bc

ASHFORD SERIES 1: Rebel At Heart

book_age16+
882
FOLLOW
2.9K
READ
billionaire
sex
badboy
sweet
bxg
male lead
realistic earth
first love
virgin
addiction
like
intro-logo
Blurb

WARNING: R-18 MATURED CONTENT!

ASHFORD SERIES 1: RADLEY ASHFORD

Radley Ashford, the bad guy and the eldest among the three famous brothers of college department in Equinox University. A fourth-year college student pursuing Architecture course. Radley is so arrogant and no one wants to get a fight with him. Not until he met Samara Exie, the hottest transfer student in Equinox University.

Samara will be the number one competitor of Radley in terms of academic. Radley wants to be a top-notcher in their course, but Samara came to the picture and also a competitive woman. Then Samara will be the reason why Radley's attitude changed... because of love. While competing to each other, they will feel love and be more attached to each other.

Let us all witness the journey of Radley Ashford and Samara Exie.

chap-preview
Free preview
AS1: REBEL 1
“Is this all you’ve got? Is this all of it? Ito na ang niyayabang mo sa akin na kaya mo? Hindi ko akalain na hanggang ganito lang ang kaya mong maabot.” Ibinato sa aking mukha ni Dad ang academic card ko. Pero hindi ako natinag. Nanatili lang akong deretsong nakatayo sa kaniyang harapan. Ni hindi ako kumukurap at deretso lang din na nakatingin sa unahan. Parang isang sundalo ang postura ko ngayon. Sa oras na magpakita ako sa kaniya ng kahinaan, tiyak na hindi lang sampal ng card ang aabutin ko. “I’m sorry, Dad. I will try more harder on the finals,” matigas na sagot ko sa kaniya. Pati ang pagsagot ko ay parang isang tunog ng sundalo. Hindi ko alam kung bakit ba kailangan ko pang magtiis sa ganitong sitwasyon. Pero ano nga ba ang magagawa ko? Masiyadong mataas ang expectations niya sa akin dahil ako ang panganay niyang anak. “You kept on disappointing me, Radley. What’s gotten into you? I told you that I don’t want you to settle on the second place only! Aim higher! Aim to the top one!” sigaw pa niya sa harapan ko. Hindi pa ba mataas sa kaniya ang second place sa ranking? Ang general average ko ay 95. Tinalo ko sa ranking ang halos 500 students ng Architecture course. Pero hindi pa rin sapat para sa kaniya ‘yon. Matutuwa lang siya kapag ako na ang nanguna sa ranking. Ginagawa ko ang lahat, pero sadyang mas magaling talaga ang nasa top one kaysa sa akin. Matagal ko na siyang tinatalo, pero kahit anong gawin ko ay siya pa rin ang nangunguna. Halos hindi na ako nakakatulog ng ayos dahil puro aral na lang ang ginagawa ko. “I’m sorry for disappointing you. I won’t do that again.” “You really better not do it again. Or else, you won’t be able to work on any firms even after you graduate. This is your last chance. You will about to graduate six months from now. Do you understand?” mariin pang tanong niya. “Yes! Noted on everything!” sagot ko. Pagtapos no’n ay nilayasan na niya ako. Saka nagbago ang ekspresyon ng mukha ko. Nakakasawa na talaga ang trato niyang gano’n sa akin. Mabilis naman na lumapit sa akin si Mom nang makaakyat na si Dad. Hinawakan niya ang mukha ko, pero agad ko rin ‘yon na iniiwas. “Don’t you dare touch me, will you?” inis na sambit ko sa kaniya. “Rad… I’m sorry. Hindi ko alam kung paano kita mapagtatanggol sa tatay mo.” Nginisian ko naman siya. “Ano bang alam mo? Kung sana namili ka ng maayos na mapapangasawa, hindi sana ganito ang nararanasan ko sa buhay. f**k it!” Umakyat na agad ako sa kwarto ko. I’ve been trying my best to reach my father’s expectations to me, since I’m his eldest son. But everything wasn’t enough for him. Hindi siya nakukuntento sa kung ano ang nakakamit ko, kahit na mataas naman na