“How did you managed to perfect the exam?” malamig na tanong ko sa kaklase kong babae. She’s Samara Exie, the top one in our ranking for architecture course.
Babae ang tumatalo sa akin. Ngayong fourth year college lang siya lumipat dito sa Equinox University. Pero mula pa naman noon ay pumapangalawa lang ako. Mula first year college hanggang ngayon ay pumapangalawa lang ako sa ranking. But I did everything just to kick that student before. Dahil gusto ko na ako na ang manguna bago makapagtapos ng college. I bullied that student before, the one taking the first rank. Lalaki ‘yon. Sa totoo lang ay wala naman talaga akong balak na magalit at mainggit sa kaniya dahil natatalo niya ako. Naisip ko na hanggang gano’n lang talaga ang limitasyon ng utak at galing ko. And not everyone can be on the top two. But my father thinks otherwise. Hindi niya matanggap na may mas mahusay at matalino kaysa sa akin. He ranked first in everything when he was still studying. Kaya ang gusto niya ay gano’n din kaming magkakapatid.
Nang makaalis ang lalaki na ‘yon dito sa university, may pumalit naman sa kaniya. Akala ko ay wala na akong magiging problema ngayong fourth year college. Sino ba naman ang mag-aakala na ang transfer student na ‘to ay magiging rival ko na naman sa top one rank? Hindi ko lang siya ma-bully dahil babae siya. ‘Yon nga lang… wala siyang takot sa akin.
Dahil sa ugali na ipinapakita mo rito sa university ay marami ang natatakot sa akin. Marami ang nagkakagusto sa akin dahil sa gwapo kong mukha at sa talino ko, pero takot sila na lapitan at kulitin ako. Alam na ng halos lahat ang ugali ko rito. Miski ang mga professors ay walang magawa sa akin. Dahil kapag sa kanila naman ay may respeto ako at alam nilang mahusay talaga ako. Kawalan din nila kapag nawala ako sa unibersidad na ‘to. Thankfully, hindi nalalaman ni Dad ang mga ginagawa ko rito sa unibersidad. Masiyado siyang abala para i-check ang mga ginagawa namin dito. Ang gusto niya lang ay ang academic cards namin kapag natatapos ang bawat exams.
“Because I reviewed all the lessons. That’s why I managed to answer all the questions correctly,” simpleng sagot lang sa akin ni Samara.
Maganda siya, sexy, matalino, at aaminin ko na siya ang tipo ko sa isang babae. Halos nasa kaniya na ang lahat. Gusto ko pa kung paano siya nagiging matapang. Hindi siya natitinag sa akin. ‘Yon nga lang ay wala akong panahon para lumandi sa kahit na kanino. Wala akong panahon na asikasuhin pa ang ibang bagay, bukod sa pagkuha ng unang rangko dahil ‘yon ang gusto ng aking ama.
“I also reviewed everything. Paano naging tama ang sagot mo dito? When I got the correct answer.”
Ipinakita ko pa sa kaniya ang test papers namin. Halos dikit lang naman ang points naming dalawa. 1.25 ang GWA niya o ang tinatawag na General Weighted Average. Samantalang ako ay 1.50. Point 25 lang ang pinagkaiba naming dalawa. Dahil perfect niya ang lahat ng exams namin. Tapos ako naman ay may isa o dalawang mali sa ilang mga written exams. Kapag practical exams naman ay ‘yong ginagawa namin na mga physical outputs. Mas mataas ang grades ko sa kaniya kapag sa gano’n. Mas tanggap ko pa kung parehas kami na top one. Pero si Dad… tangina. Kahit dalawa kami na mag-top one ni Samara, hindi pa rin siya matutuwa sa balita na ‘yon. Para sa kaniya ay kailangan isa lang mismo ang mangunguna.
“You solved it incorrectly. Hindi mo nasunod ang tamang procedure. Kahit gumamit ka pa ng mano-manong ruler at sukatin mo ‘yan, itong sagot ko ang lalabas at hindi ‘yang sinagot mo. That’s not the right procedure.”
Pinakita niya sa akin kung paano niya ginawa ‘yon. Hindi ko matanggap na mas tama siya kaysa sa akin. Nakakababa ng p*********i ko. “Tsk. Hindi na ako magpapatalo sa ‘yo sa susunod,” inis na sagot ko sa kaniya. Sa ngayon ay ‘di pa ako nakakaisip kung paano ko ba siya mapapaalis dito sa university. Mukhang mahihirapan na rin ako na mapaalis siya dahil nga palaban ang isang ‘to. Hindi ko rin alam kung paano ko bubully-hin ang isang babae. Tangina, mas papangit lang ang imahe ko kapag kumalat na nangbully ako ng babae at top one pa para lang ako ang manguna.
“You know what, Radley? Matagal ko na ‘tong napapansin. Are you competing with me? Kasi ako hindi ako nakikipag-kumpetensiya sa kahit na kanino. I am just doing what I can and answer the questions with all the knowledge I have. Pero ikaw ay mukhang iniisip na kalaban ako. Gano’n ba?”
Napangisi naman ako sa sinabi niya na ‘yon. “So you mean you really don’t intend to be on the top one rank? Is that it? Ang mindset mo ba ay basta masagutan mo lang ang lahat kung ano lang ang alam ko at kahit anong ranggo mo ay ayos lang sa ‘yo?”
“Hmm… Yes. Well, rank matters to me. Pero ayos lang naman kahit hindi ako ang maging top one. As long as nasa rank list pa rin ako, it’s fine with me. I am just competing with myself only. Hindi ko iniisip na kalaban ko ang ibang tao bukod sa sarili ko. In that way, you will succeed to get what you really want.”
“Ah, is that it? Then give the top one rank to me for our next grading. Tutal naman ay ayos lang pala sa ‘yo na hindi ikaw ang manguna. Give up your title as the top one. Ako naman.”
Am I begging for it? Tangina. Mas nakakahiya ‘to. Pero kailangan kong gawin ‘to dahil ang ama ko ang hindi nakukuntento sa kung ano man ang nakukuha ko.
Natawa rin siya dahil sa sinabi ko na ‘yon. “Gusto mo ba na sadyain ko talaga na magpababa ako? I think hindi mo nage-gets ang ibig kong sabihin kanina. What I meant was it doesn’t matter to me kung hindi ako top one. Basta sasagutin ko lahat base lang sa mga kaalaman ko. E anong magagawa ko kung alam ko ang lahat ng sagot sa mga katanungan sa kada exam? Alangan naman na alam ko ang sagot tapos sasadyain ko na mali ang ilagay ko para lang maging top one ka? Hindi gano’n ang ibig kong sabihin.”
“Whatever what you meant was, I want you to give the top one rank to me for our next grading. Gawin mo ang mga dapat mong gawin para lang bumaba ka at mas tumaas ako kaysa sa ‘yo. That’s a command from me.”
“And who are you to demand like that to me? We’re not even close. Hindi rin ako tanga na susundin ang gusto mo. You should study more harder para malaglasan mo ang kaalaman ko.”
“I am Radley Ashford. I will do everything just to get that f*****g spot from you.”