Chapter 111: Nagkitang Muli Lumipas ang isang taon ay marami ng nangyari naisilang ko na ng malusog ang aking anak na lalaki na kamukhang kamukha ni Van hindi ko makakaila nila manong Juan at Aleng Analiza iyon pero hindi sila nagtanong sa akin tungkol roon nirespeto pa rin nila yung desisyon ko na pananhimik tungkol sa ama nitong anak ko. Marami akong napagdaanan na hirap sa lumipas na isang taon mabuti na lang at tinulungan ako sa lahat nila Manong Juan at lalong lalo na ni Aleng Analiza kaya malaki ang utang na loob ko sa kanila. Wala na rin akong balita pa kay sir Van hanggang ngayon dahil kong tumatawag si bakla ay hindi ako nagtatanong tungkol sa kanya at sinabihan ko na rin ito na huwag akong balitaan sa anong nangyari doon. Hindi ko rin natawagan si Sky kaya alam kong galit iyon

