Ianah's POV ~Neoui nun ko ip, Nal manjideon ne songil Jageon sontopkkhaji da~ Hangang hanga kong pinapakinggan si Kenneth na kumakanta ng korean song. Paano niya natutunang magsalita ng hangul? Nag-aral ba siya? Alam kong hangul ang wikang kinakanta niya dahil minsan na akong nakarinig ng mga korean song tulad ng K-pop na sikat ngayon sa mundong pinanggalingan ko na pinagkakaguluhan ng mga teenagers. "Hindi ka ba inaantok?" tanong saakin ni Water na ngayon ay pumipikit na siya ng mga mata. Halatang inaantok na siya. Umiling ako sa kanya bilang sagot. Hindi pa naman ako nakakaramdam ng antok. Ilang oras na din kaming nasa byahe. Kaya hindi ko alam kung may balak ba silang magpahinga. "Water saan ba tayo matutulog?" tanong ko kay Water. Wag niyang sabihin na dito kami matutulog. Hin

