Ianah's POV "Sa wakas kompleto na sila!" "Oo nga. Sayang hindi ko na sila kaklase." "Buti talaga at malakas ako kaya sa klase nila ako nalagay." Napatingin ako sa mga estudyanteng nag-uusap habang napapatingin sa direksyon namin. Kanina ko pa napapansin na may pinagkakaguluhan ang mga estudyanteng nadadaanan namin. May mga tumitili, sumisigaw at mayroon pa kaming nadaanan na nagkunwaring nahimatay. Muntik na akong mapalapit sa kanila kundi lang ako sinabihan ni Water na acting lang yon. Gusto ba nilang mag artista? Wala namang ganyan dito e. "Tss. Ang iingay talaga." iritang bulong ni Water. Naglalakad kami ngayon papunta sa klase. Medyo may kalayuan ang room namin kaya ang dami pa naming nadaanan na mga room. "Water bakit parang masyadong natutuwa ang mga estudyante ngayon? May al

