni Sir ito, kailangan lumabas ni Ms. Queeni para sa isang check up. Sumasakit ang tyan nya. Nagtatae sya kagabe."
Hinigpitan ni Luther ang hawak nya sa kamay ko, nagets ko naman ang ibig nyang sabihin pero putsha
Napanganga nalang ako sa pinagsasabi nya Just go with the flow nga kaya hinawakan ko ang tyan ko at kunwariy namamalipit sa sakit. Sorry dad, I think we need to do this. Ayoko maburo sa bahay na to!
"Ma'am okay lang po ba kayo?" Tanong saakin ng isa
"H-i-nd-i. M-uk-ha b-a ak-ong okey? P-ag ma-y nangyar-i saa-kin l-agot k-ayo ka-y daddy"
Gusto kong batukan ang sarili ko dahil sa kabaliwan na naisip ko, ibang klase talaga gumawa nang plano ang lalaking to.
"Sige po! Dalhin nyo na si ma'am sa hospital"
Nakahinga ako ng maluwag dahil hinayaan na kami na lumabas, putsha.
Karga karga ako ni Luther papunta sa kotse. Aaminin ko sa oras na ito sobrang bilis nang t***k ng puso ko.
Pagsakay ko nang kotse "That was a epic plan Luther!" I shouted
Kailangan ba nya sabihin na natatae ako pwedi naman nyang sabihin na may something na nangyari kaya we need to go out hindi yung.. aish
"Magpasalamat ka nalang" Bagot na sagot nya
Tumahimik nalang ako, sabagay may point sya. Dapat mag pasalamat nalang ako sakanya dahil nakaalis ako sa bahay. Hindi ko naiwasan na hindi matakot, what if may mangyaring masama saamin sa pagtakas namin ngayon? Panigurado na magagalit si daddy.
"Saan ba tayo pupunta?"
"Where do you want to go?"
I convulse my head. Ngayon paba ako aatras kung kailangan nakaalis na kami.
Nag isip ako ng lugar, gusto kong mag travel sa ibang lugar, Sumakay nang mga rides. hindi kami pweding pumunta sa Star city or Enchanted kingdom. Malapit lang dito iyon for sure masusundan kami ni Daddy.
"Sky ranch" I answer
I turn off my phone para hindi ako ma detect kung nasaan kami
"San fernando pampanga?" He ask me
I nodded. "And wait. Turn off your phone too Luther"
"Paki kuha yung cellphone ko sa side"
I rolled my eyes. Ako pa talaga ang uutas. Psh. Kinuha ko ang cellphone nya sa side at tinurn off iyon.
Ipinikit ko ang mata ko sandali at sumandal. I want to escape from reality kahit ngayon lang. Hindi ako nagsisisi na naging mayaman kami but sometimes nawawalan na kami nang kalayaan na mamuhay ng maayos at mapayapa
Bakit ba may mga tao na ang hilig gumawa ng masama sa kapwa nila. Paano nila naatim na magnakaw para lang may makain oh maipakain sa mga pamilya nila. Andami namang paraan para kumita ng pera
"You can sleep. Gigisingin nalang kita pag nandoon na tayo"
Tumango ako kahit nakapikit. I think I need to sleep.
---
Nagising ako sa mahinang pagtapik sa mukha ko, pagmulat ko nabigla ako dahil sobrang lapit ng mukha ni Luther saakin
Mabilis kong itinulak ang mukha nya palayo saakin
"Pwedi mo naman ako kalbitin hindi mo kailangan ilapit ang mukha mo saakin"
Nakakainis kasi, kailangan ba talaga nyang ilapit ang mukha nya saakin. Putsha. Nauubusan ako ng hininga sa ginagawa nya eh!
"Ts." Yun lang ang isinagot nya sa mahabang linya ko! Kaasar talaga.
Padabog kong isinara ang pintuan ng kotse, alas singco na nang gabi. Marami nang mag syota na nagdadatingan.
Napako ang tingin ko sa dalawang tao na nag susubuan ng kinakain nila.
Then I remember something .
We used to go here when were still together. I felt a pang of pain in my chest.
Geez. I should not thinking about the past, Oh please Queeni. Get your mind back! Damn.
Tumingala ako para pigilan ang luha na nag babadyang tumulo. Damn Queeni! Tandaan mo pumunta ka dito para mag pakasaya hindi para mag emote!
"Are you okay?" Nabigla ako ng hawakan ni Luther ang pisngi ko
Hindi ako naka pag react agad dahil Natulala ako sa ginawa nya, bigla nalang bumilis ang t***k ng puso ko. Parang milyong milyong kuryente ang bigla nalang dumaloy sa katawan ko
Tinampal ko ang kamay nya "Im fine okay?" Inayos ko ang sarili ko. Putsha umayos ka nga. Ano bang ginagawa mo! Suway ko sa sa sarili ko
"Learn to move on and forget the things that hurt you. You are not living in the past anymore Queen."
