"You really dont want to go home?" He ask me.
I shook my head and take a deep breath. I dont want to go home, gusto ko pang mag travel. Ayoko kapang umuwi sa bahay for sure problema lang naman ang babalikan ko doon. Hindi rin ako magiging malaya katulad ngayon.
I just need a little break from everything for a little while.
Kanina pa kami naka sakay sa kotse. Its already 1 in the morning and were still here.
"Why?"
I just shrugged my shoulder
"Okey" Pagsuko nya
Pinaandar nya ang sasakyan, mabilis kong hinawakan ang braso nya "Saan tayo pupunta ngayon?"
"Kahit saan" tamad nyang sagot
"Meron bang lugar na kahit saan?" Naka taas kilay kong tanong sakanya
Napabuga sya nang hangin at seryosong tumingin saakin "You dont want to go home right? So relax, trust me. I wont put your life in danger"
I nodded. Bahala na nga sya kahit saan pa kami pumunta basta malayo sa Manila. May tiwala naman ako sakanya hindi ba.
Dahil naiinip ako binuksan ko nalang ang phone ko. Tumambad saakin ang
150 message
78 missed calls
From: Kuya Denviel
Where are you?!
-
Get your ass back here Queeni Lhizhete Guina!
-
The hell. Dont you dare shut your phone Queen! Im dead serious now! You need to go home! Dont be stubborn please.
-
From: Daddy
Princess. Where are you? Oh darling please go home.
-
From: Mommy
Sweetheart. Dont be stubborn. Come on, Get back here. Luther might put your life in danger.
-
From: Kuya Travis
Baby. Where are you? Hinahanap ka na nila. Umuwi kana okey?
-
From: Nina
Babae. Nasaan kaba ah? Kanina kapa hinahanap ni Kuya Denviel
-
From: Erica
Oy gaga. Ano yang drama mo? Tanan? Sipain kita dyan e. Bumalik kana nga dito. Dinamay mo pa yang gwapo mong body guard. Putsha. Kanina pa ako kinukulit nang hinayupak mong kuya. UWI NA!
-
Napangiti ako sa text ni Erica, malamang hinahanap na talaga ako. I delete all the message and I shut down my phone. Lahat ng missed call ay galing kay Kuya. Umuusok na sigurado ang ilong nya sa galit. Pati si kuya Travis ay inistorbo pa nila
"Pinapauwi kana nila hindi ba?" Tanong saakin ni Luther na kasalukuyang nag dadrive.
"Hayaan mo sila. Isang araw lang, uuwi din naman tayo e" Tamad na sagot ko sakanya
Hindi sya kumibo pinagpatuloy nya lang ang pagdadrive nya.
Ipinikit ko ang mga mata ko, inaatok na ako dahil gabi na rin naman. I need to take a rest for awhile.
"Ayaw mo bang mag stop over muna Luther? Look kanina kapa nag dadrive baka inaantok kana" Suggestion ko
"Hindi na. I think you need it more than me"
Napa ahh nalang ako at tamad na sumalampak sa upuan. Maybe his right. I need this more than him
---
"Wake up Queen. Were here"
Nagising ako sa mahinang pagtapik sa pisngi ko, Inayos ko ang sarili ko baka kasi mukha na pala akong ewan sa harapan ni Luther.
"Nandito na tayo"
Sumilip ako sa binta, nakapalibot na bundok ang nakikita ko
"Nasaan tayo?"
"Olongapo City"
Bumaba na kami nang sasakyan napa wow ako dahil ang ganda nang tanawin. Nakapalibot ang bundok at nagtataasan ang mga bahay na nasa bundok.
Hinawakan nya ang kamay ko, hinayaan ko nalang sya na gawin iyon hindi ko rin naman alam kung anong lugar na ito baka maligaw pa ako
Medyo madilim pa ang paligid dahil 4 am palang nang umaga. May mga tao akong nakikita na nagwawalis sa harapan nila
Naglakad lang kami nang hindi kalayuan, tumigil kami sa harap nang isang tulay.
"Wag mong sabihin na tatawid tayo dyan?"
Parang bigla nalang akong nanlambot.
"Yes"
Hinatak ko ang kamay ko "NO WAY!" Sigaw ko sakanya
"Kung ayaw mo, maiwan ka dyan" Masungit nyang sabi
Napasimangot ako dahil sa inakto nya, Napalunok ako nang tatlong beses bago sumunod sakanya
"Hintayin moko!"
