Chapter 32: Malaswa “Hindi na babalik si Sky rito?” tanong ko ulit kay sur Van. “Yes.” Kung ganun sasabay ako kay sir Van kong alam ko lang sana edi sumabay na lang ako kina bakla nako ang malas ko naman ngayon. “Ako na maghahatid sayo sabay na tayo hintayin mo lang ako rito kasi magpapalam muna ako kay tita,” ani nito. “H-huwag na sir mag aabang na lang ako ng taxi sa labas.” “No, ihahatid kita just wait here.” Bago pa man ako makasagot ay tumayo na ito at naglakad papunta sa may hagdan hindi ko alam kong saan ito pupunta siguro pupuntahan ang ina ni sir Jake. Naiwan akong mag isa sa lamesa na walang makakausap kasi malayo naman yung iba rito sa akin. Kaya minabuti ko na lamang na hintayin si sir Van. Kung sinabi sana sa akin ni Sky na hindi pala rito niya sasagutin o aalis pala si