I was shocked. What the hell his talking about. How did he know?
"Lets go. We are here to enjoy. Dont spoil the night Queen!"
Natulala ako nang ngumiti sya, ngayon ko lang sya nakita ngumiti at ang masasabi ko lang ay
DAMN! Sobrang gwapo nya! Nakaka alis nang badvibes ang ngiti nya. Shete. Hinayaan ko lang syang hatakin ako.
Tumigil kami sa tapat ng Roller Coaster. Na excite ako matagal na rin nang huli akong sumakay nyan.
"Are you ready?" Tanong ni Luther saakin
Ngumiti ako nang matamis sakanya. Kahit ngayon lang Queen, dont spoil the night.
Pumikit ako ng maramdaman ko na aandar na ang sinaaakyan namin. Puro tili at sigawan ang lahat ng naririnig ko
"KYAAAAAAAAAAAH!" Tili ko
"OPEN YOUR EYES QUEENI!"
Pagbukas ko nang mga mata ko ang masayang mukha ni Luther ang sumalubong saakin, Hindi ko pinansin ang pagbaligtad at pagikot namin. Titig na titig lang ako sa masayang mukha ni Luther.

Ngayon ko lang sya nakita nang ganito kasaya, I dont know but I felt happy too.
"ANG GWAPO GWAPO NANG KATABI KO! SANA PALAGI NALANG SYANG NAKA NGITI!" Sigaw ko sa hangin
Napako ang tingin saakin ni Luther, ngumiti ako sakanya hindi naman ako napahiya dahil ginantihan nya din ito ng matamis na ngiti
"THE GIRL BESIDE ME IS SO DAMN BEAUTIFUL! THATS WHY *******"
Hindi ko narinig ang huli nyang sinabi dahil sa sunod sunod na hinayawan at tilian.
Ilang ikot pa ang dumaan bago kami bumaba, parang babaligtad ang sikmura ko dahil sa hilo.
"Lets take a sit first"
Umupo kami ni Luther malapit sa isang booth.
"I want to drink" Anas ko
Tumayo sya, napatitig lang ako sa likod nya. Sa oras na to alam kong hinahanap na kami ni Daddy.
I shook my head. I am here to enjoy the night.
Bumalik si Luther na may bitbit na isang bottled mineral water at burger.
"Here" Iniabot nya saakin ang tubig
"Bakit isa lang? Ayaw mo bang uminom?"
"Lets just share" He said
My eyes widened. "What? Bakit hindi kapa bumili ng dalawa"
"Isa nalang hindi ako mayaman. Dont worry masarap naman ang laway ko"
Hinampas ko sya sa balikat dahil sa sinabi nya "Kadiri ka"
Pagkatapos kong uminom binigay ko sakanya. Akala ko ay pupunasan nya pa, napa awang ang bibig ko dahil walang gatol nya iyong ininom
"Indirect kiss"
I gave him a death glare. Bigla nalang akong nailang sa pwesto namin ngayon.
Mahabang katahimikan ang namayani saamin, iniikot ko ang paningin ko. Sana ganito nalang palagi, masaya walang gulo.
Hindi ko maiwan ang hindi mangiinggit sa mga taong nakapaligid saamin. Nagagawa lahat nila ang gusto nila, hindi katulad namin ni Kuya Denviel.
Mayaman nga kami, iniisip nang iba na masaya ang buhay nang katulad namin. Pero nag kakamali sila, dahil laging nasa panganib ang buhay namin
"Gusto mo pa bang sumakay?"
I shook my head "Ayoko na. I just want to be free kahit isang araw lang. Sapat na saakin ang pagsakay natin sa roller coaster kanina"
He take a deep breath "If you will given a chance to change your life now. Will you choose to be poor?"
I raised my eyebrow "Ano to pageant? Kailangan may Question and Answer portion?" Biro ko sakanya
Tipid syang ngumiti "Yes. So what's your answer?"
Saglit akong nanahimik para mag isip. Ano nga ba ang pipiliin ko? Gugustuhin ko bang maging mahirap?
"I think no. I would not change the way I am now. I am happy because I have a lot of money I can buy whatever I want. I can eat every food I want to eat. Being poor is not in my vocabulary. Me? Poor? Oh fudge. That will never happen"
Masaya ako sa buhay ko ngayon, pipiliin ko pa bang maging mahirap pala lang maging malaya
"You've got to take the good with the bad. Smile with the sad and love what you got and remember what you had. M. Learn from your mistake but never regrets "
I was taken back. Bakit ba kapag sya na ang nagsalita sobrang lalim at ang hirap unawain. Ganoon na ba nya ako kakilala?
"Tell me, gaano mo na ba ako kakilala?"
Isang tipid na ngiti lang ang isinagot nya saakin.
And it creeps the hell out of me.