Iwan ba naman ako dito, tumigil sya saglit
Humawak ako nang mahigpit sa gilid ng tulay, parang babaligtad ang sikmura ko dahil tumingin ako sa baba
Bato bato ang nasa ilalim. Panigurong matetegi ako pag nahulog ako doon.
Ipinikit ko lang ang mata ko at humakbang pa ulit
"Ts" Naramdaman ko ang paghawak nya sa kamay ko
"Wag kang titingin sa baba" Sinunod ko ang utos nya
Mahigpit ang hawak ko sa braso nya habang naglalakad kami.
"LAGOT KA SAAKIN PAG NAHULOG AKO DITO" Banta ko kay Luther
He just chuckle. And its like music in my ear. Damn.
"Face your fear" Naka ngiting saad nya habang naka tingin saakin
And with that, parang lahat nang alinlangan sa puso ko ay naalis. Naglakad ako sa tulay nang naka kapit sa braso nya, hindi na ako nanginginig dahil alam kong hindi ako pababayaan nang lalaking nasa tabi ko
"YES! I DID IT!" Sigaw ko pagkatapos kong matawid ang tulay
"Were not yet done. May hagdan pa"
Naalis ang ngiti sa mukha ko dahil madaming hagdan ang lalakarin namin para maka punta sa taas
"Are you sure about this Luther? Look wala pa tayong kanakain mula kanina tapos aakyat tayo dyan?"
Pinagmasdan ko ang hagdan na lalakarin namin, para akong maiihi dahil sa sobrang taas nito
"Dont worry Im with you. This is adventure"
"Fine"
Hawak ko pa din ang kamay nya habang paakyat sa taas,
"Saan ba tayo pupunta sa taas?" Hingal na hingal na ako
"May bahay ang isa sa kaibigan ko dito"
"May kaibigan ka pala?" Pang aasar ko sakanya
Bigla syang tumigil sa paglalakad at seryosong tumingin saakin "Tao din naman ako"
Nangilabot ako sa klase nang pagtitig nya.
"Alam ko!" Depensa ko
Hinatak nya ang kamay ko, pinagpatuloy namin ang paglalakad. Sobrang sakit na nang paa ko
Paghakbang ko sa pinakadulo nang inakyat namin bigla nalang akong may naapakan na bato dahilan para mahulog ako
"KYAAAAH!" Tili ko
Hinintay ko ang pagbagsak ko, wala akong naramdaman na matigas na bagay na tumama sa likod ko kaya I slowly open my eyes
I swallowed hard dahil sobrang lapit nang mukha namin ni Luther. Konting galawa ko lang ay mahahalikan ko sya.
Ngayon ko lang sya nakita nang ganito kalapit. Gwapo talaga sya. May mahahaba syang pilik mata na bumabagay sa kulay tsokolate nyang mata. Mapupulang labi na pinasigla nang mapuputi at pantay pantay nyang ngipin.
"Takecare" anas nya
Mabilis akong humiwalay sakanya at tumingin sa paligid.
Nakakahiya, bakit ba ngayon pa ako tinamaan nang pagiging lampa ko! Nakakaasar yang batong yan!
Pumasok kami sa isang maliit na bahay, may isang kwarto, mga gamit at upuan sa Sala.
Pinagmasdan ko nang mabuti ang bahay, halos kulay puti at itim lang ang mga gamit na nakikita ko.
Umupo ako sa sofa, tumuloy si Luther sa kusina. Hindi na ako nag abala pa na sundan sya dahil nahihiya pa rin ako sa nangyari kanina
Minsan talaga nagiging tanga din ang mga magaganda. Haha
Pagbalik nya may bitbit syang isang pitsel ng tubig at mga pagkain.
"Saan mo galing yan?"
"Malamang sa kusina" Pamimilosopo nya
Binato ko sya nang pillow na nasa tabi ko "Ayusin mo nga ang pagsagot mo!" Asar na sigaw ko sakanya
Ngumiti sya bago sumagot "I texted my friend and I asked him to buy foods for us"
Napa ahh nalang ako.
Kinuha ko ang Choco tops na nasa mesa at kinain iyon. Kanina pa kumakalam ang sikmura ko
"Hm. Luther, maitanong ko lang ah? Bakit ba sobrang tahimik mo? Minsan weird karin"
Tumigil sya sa pagkain at seryosong mukha ang ipinukol nya saakin "Silence is the most powerful scream"