Ianah's POV "Handa kana ba?" napatingin ako kay Water na ngayon ay nakatayo habang hawak niya ang isang maleta na pinaglalagyan ng kanyang mga damit. Ang dadalhin niya sa pagpunta namin sa Wizard's Kingdom. Sinara ko ang maleta nang matapos kong ilagay dito ang mga damit na dadalhin ko. Tumayo ako sa pagkakaupo sa kama sabay inayos ang suot kong damit. "Yah. I'm ready." ngiting sagot ko na kinatango niya. Sabay kaming lumabas ng bahay niya at nadatnan namin ang iba na nasa labas na. Napakunot ako ng noo nang makitang kulang kami ng isa. "Saan na si Kenneth?" tanong ko at ginala ang tingin sa paligid. Napakibit-balikat si Flame at Air habang si Hero ay hindi nag-iba ang reaksyon niya. Kaya napatingin ako kay Aiross. Siya lang ang kilala kong makakasagot saakin ng maayos. "Huli na nam