ang naabot ko. Hindi ko nai-lock ang pinto ng kwarto ko dahil agad na may sumunod sa akin. Ang dalawang ulupong ay pumasok sa loob ng kwarto ko. “Kung kaya ko lang labanan si Dad, e ‘di sana naipagtanggol na kita kanina,” sambit agad ni Ryker sa akin. Si Ryker ang bunso naming kapatid at ako ang panganay. Ang nasa gitna ay si Raiden. Tig-iisang taon lang ang agwat namin sa isa’t-isa. Pwera ako na dalawang taon ang agwat kay Ryker. Kaya close kaming lahat at hindi katulad ng ibang magkakapatid na lalaki na magkaaway. “Stop being ridiculous, Ry. Si Radley nga ay hindi nagawang labanan si Dad, ikaw pa kaya?” pangbabara naman ni Raiden sa kaniya. Hindi uso sa kanila ang pagtawag ng ‘Kuya’. Ayos lang din naman sa akin, walang problema. Hindi rin naman nagkakalayo ang mga edad namin at puro lalaki naman kami. “Hindi na talaga nagbago si Dad. Mula noong mga bata tayo tapos hanggang ngayon ay grabe pa rin niyang i-pressure si Rad.” “You don’t have to pity me. I can handle it,” malamig na sagot ko naman. Pero normal na rin naman sa amin ang ganitong usapan. Iisa lang naman kami ng tinitirahan, kaya malamang ay alam namin ang mga nangyayari sa buhay ng isa’t-isa. “Mom should be the one who we should blame for this. Dapat kasi ay nagpapaka-ina siya sa atin. Pero miski siya ay hindi lumalaban kay Dad,” sambit muli ni Ry. We have the same mindset. Hindi ko rin maiwasan na sisihin si Mom sa nararanasan ko ngayon. Hindi lang naman sa akin gano’n si Dad, sa aming lahat na magkakapatid ay gano’n siya. “Just graduate already, dude. In that way, you will be gone from his grip. Kung ako sa ‘yo, magpapakasaya na lang ako sa university. Maraming magagandang babae roon, para hindi ka ma-stress habang inaabot mo ang expectations ni Dad,” singit muli ni Raiden sa usapan namin ni Ryker. Napakababaero talaga ng kumag na ‘to kahit kailan. Iba-iba kami ng pag-uugali. Si Raiden ay babaero. Marami siyang nilalanding iba’t-ibang mga babae sa university na pinapasukan namin. Third year college na siya at Engineering ang kurso na kinuha. Samantalang si Ryker naman ay second year college na at Law Course ang kinuha niya. Si Ryker ang pinakamabait sa amin, palibhasa ay bunso. Mabait at palakaibigan siya sa lahat. Marami ring kaibigan si Raiden, pero mga basagulero at babaero. Samantalang ako naman ay may tatlong mga kaibigan. Ibang-iba ang ugali ko rito sa bahay at sa university. Inaayawan ako ng mga tao roon. Dahil alam nila ang ugali ko. Architecture ang kurso na kinuha ko. Inilalabas ko ang galit na nararamdaman ko mula sa bahay sa university. Lumalayo sa akin ang mga estudyante roon. Hindi nila ako gustong makasalamuha. Miski ang mga babae ay kinatatakutan ako. Wala rin masiyadong kumakausap sa akin. Gano’n ang ugali ko. Sa university ay nagagawa ko ang lahat ng mga gusto ko. Hindi katulad dito sa bahay ay may kumokontrol sa akin. Para bang ang lahat ng mga ginagawa sa akin ni Dad ay ginagawa ko sa ibang tao. Gumagamit ako ng ibang tao para iganti ang sarili ko sa mga pinaparanas sa akin ni Dad. Hindi porket pinanganak kami sa isang mayaman na pamilya ay maganda at masaya na ang buhay namin. What is happiness? I don’t know that f*****g word. I just want to rebel on this life of mine. I really want to be free, but I can’t.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Billionaire's Hot Maid

read
19.6K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.4K
bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
39.3K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.5K
bc

THE BILLIONAIRE'S AMNESIA (COMPLETED)

read
91.5K
bc

The Sex Web

read
134.4K
bc

NANNY FOR THE BILLIONAIRE'S TWINS

read
66.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook