AS1: REBEL 4

1225 Words
“I heard that there will be a night party tomorrow in your university. You’re not attending that s**t, right?” bungad agad sa akin ni Dad. Kakauwi ko lang galing sa gym. Wala kaming pasok ngayon dahil pinaghahanda kami para sa night party na magaganap bukas. May susuotin naman na ako. Kailangan ko na lang na tumakas kay Dad ngayon. “I won’t be attending the party, don’t worry,” sagot ko lang sa kaniya. Halatang wala akong gana na sagutin siya. Nagbabasa siya ngayon ng diyaryo. Ibinaba niya ang kaniyang salamin at tiningnan ako. “Are you sure that you’re preparing very well for your final examinations?” tanong pa niya sa akin. “Yes, I am.” “Dad, why don’t you let Rad enjoy for just one night? Hindi naman porket mag-eenjoy siya sa party ay babagsak na siya.” Napatingin ako nang biglang sumabat si Ryker sa usapan namin ni Dad. Agad ko siyang sinamaan ng tingin. Sinesenyasan ko na siya na ‘wag nang magsalita pa at umakyat na lang. Ang ayoko sa lahat ay may tumutulong sa akin para lang makaalis ako sa isang mahirap na sitwasyon. I can handle myself. I can handle everything. Hindi ko kailangan ng tulong ng kahit na sino. “Sa tingin mo ba ay hindi ka matutulad sa kaniya sa oras na tumuntong ka rin sa fourth year mo? You’re taking a law course. You should know better na mas mahalaga ang magbasa ng libro kaysa mag-party na wala namang kwenta,” sagot ni Dad sa kaniya. “But—” “Ry, stop it. Huwag kang makisali sa usapan ng mga matatatanda,” seryosong suway naman ni Raiden sa aming bunsong kapatid. Malamang ay nakaramdam na rin siya na hindi na maganda lalo ang mood ko dahil sa pagsabat ni Ryker. Umakyat na lang silang dalawa. Tumingin na muli ako kay Dad. “I will now excuse myself. I need to study.” Hindi ko na hinintay pa ang isasagot niya sa akin at agad na rin akong umakyat. Pinuntahan ko naman si Ryker sa kwarto niya. Doon ko sila nakita ni Raiden na pumasok. “Sa susunod ay huwag ka nang sasabat sa usapan namin ni Dad. Alam mo naman na hindi ko gusto ang gano’n,” pangaral ko agad sa kaniya. Soundproof naman ang lahat ng mga kwarto namin dito, kaya hindi kami maririnig sa labas. “I was just trying to help, Rad. I also want you to enjoy your youth, your life. Hindi naman pwede na buong buhay mo lang na mag-aaral ka. Do the things that will make you happy too,” sagot naman niya sa akin. Naiintindihan ko naman na concern lang siya sa akin. Pero ayoko lang na mapahamak pa ang mga kapatid ko dahil lang tinulungan nila ako laban kay Dad. Malambot ako sa mga kapatid ko, pero sa ibang tao ay hindi. “Ry, he can handle himself. You don’t need to do that next time. Hindi mo rin kailangang sabihan si Radley. I’m sure he has plans already for the party tomorrow,” sagot naman din ni Raiden. Umupo naman ako sa kama. “Yeah, I’m attending the party tomorrow. May mga isusuot na rin ako. Ang problema nga lang ay kung paano ako makakatakas bukas. I’m f*****g sure na iche-check ako ni Dad bukas para masigurado niya na nag-aaral talaga ako at hindi nasa party,” pag-amin ko naman sa kanila. “Rad, ano ka ba? Para saan pa at naging kapatid mo kami ni Ryker? We can help you!” excited naman bigla na sambit ni Raiden sa akin. “How?” “I saw Dad’s schedule earlier. Medyo maaga siyang uuwi bukas. Estimated time ko ng uwi niya ay mga 6:00 PM. Since hindi pa lang nagsisimula ang party natin no’n, kakausapin ko si Mom na gawing busy pa lalo si Dad kapag nakauwi na sila. In that way, hindi ka na maiisip ni Dad,” paliwanag naman niya sa akin. “That’s a lame plan, Raiden. Sa tingin mo ba ay magagawa ni Mom ‘yon? Tsaka asa ka pa. Sa taba ng utak ni Dad, ‘di no’n makakalimutan si Radley. Ito ang plano ko… 8:00 PM pa naman ang simula ng party. 7:00 PM pa lang ay magpakita ka kay Dad na paakyat ka sa kwarto mo at may dalang maraming libro. Kapag nakita ka niya na paakyat sa kwarto mo ay masisiguro niya na mag-aaral ka na talaga. Once nasa kwarto ka na, magbihis ka na. Tutulungan ka namin na makatakas mula sa bintana ng kwarto mo. Maglalagay kami ng hagdan sa likod. Si Mom na ang bahala na gawing abala si Dad.” “Oh! I like that idea! You’re so brilliant. E paano kung makita tayo ng mga guards, tapos magsumbong sila kay Dad?” tanong pa ni Raiden sa aming kapatid. “Ako na ang bahala sa mga guards natin. Ka-close ko naman ang mga ‘yon at mababait naman sila. Although takot sila kay Dad. Pero basta ako na ang bahala. Tapos naka-kotse naman tayo na lalabas. Kaso baka mahalata ni Dad na wala ang kotse mo bukas.” Tumingin naman ako kay Raiden. “Pahiram na lang ako bukas ng kotse mo. ‘Yon ang gagamitin ko. Iparada mo na ang isa mong kotse sa labas ng subdivision natin. Tapos sasabay na lang ako sa ‘yo kapag palabas tayo ng bahay. Para hindi ako makita ng mga guards,” utos ko naman sa kaniya. “Okay, copy on that. Ako na ang bahala da CCTV cameras natin sa labas. Para hindi makita ni Dad na lumabas ka. Para rin safe ang lahat,” sagot pa niya sa akin. “Okay, all set! ‘Di ba ang galing ng plano ko? Hihintayin ka na lang namin bukas. Kunwari ay nakaalis na kami. Pero ang totoo ay hihintayin ka namin sa labas.” Yeah, this is what I want. I want to rebel against my father. Minsan ko lang din naman ‘to na gagawin. Sa ngayon ay hindi muna ako magiging isang tuta na sunod-sunuran lang sa aking ama. “By the way, may partner ka na ba para sa party? Ako kasi ay mayroon na. Nahirapan pa nga akong pumili dahil ang daming may gusto na maging partner ko,” pagyayabang naman ni Raiden. “Samara Exie will be my partner,” simpleng sagot ko lang. Sigurado naman ako na kilala nila ang babae na ‘yon. “Woah! Samara Exie?! You mean that girl na nasa top one at kalaban mo?” hindi makapaniwala na tanong sa akin ni Ryker. “Yeah.” “Wow. The top one and top two being partners in a party! What a sight. Mabuti at napapayag mo siya na maging partner mo? Sa mga narinig ko kasi na balita ay hard to get daw siya. But she’s also beautiful, huh,” sabat naman ni Raiden. “Paanong hindi siya papayag? Isang Radley Ashford na ang nagyaya sa kaniya. Sa gwapo kong ‘to? Kalokohan na lang kung may tatanggi sa akin,” pagyayabang ko naman sa kanila. “That’s the spirit! We’re not the so-called famous brothers for no reason. Excited na ako para bukas. Sana ay success ang plano natin.” This will be my first rebel against my father…

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD