Chapter 110: Nasasaktan “Hello?” sabi nito. Hindi ko narinig ang isinagot ng tumawag. “Si mang Juan pala to taga isla nandito si Summer nakahiga masama pakiramdam kaya ako na yung sumagot nasa isla ho siya iho,” sabi ni manong. Hindi na ako nakinig sa kanilang usapan dahil nakatulog na ako ng tuluyan nagising ako ng ginising ako sa ina nila Juana. “Iha gumising ka muna ng makakain ka baka sa gutom mo iyan at hindi ka puwedeng hindi kumain kawawa iyang baby na dinadala mo,” sabi sa niya sa akin. Nagkusot muna ako ng mata bago tinulungan ako na bumangon nila Juana at ng ina niya. “Kumain ka muna iha hindi puwedeng hindi ka kumain nako alam mong buntis ka kaya sana kumain ka muna habang naghihintay kina Juan at ng anak ko,” sabi sa akin ng ina ni Juana. “Pasensya na po Aleng Analiza w

