“We will be having a night party next week! The dean requested this. For you to have a break from academics, you should come and enjoy the party next week. I expect that all of you will come,” our professor announced.
I don’t have time to party. Lalo na kung puro pressure ang ibinibigay sa akin ng magaling kong ama. Malamang kapag nalaman niya na may magaganap na party sa university namin at maririnig niya na pupunta ako ay mag-iinaso na naman siya. Sasabihan lang ako no’n na wala akong oras para mag-party. Imbis ay dapat mas mag-focus ako sa pag-aaral no’n. Nalalapit na ang finals namin.
“And of course… bring your own partner on that night! The theme will be masquerade party theme. The party will start at exactly 8:00 o’clock and it will end at twelve in the midnight with a fireworks,” dagdag anunsyo pa ng professor namin.
Uso pa pala ‘yon? Hindi ko gustong um-attend. Pero dahil may mga kaibigan nga pala ako…
“Huwag mo kaming banatan na hindi ka aattend sa party, fucker! Hindi kami papayag!” reklamo na agad ni Ralph sa akin. Nilapitan na agad nila ako nang makalabas ang aming professor.
“Wala akong gana sa mga gano’ng klase ng bagay. Mabubugnot lang ako, tsk,” sagot ko. Binuksan ko na ang libro ko at nagsimulang magbasa. Pero isinara ‘yon agad ni Paul.
“Come on, bro. You should also enjoy things. Malapit na rin naman tayong maka-graduate. Magpahinga ka na muna sa pag-aaral,” sambit pa niya sa akin.
“I can’t do that. I need to study. Just go and enjoy your party next week.”
“You’re no fun now, Rad. Hindi na ikaw ang dating nakilala namin na Radley Ashford. Are you a good boy now or something?” sambit pa ni Ivan.
Hindi nila alam ang sitwasyon ko sa bahay namin. Hindi nila alam kung paano ako tratuhin ng aking ama. Wala rin naman akong balak na sabihin sa kanila ang tungkol doon. Hindi ko gusto na ipahiya ang sarili ko sa iba. Mataas ang tingin sa akin ng ibang mga tao rito dahil sa talino ko. Kaya naman hindi ko pwede na sirain ang imahe ko. Kahit na matagal ko na silang mga kaibigan, hindi naman dapat na ipaalam pa sa kanila ang problema ko. I will just keep it to myself only.
“Whatever you think of me, I don’t give a damn. Partying is not my style. And I don’t have a partner.”
“Hmm… Why don’t you try to ask Samara to be your partner? I think it would be fun to see the both of you. Rad, hindi nakakamatay ang mag-party ng isang gabi lang. It’s not like babagsak ka na agad sa acads kapag um-attend ka sa party.”
“Oh! That’s a nice idea! Balita ko ay hard to get daw siya. Paano kung ikaw ang magyaya sa kaniya? Bagay nga kayong dalawa. Naglalaban sa top one,” dagdag na sulsol pa ni Paul sa akin matapos marinig ang sinabi ni Ivan.
Nilingon ko naman si Samara na nasa unahan at nagbabasa din ng libro. Katatapos lang naman ng exam namin, pero nagbabasa na rin siya agad ng panibagong lessons. “I don’t have time to that kind of s**t. Kayo na lang. Sa susunod na lang ako, kapag tapos na ang college na ‘to,” walang gana lang na sagot ko sa kaniya.
“Hey, Sam! Are you going to the party next week?” narinig namin na tanong ng kaibigan niyang babae sa kaniya.
“Yes, of course! I want to have a break from studying too. I want to have some fun.”
Nainsulto ako. Hindi ko inaasahan na ang top one na katulad niya ay mas pipiliin na sayangin ang oras para mag-party, kaysa mag-aral para sa paparating na finals. Samantalang ako ay mas pinili ko na mag-aral kayaa um-attend sa walang kwenta na party na ‘yon. Baka isipin pa niya na talagang pinaghahandaan ko na maagaw ang pwesto niya.
“That’s great! So sino ang gusto mong maka-partner?”
“Uhm… Kung sino na lang ang mauna na magyaya sa akin. I don’t have any specific person in my mind, eh,” sagot pa ni Samara.
“Dude, it’s your time to shine. Unahan mo na kaagad. Baka mamaya ay may mauna na sa ‘yo,” bulong pa sa akin ni Ralph. Sulsol na sulsol sa akin ang mga gago.
“Akala ko ba ay hard to get siya? Bakit papayag agad siya na kung sino ang unang magyaya sa kaniya ay ‘yon na agad ang magiging partner niya sa party? Is that what you call a hard to get?” reklamo ko pa sa mga kaibigan ko.
“Huwag ka nang mag-reklamo pa. Go and ask her now. Marami rin ang nakaabang d’yan kay Samara. Hindi ko rin naman sila masisisi dahil maganda talaga siya and sexy. I can’t wait to see her wearing a freaking sexy outfit and dancing wildly.”
Nilingon ko naman si Paul nang sabihin niya ‘yon. “Then why don’t you ask her instead? Tutal type mo naman pala siya. She’s not my type.”
“Rad, don’t be ridiculous. This is just for fun. Go and ask her to be your date next week. Let’s see kung papayag siya sa ‘yo. Kapag hindi siya pumayag, e ‘di saka ko siya yayayain. We want you to be competitive in terms of fun too. Huwag kang puro sa pag-aaral lang competitive. Hindi ganiyan ang dating Radley na nakilala namin.”
Dahil sa sinabi na ‘yon ng mga kaibigan ko ay naisip ko na hindi dapat ako magpatalo. Mapapahiya lang ako kapag hindi ko nagawa ang gusto nila. Ayoko rin na mapahiya. Tumayo na ako mula sa kinauupuan ko. Ayoko rin na mainsulto ako. Hindi ako payag na siya ay may oras pa para magsaya, tapos ako ay magpapakalulong lang sa pag-aaral. I should have fun too. Kung ang top one nga ay may gana pa na magsaya, ako pa kaya na top two lang?
Nilapitan ko naman ang pwesto ni Samara. Naghiyawan na ng bahagya ang mga kaibigan ko, kaya nakuha ko na ang atensyon ng iba pa naming mga kaklase. Napatingin naman sa akin si Samara nang tumayo ako sa harapan niya. Ang seryoso lang ng mukha ko habang nakatingin sa kaniya ngayon. Nanahimik sila sa kwentuhan.
“Be my date on the party next week,” sambit ko agad sa kaniya. Hindi ko na siya tinanong pa kung pwede ko ba siyang maging date sa party next week. Deretso ko na agad na sinabi na dapat ay maging date ko siya.
“Why do you want me to be your date next week?” tanong naman niya sa akin. “I just want to. Prepare yourself. I will pick you up.”
Tatalikod na sana ako ngunit agad siyang tumayo at nagsalita muli. “Hindi naman ako pumayag na maging date mo, ah? So why should I prepare myself for you?”
Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. “Narinig ko ang sinabi mo kanina sa mga kaibigan mo na kung sino ang mauna na magtanong sa ‘yo ay ‘yon na agad ang gusto mo na maging date. Ako ang nauna sa ‘yo. Kaya bakit hindi ka pa payag?” nagtataka pa na tanong ko sa kaniya.
“You didn’t ask me though. You just told me to be your partner next week. It’s more like a demand than asking me for permission first. Kaya hindi ‘yon counted. I don’t want to be your partner. Next time, ask politely. Para naman hindi ka napapahiya.”
Umigting ang panga ko nang marinig ang isinagot niya sa akin. Napangisi naman ako at hinarap ko siya ng mabuti. Dahan-dahan ko namang inilapit ang mukha ko sa kaniya habang deretsong nakatingin sa kaniyang mga mata. “I don’t need to ask you. That is literally a command that you need to be my partner next week. Whether you like it or not, ako na ang partner mo.”
“No. Hindi ako natatakot sa ‘yo at hindi rin ako sunod-sunuran mo.”
“Sa tingin mo ba ay may magtatangka pa na magyaya sa ‘yo?”
“Of course—”
Tumingin ako sa lahat ng mga kaklase namin na nanonood sa amin ngayon. “Whoever dare to ask Samara to be his date next week will receive a sever punishment from me. She’s already my date. So don’t you dare ask her. Spread this information to others too.”
Nagbanta na ako sa mga kalalakihan dito. Dahil alam ko naman na takot sa akin ang karamihan dito. “What?!” sigaw pa sa akin ni Samara. Ngunit nginisian ko na lang siya.
“I told you that you’re already my partner for next week.”